CHAPTER 17

1722 Words
Reese POV "Dad naman! Hindi lang naman si reetz ang anak nyo! Bakit hindi nyo nalang kasi sya pauwiin dito sa pilipinas para naman makasama ko din kayo!" "sorry, anak. Hindi talaga kami makakauwi sa pasko and new year. Alam mo naman na nandito din yung company natin diba? I hope you understand." "Lagi naman dad eh. Lagi kayong may dahilan ni mom. Just admit it nalang kasi. Na wala naman akong halaga sainyo. Puro nalang kayo reetz...dad may isa pa po kayong anak na kailangan kayo." "Anak naman. Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na ginagawa lang namin ito ng mom mo para sainyo ni reetz?" "Pero sana manlang dad diba? Kahit ngayong pasko at bagong taon lang makasama ko kayo. Kahit sa unang pagkakataon lang po. Bakit ba parang hirap na hirap kayong pagbigyan ako sa munting hiling ko?" "Alam mo naman na andito din yung kabuhayan natin diba? Uuwi naman kami dyan ng mom mo pag tapos ng pasko at bagong taon. Tatapusin lang namin yung trabaho namin dito." "Basta wag nalang kayong masurpresa, dad Na kapag umuwi kayo dito sa pilipinas na wala na ang kakambal ng anak nyo." Hindi ko na kinaya pa at pinatay na ang video call namin ni dad. As usual... Nasa ibang bansa nanaman sila at kasama ang favorite nilang anak. At ako? Andito sa pilipinas. Nag iisa. Buong buhay ko ata hindi ko sila nakasamang mag pasko or kahit bagong taon lang. Puro sila reetz. "Walang kasama si reetz, anak." "Saglit lang naman kami doon." "I hope you understand, reese." Tangina sawang sawa na ako dyan. Yan nalang lagi ang palusot nila sa akin. Hindi ko naman magawang makipasko sa pamilya nila bailey since di ako tanggap nung lolo nya. Baka magkagulo lang at mag away yung dalawa kaya di na ako makikigulo doon. Sila yaya naman ay pinayagan ko nang umuwi muna para makasama ang kanya kanya nilang pamilya. So wala talaga akong kasama kundi ako lang at yung aso kong si Raven. Niregalo sa akin ito ni lolo armando noong 18th birthday ko. Isa syang Siberian Husky. Si reetz naman ang regalo sakanya nila lolo is bag na mamahalin worth million ata yun. Di ko na inalam kung anong brand dahil wala akong hilig sa mga bags. Napag pasyahan ko nalang na mamasyal sa mall pamatay oras. Nilagyan ko na si raven ng shoes and diaper. Saka ko sya kinabitan ng tali. Sinigurado ko munang nakalock ang mga pinto bago kami tuluyang lumabas at sumakay sa sasakyan ko. Habang nag mamaneho ako ay hindi ko mapigilan na mainggit sa mga pamilya na nakikita ko sa kalsada at namamasyal. Ang saya saya nila. Sana ako din may ganyan ngayong pasko. Ang sakit naman nila dad and mom, parang walang kakambal yung reetz nila eh. Haysss. Nakarating kami sa mall at halos yata ng tay ay nakatingin sa akin. Dagdag pang may kasama akong cute na cute na aso. Na alam naman ng lahat na mamahalin. Tapos yung may ari pa ng aso ay dyosa. Ang hangin mo sis.... Nag ikot ikot lang ako sa Mall kasama si raven. Tingin tingin sa mga store. Bili dito at bili doon. Nag grocery na din ako kasi wala naman akong choice. Ako lang mag isa... Alangan naman na Humablot ako ng ibang tao para lang may kasama ako diba? Nag lalakad lang ako nang may mabunggo akong.... DYOSA. Wait. What? Teka napaupo ako ehh. Ang tangkad nya eh.... "Ay sorry miss. Nag mamadali kasi si Falcon. Nasaktan ka ba?" Sabi nung babae. Ang hinahon ng boses nya. Di ko tuloy magawang magalit. Sheyt... Siguro dahil pasko.... Ay baka nga ganun lang. "Ah hindi naman. Sorry di ako tumitingin sa dinadaanan eh." Yun lang yung tanging sabi ko. Tinulungan nya na akong at.... OH MY GOD! Si ano..... Si Priscilla! "Hi... Wait? Reetz? Akala ko nasa ibang bansa ka? Nakauwi ka na pala? Sino kasama mo?" Reetz nanaman. Di ko na napigilan at napasimangot ako. Hays. Ang hirap naman magkaroon ng iisang mukha sa amin ni reetz. Nakakabwiset. "I'm not reetz. I'm reese. Kakambal ko si reetz, and nasa Australia sya kasama yung parents namin.Hanggang January 3 sila doon. " Nanlaki ang mata nya at mukhang natakot sa akin. Luh....Di naman ako kilala nito diba? "Reese... I-ikaw pala... Pasensya na." Medyo napalayo pa sya sa akin at nakayuko pa. Hindi kaya kilala ako nito? Nasa FSU din kaya sya? Or nakwento ni reetz sakanya? Hay naku! Bahala na nga! "Don't be scared. Pasko ngayon at mabait ako." Taas kilay kong sabi sakanya. "So kapag hindi pasko hindi ka mabait?" "I mean... Mabait ako pero di ko nilalabas. Ahh basta ganun!" Naiirita ako kasi di ko alam kung paano mag eexplain na mabait ako. Nakita ko pa sya na napatawa ng konti at nang makita nyang nakatingin ako sakanya ay napa seryoso ang mukha nya. "Uhmm... Sabi mo nasa abroad ang parents mo kasama si reetz diba? So ikaw lang mag isa ang mag papasko sa inyo?" Tanong nya sa akin na di makatingin ng diretso. Naalala ko nanaman na mag isa nga lang pala ako kaya ako nandito sa mall. Hayss. Pasko na mamayang 12. " Yeah. Sanay na naman ako. Tsaka isa pa di ko kailangan ng awa ng iba. Sige mauuna na ako." Yun nalang yung nasabi ko bago ako tumalikod.Pero mukhang ayaw pa ni raven umalis kasi nag papabigat sya. Siguro nag lalaro sila ni falcon. Yung aso ni priscilla. "Mukhang Ayaw pa ng aso mo umuwi. Siguro ayaw nya sa inyo mag pasko kasi Tahimik at walang tao. Hindi masaya." Napatingin ako sakanya at napataas ang kilay. "So anong gusto mong palabasin?" Masungit kong sabi kaya napalunok sya. Hmmm takot sya sakin. Nice nice. "Ahhh Actually welcome ang mga visitors sa bahay namin kapag bisperas ng pasko. Minsan nga yung barkada ng Kapatid kong lalaki sa amin nag papasko hanggang new year. Gusto ko sana maranasan na may Bisita ako sa pasko at bagong taon. Yung mag stay ba sa amin. Since ikaw lang mag isa sa bahay nyo. Pwede kang mag pasko sa amin kung nanaisin mo." Nahihiya sya.... Kasi namumula sya ehh. "Di naman tayo close pero bakit mo ako inaaya." "Kaibigan ko naman si reetz. Kaya hindi ka na din iba sa akin. Sigurado akong matutuwa sila dad kapag nalaman nila na Sa bahay mag papasko ang anak ng isa sa mga kaibigan nya." Napaisip naman ako dun. Why not diba? Lagi naman akong mag isa. Di ko matatanggi na sobrang lungkot nun. Siguro babaguhin ko nalang ang pasko ko kahit ngayon lang. Gusto ko naman maranasan na maging masaya..... Kahit ngayon lang. "Sige." Lumaki yung mata at excited na tumingin sa akin. Ganun din yung aso ko na may paikot ikot pa at parang naintindihan ang sinabi ko na papayag ako na sa bahay ng mga de ayala ako mag papasko. Nag kasundo kami na mamimili muna sya ng pangregalo para sa family nya. Di nya ako napigil nung sinabi ko na gusto ko silang regaluhan... Pambawi na kasi sa bahay nila ako mag papasko. Tatanggi pa sana sya kaso di nya na tinuloy. Di rin naman sya mananalo sa akin. Dumaan muna kami sa bahay at kumuha ako ng ilang damit since may mga napamili naman na akong damit doon sa mall kanina. Papunta doon ay kotse nya ang ginamit at dahil mahabang byahe iyon ay naisipan ko munang umidlip. Bakit ba? Di kasi sila dito sa manila mag papasko. Taga makati ako and sabi ni priscilla ay taga Quezon city daw sila pero sa resort ng parents nya sa batangas daw sila mag papasko At doon kami pupunta ngayon. Kulang kulang tatlong oras yata ang tinagal ng byahe namin nang gisingin ako ni priscilla. Napansin kong nasa isang wait... May Maliit na parang bahay tapos nay mga bangka. "Uhmm. Mag babangka tayo papunta sa kabilang resort. Andito na tayo sa resort namin pero may isla pa at dun tayo." may tinuro sya pero di ko makita kung saan dun. Siguro malayo layo pa yun dito. "Ah ganun ba? Yung mga gamit natin nasan na nga pala?" tanong ko. "Ah pinauna ko na kay mang tasyo. Wag kang mag alala. Mabait ang mga tauhan dito. Mapag kakatiwalaan mo sila." Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti nalang din ako. Ang ganda nya. Ayy jusko. Mas maganda ako! May nakita naman akong lalaki na grabe ang tingin sa akin. Parang hinuhubaran na ako eh. Di ko nalang pinansin at lumipat sa kabilang side ni priscilla. Infairness sa outfit nya ahh. Labas ang makinis at maputi nyang legs. Ang sexy nya din... Ang sarap tampalin ng sarili ko sa totoo lang. Inaya nya na akong maglakad papuntang sakayan ng bangka. Hawak nya si raven pati yung aso nyang si falcon. Himala nga at di naglikot si raven. Lagi kasi kapag di nya kilala yung may hawak sakanya... Kung hindi sya mag lilikot ay aangilan nya. Pero ang galing kasi nakasakay yung dalawang aso sa bangka nang di manlang nag susungit si raven. Parang kilalang kilala nya na yung mga tao dito. Nang kami na ang sasakay ay nag alinlangan ako kasi di ako marunong. Tsaka baka bumagsak ako sa tubig. Akma na sana akong tutulungan nung lalaki grabe tumingin sa akin kanina nang lumapit sa akin si priscilla at hawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Naramdaman nya din siguro kasi nagulat din sya at napabitaw sa akin. Pero agad nya din namang hinawakan ulit ang kamay ko kahit pa may kuryente ulit ay hindi nya na ako binitawan hanggang sa makasakay ako sa bangka. Yung lalaki namang manyak ay hindi maipinta ang mukha at tila ba maya maya ay mag aamok ng away. Mukhang Possessive ang isang Priscilla De Ayala. Napangisi ako sa naiisip ko kaya nagtatakang tumingin sa akin si priscilla. Nakita nya siguro yung ngisi ko hahahaha. Ilang saglit pa ay umandar na ang bangka. Busy ako sa pag picture sa tanawin nang mapatingin ako kay priscilla na kinakausap yung bangkero. Nakaside view sya at nakatingin kay manong. Wait. Parang may kamukha sya. Wala lang syang salamin. Parang lang naman ahh... Di ko naman sinasabi na sya yun. Pero parang kamukha nya si... . . . . . . . . . . Princess The Nerd?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD