CHAPTER 18

2280 Words
Reese POV Princess The Nerd? Bakit kamukha nya yung Pangit na yun? Oh wait. Pasko naman eh magiging mabait muna ako for Today's video. What is her name again? Inopen ko yung phone ko para tignan yung files na sinend sakin nung President ng student council ng school. Close kami kaya pinag bigyan nya ako. Nung una ayaw nya pa alam nya na daw kasi yung gagawin ko. Duhhh. I'm just making fun. Di ko na gagawin yung ginawa ko dati. Well isang beses ko lang naman ginawa yun and nadala agad ako. So balik tayo. Her name is Princess Diana. Wow. Lakas maka wonder woman. Siguro fan ni gal gadot ang parents nito. Inilipat ko din yung picture nung files sa kasunod nitong picture which is yung picture ni princess. Pabalik balik ako ng tingin kay Priscilla and sa picture ni princess pero ganun padin eh. Kamukha nya talaga nag salamin lang si princess and pinacheap yung style. "Hey, Andito na tayo. Wag mo nga akong titigan. Onti nalang iisipin ko na crush mo ko eh hahaha." napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko yung tawa nya. Woah....pati tawa nya nakakatulo laway. Ayy ano ba yan. Kelan pa tumulo ang laway ko sa isang babae? Ngayon lang... "Uyyy. Natulala ka nanaman. Baba na Tayo nag hihintay na sila sa loob ng bahay." inisnap nya pa yung fingers nya sa tapat ng mukha ko para mapabalik ako sa sarili ko. "ha?" Tanging sabi ko. "Hatdog" Sagot nya sakin. Aba....tatawa tawa pa ang gaga. Kung di lang maganda ito itutulak ko to eh. "Hatdogin mo yang mukha mo. Lika na nga. Sila raven?" Imbes na patulan sya ay iniba ko nalang ang usapan. Duhhh! Pasko kaya ngayon. Mabait ako ngayon noh?! Tsaka isa pa nasa teritoryo ako ng mga de ayala. Baka bigla nila akong palayasin. Di ako marunong lumangoy noh! Tsaka baka masira ang image ko sa kanila... Mahirap na. Tila ba nasagot ang katanungan ko nang makita ko si raven at yung aso ni Priscilla na magiliw na nakikipag laro sa isang batang babae na kamag anak yata nila. Inalalayan na kaming bumaba ni manong bangkero. Masasabi ko na mas madali lang talagang bumaba kaysa sumakay ng bangka. "MJ, hinay hinay sa pag haharot sa mga aso. Hindi ka pa lubos na kilala nung husky ah baka makagat ka." Paalala nya sa bata na pinag papawisan na kasi nakikipag habulan sa mga aso. Tumakbo yung bata kay priscilla at saka ito yumakap. Tatawa tawa naman yung dalawa nang sugudin sila nung mga aso at dilaan. Awww... Ang cute nila. Sana may ganyan din ako. Kaso mukhang imposible na mangyari sa akin yan. "Ate sino sya? Ang ganda nya po. May kamukha po sya...." Sabi nung bata tapos tinuro pa ako. Kita sa mga mata nya na namamangha sya sa nakikita nya. Well... Di naman sa pagmamayabang. Maganda talaga ako. Mahangin ba? Natural lang yan. May bagyo eh. "uhm. Bunso, This is Reese. Friend ko. Uhm reese, this is my youngest sister, Mary jane." Pag papakilala nya kay Mary jane. Ngumiti lang ito sa akin saka ako niyakap. Awwww... Gusto ko na tuloy magkaroon ng kapatid. Ang cute cute nya. I mean may kapatid naman ako kaso... Hayss NVM. "Nice to meet you po ate, Ngayon lang po ulit may pinakilala si ate Priscilla. Ang ganda mo po. Totoo po ba yang Kulay ng mata mo? Kamukha mo po si Molly O'malia." Nag niningning yung mata nya habang sinasabi nya yun. Ay iba din. Ganun ba talaga ako Kaganda? " Pag pasensyahan mo na si MJ. Ganyan lang talaga yan. Clingy. Lahat ata niyayakap hahaha." Sabi ni priscilla na nakatingin sa amin na may matamis na ngiti sa mga labi nya. "Okay lang. Ngayon lang ako makakaexperience nito. Di kasi kami goods ni Reetz kaya siguro sabik ako sa kapatid." Sabi ko na inaayos yung pawisanv buhok ni MJ. Pawisan na sya pero mukhang ang bango bango nya parin. Lumuhod naman ako at niyakap ko pabalik si MJ. Ang lambot nya tsaka ang bango bango. Wait.... Yung amoy ni MJ. yung pabango nya... Ganito yung amoy ni princess. Kahit pawisan na amoy chocolate parin. Pwera biro. Amoy chocolate talaga. Naalala ko nung isang beses nabunggo nya ako kasi tumatakbo sila ni jaz since hinahabol nanaman sila. Pawisan din sya nun tapos natumba kami pareho. Nasa top ako naka dapa ako sakanya. Sa bilis ng pangyayari napasubsub yung mukha ko sa bandang leeg nya. Kaya amoy na amoy ko yun. Ang bango nya pero mukha syang dugyot. "Ate, okay ka lang po?" Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si mj. Nakahawak pa yung dalawang kamay nya sa magkabilang pisngi ko. Ngumiti lang ako ng matamis saka tumango bago isubsob yung mukha ko sa leeg nya kasi ang sarap nyang amoyin. Mahilig pa naman ako sa chocolate. "Oh sya. Lika na at baka inaantay na nila tayo. Yung mga aso, Wag kang mag alala. Di naman sila mawawala. " aya ni priscilla saka inakbayan si mj. Gaya ng sabi nya iniwan na muna namin yung mga aso doon sa labas ng bahay pagtapos tanggalin yung mga tali nila. "Oh... My Sister! I miss you!" halos pasigaw nung babae tsaka patakbong lumapit kay priscilla at yakapin. Tumakbo din kasunod nya yung lalaking kamukha ni priscilla. Nag yakapan silang apat kasama si MJ at umikot ukot habang naka group hug. Di ko naman maiwasan na mainggit. Kasi dalawa na nga lang kami ni reetz di pa kami magkasundo. Tapos yung parents pa namin may favoritism. "Ang cute nila noh? Ganyan talaga sila lalo na at matagal tagal din silang di nag kasama." Biglang sulpot nung babae sa likuran ko at inakbayan ako pag tapos nyang sabihin yun. "Uhm. Hello po." Yun lang yung nasabi ko kasi nahihiya ako! Sya yung mama ni priscilla. Tapos nasa tabi nya yung asawa nya na ang laki ng ngiti sa akin. "Hi din. Ako si alicia. Nanay nung makukulit na yun." Sabi nya tapos tumuro pa sa mga anak nyang nag kukulitan. Mag papakilala na sana ako kaso nag salita yung asawa nya kaya napahinto ako. "Let me guess. Ikaw si reetz diba? Hindi malang nasabi ni priscilla na tinanan ka na pala nya." Biro nito kaya napaangat yung gilid ng labi ko. "Huy. Ano ka ba. Wag ka ngang magbiro ng ganyan sa kaibigan ng anak mo. Pag nalaman ni priscilla yan mag susumbong nanaman yun sa lola nya." Mukhang natakot naman ito kaya napa zip sya ng bibig at nag sorry sa akin. "Uhmm okay lang po. Anyway, hindi po ako si reetz. Kakambal ko po sya. My name is Reese." "Oh talaga? Hindi kasi nabanggit ng parents mo na may kakambal pala si reetz. Si reetz lang kasi yung pinakilala nya sa akin na anak nya." Nalungkot ako kasi kelan ba ako pinakilala ni dad hahaha. "Wala naman pong ibang nakakakilala sa akin maliban nalang po dun sa mga talagang malapit sa pamilya namin. The rest, wala na po. Hindi naman nya po kasi ako pinapakilala kaya minsan napag kakamalan akong manggagaya ni reetz." Pagak akong tumawa pero niyakap ako ni mrs.alicia at di ko na napigilan kaya napaiyak ako. Sheyt. Ganto pala ang pakiramdam ng yakapin. Kahit hindi ko nanay si mrs.alicia...damang dama ko yung pah mamahal nya bilang isang ina na never kong naramdaman sa nanay ko mismo. Sumama na din si mr.elon. Maya maya panay naramdaman kong nag siyakapan na din yung mga anak nila sa amin kaya ayun. Nag group hug kami. Haysss. Ang sarap sa pakiramdam nitong ganito. Sana ganito din yung pamilya ko. Pero siguro hanggang sana nalang talaga ako. Napaka saya ng pamilya De Ayala. Walang wala yung pamilya naming mga Sanford. Hanggang noche Buena ang iingay namin at ang saya saya. Ngayon lang ako nakaranas ng gamito tuwing pasko. Sigurado akong hahanap hanapin ko ito. -------------------------- "Hey. Ang lalim ng iniisip mo ah. Siguro iniisip mo na kung paano mo alo liligawan noh?" Namula ako sa sinabi nya kaya para matakpan ang pamumula ko ay ponag hahampas ko sya sa braso nya. "Hahaha aray! Joke lang uy! Tama na!" Awat nya sa akin saka nya ako niyakap sa likuran ko. Kung kanina medyo nanginginig pa yung katawan ko kasi malamig ang simoy ng hangin ngayon naman ang warm na ng nararamdaman ko. 28 na ng December. Palapit ng palapit ang bagong taon, palapit din ng palapit ang pag babalik ko sa malungkot kong mundo. Napabuntong hininga ako kaya mas lalong hinigpitan ni priscilla yung pag yakap sa akin. Take not guys. Nung 26 lang kami naging close. Ewan ko pero siguro ganito talaga sya sa mga friends nya. Nabanggit kasi ni angelica na mahilig si priscilla mangback hug. "Ganyan ka ba talaga? Nangyayakap ng wala manlang pahintulot" Kunyaring pag susungit ko. Narinig ko naman syang rumawa ng bahagya bago nag salita. "It's my hobby. I don't know why pero kapag feeling ko na may problema yung isang tao na malapit sa akin ay niyayakap ko sila mula sa likod. Nang sa ganun ay malaman nila na nandito lang ako para sa kanila na handa silang tulungan at pahalagahan." Napangiti ako habang nakatingin lang sa madilim nang langit dahil 6pm na ng gabi. "Ang bait mo priscilla. Ang swerte ng taong makakatuluyan mo. Bukod kasi sa maganda ka na mabait ka pa." Sabi ko. "So maswerte ka pala? Nagulat man ay di ko yun pinahalata. Baka lang kasi nag bibiro lang sya tulad ng dad nya. "Ano? Straight ako baliw hahaha tsaka diba sabi mo straight ka?" "Alam mo naman na nagkagusto ako kay reetz diba? And sure ako na nagkagusto lang ako sakanya kasi maganda sya. Never ko pa syang nakasama pagtapos nung araw nayun nung lamay ni lolo. And hindi na kami nagkita ulit. May konting kamustahan sa chats." Nakayakap parin sya sa akin. Di ko naman sya magawang tignan kasi namumula ako sa di malamang dahilan. Dama ko yun kasi nagiinit yung mukha ko. "S-so anong gusto mong palabasin?" "Pwede ba kita ligawan, reese?" Napakalas ako sa pag kakayakap nya sa akin dahil sa gulat. Napatingin lang ako sakanya ng hindi makapaniwala. Duh! Ilang araw palang kaming nag kakasama tapos gusto nya akong ligawan? Hilo ba sya? "Alam mo? Baka nadadala ka lang sa pagkakacrush mo sa kakambal ko. Kamukha ko sya, priscilla. Malay ko ba na nakikita mo lang sa akin yung kakambal ko. Isa pa may boyfriend na ako at mahal ko sya." "Talaga ba? Hindi yun yung nakikita ko sa mata mo. Isa pa, sinabi ko naman sayo na hindi ko pa nakakasama ulit si reetz. Pero ikaw? Sa loob ng ilang araw nakita ko yung totoonh reese. Yung nakikita ko sa school? Hindi yun yung totoong ikaw. Pero yung mga pinakita mo nubg mga nakaraang araw? Ano ka ba naman. Wag mo nang lokohin yung sarili mo, reese. Alam kong hindi ka na masaya kay bailey." Napamaang ako sa sinabi nya. So nakikita nya ako sa school? Alam nya yung mga pinag gagagawa ko? " Sa FSU ka pala nag aaral. Bakit never kitang nakita sa school or kahit na mabalitaan kong doon ka nag aaral. " iniba ko yung usapan kasi hindi ko yata kakayanin yun sa di malamang dahilan. "May rason, reese. May rason kung bakit hindi mo ako nakikita o nababalitaan sa FSU." "At ano yung dahilan na yun?" Mapanghamon kong tanong kay priscilla. Sya naman ngayon ang natahimik at hindi mapakali. "Ah basta. Hlika na at malamig na. Sa loob na tayo." Sabi nya saka ako inakay papasok sa loob at inihatid ako sa room ko. Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nag salita sya. "Aantayin konyung sagot mo, reese. Willing akong maghintay sayo kahit gaano pa katagal. Kasi seryoso ako sayo, reese." Yun lang ang sinabi nya at halos maging bato akonsa tigas nang maramdaman ko ang labi nya sa gilid ng labi ko..... Sheeeet! Ilang segundo lang yun namalayan ko nalang na naisara na pala ni priscilla yung pinto. Tumunog naman ang phone ko kaya tinignan ko yun. Si Lando pala. Yung inutusan kong alamin yung pagkatao ni princess. Sabi nya lang na naimail nya na sa akin yung hinihingi ko. Kaya agad ko yun chineck sa laptop ko at napangisi nalang ako sa nakita at nabasa ko. Agad kong sinend ang bayad sa bank account ni lando at nag pasalamat na din. Agad ko namang tinawagan si francine. Ang best friend ko at kanang kamay ko. "Hey girl. How are you?" Bati nya sa akin pero di ko yun pinansin dahil wala akonv balak na makipag chikahan. "We should stop bullying her. Pakisabi sa members. Na wag na sya or silang galawin." "What? Why? Nag eenjoy ang clan natin dahil sa pambubully sa ugly poor nerd na yun. So bakit natin sila pipigilan diba?" "JUST DO IT! HINDI MO KILALA ANG KINAKALABAN MO, CORTEZ! IF THAT GIRL YOU CALLED UGLY POOR NERD REACH HER LIMIT LAHAT TAYO MAPAPAHAMAK." "Okay okay! Calm down girl. I'm just asking lang naman bakit ba ang init nanaman ng ulo mo?. Anyways, i have to go. Nag dadrive ako papunta ng mall at may bibilhin ako." "Okay. Drive safely. See you soon." "Alright. Mwuaps!" Yun lang at pinatay ko na ang tawag. GOSH! Ilang buwan namin syang binully tapos.... Shems. Bakit di sya nag susumbong! So gusto mo na mag sumbong sya? No! I mean. Ugh! I mean bakit sya nah tiis. Kung pwede nya naman akong isumbong or something na makakapag patigil sa pambubully namin. Kasi nga gusto ka nya. Duh! Anong connect? Tapos ang pesteng utak ko nag replay sa mga nangyare kani-kanina lang. AYYY JUSKO PRISCILLA DE ALAYA! GINUGULO MO ANG PUSO AT ISIP KO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD