CHAPTER 16

3156 Words
December 23. Nandito parin ako sa bahay nila sha. siguro sa 24 nalang ako uuwi. Mamimili na din ako ng panregalo sa mga katulong and sa mga drivers namin. Alas otso palang ng umaga at nag hahanda na kami ni nanay lou para sa mga pang handa ni florence mamayang tanghalian. Birthday nya kasi ngayon at dadalo ang ilan nyang mga kaklase at kaibigan. Nag imbita na din sila tatay rowel ng mga kaibigan nila para icelebrate ang birthday ng bunso nila. Inarkela din namin ang basketball court para sa gaganaping birthday ni florence. May party kasi na magaganap at si sha ang sumagot ng lahat. Since yun na yung regalo nya para kay florence. Habang abala kami ni nanay lou, ako sa pag hihiwa ng mga gulay at sya naman sa pag luluto ay narinig namin si florence... "Wow! ang gand ng kotse halatang hindi namin kayang bilhin!" Manghang sabi nito at ganun din ang mga taong nag aayos ng tolda sa labas. Maya maya pa ay tumatakbo si florence papuntang kusin kung nasaan kami ni nanay lou at tinawag ako. "Ate alex. Tawag ka nung babaeng maganda na may ari ng mamahalin at magandang kotse sa labas." Namumula ito at halatang nag mamadaling pumasok para lang tawagin ako. "Ahh sige sige. Teka florence. Bakit ka namumula?" tanong ko. Nag iwas ito ng tingin saka dali daling umakyat ng second floor. Hala? Anyare dun? Parang batang nakita ang crush nya eh. Hahahahaha Nag hugas muna ako ng kamay saka nag paalam na lalabasin lang yung tumatawag daw sa akin sabi ni florence. Pag labas ko halos magtatalon ako sa tuwa dahil sa saya ko. Finally! After 5 years nagkita din kami ulit! "My gosh priscilla! I miss you!" Pag kasabi nya nun ay agad nya akong sinugod ng yakap. Niyakap ko din sya ng mahigpit dahil miss na miss ko na din ang pinsan kong ito. Her name is Beatrix Aurora M. Del Polo Pinsan ko sya sa side ni mom. Isa sa mga super close ko na pinsan. Sa Spain sya kasi nakatira at limang taon din kaming hindi nag kita since naging busy kami sa pag aaral. Nang maglayo kami ay pinag masdan ko sya... Still look the same old beatrix.....Fashionista. Mahilig parin sya sa black and white na damit. You guys know what i mean. "Done checking me out?" Pag angat ko ng tingin sakanya ay nakangisi sya pero parang may mali. May mali sa mata nya.... "May problema ka ba?" Nakakunot noo kong sabi sakanya. Umiling sya at sinabing wala pero tingin nya ba maniniwala ako? Hindi. Nag kibitbalikat nalang ako at di sumagot sakanya. Nag simula akong maglakad papasok ng kusina kung saan nandoon si nanay lou. "Oh anak, nasan na yung nag hahanap sayo? Sana pinapasok mo muna." Pero tila nasagot ang tanong ni nanay nang makitang kasunod ko si beatrix na pilit akong kinakausap pero di ko pinapansin. "Ohh... Good morning po. I'm just visiting my cousin. I'm Beatrix Del polo po." Magalang nitong sabi at inilahad ang kamay... Nag punas si nanay ng kamay at saka nakangiting tinaggap ang kamay ni bea. Pag tapos nila mag shake hands ay nag mano si bea na ikinatuwa ni nanay. " Magandang bata na mabait pa. Ako nga pala si marilou... Ang nanay nanayan nitong si priscilla. Oh sya maiwan ko muna kayo at ako'y may bibilhin lang sa palengke. May nakalimutan kasi akong bilhin. Priscilla, anak. Ikaw muna ang bahala dito sa pinsan mo ah, tutuloy muna ako. " Tumango lang ako kay nanay lou at nag sabi ng ingat bago ito tuluyang umalis. Si bea naman ay naupo sa tabi ko at pilit parin akong kinakausap pero wala parin syang nakukuhang sagot mula sa akin. Nag sigh sya bago tuluyang sumuko at itaas ang dalawang kamay nya. "Okay fine! May problema ako okay na?" wala syang nagawa kundi sabihin ang totoo dahil kilala nya ako... Di ako namamansin kapag nag sisinungaling sa akin. And i'm glad na alam nya parin yun hanggang ngayon. "Hindi masamang mag kwento, bea. Pinsan mo ko." "Tsk. I know. So eto na nga. I met this girl sa spain... She's my school mate. She's beautiful, smart, she's brave. She's actually my type." napatingin ako sakanya at parang nag dedaydream pa sya. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nyang yun... Her type? She? A girl? "At kailan ka pa naging gay? And brave? Bakit sya naging brave?" masungit kong tanong sakanya kaya napatingin sya sa akin. "Nung unang beses ko syang nakita. That time... I realize na bumaliko na ako like toby. I hate myself for that kasi diba homophobic ako... Alam mo yun diba? And i really hate my brother because he's gay. Ngayon... Ito na ako.. . Naging gay dahil sa girl na yun." Napatawa ako ng mahina kasi parang pinag sakluban ng langit at lupa at yung itsura nya halatang ilang araw nang di nakakatulog ng maayos at mukhang problemadong problemado. ..Masasabi kong matindi ang tama ng pinsan ko sa maswerteng babaeng yun. " And brave kasi... Ilang beses nya na akong niligtas. Alam mo naman na Del polo ako diba? Anak ako ng isang napakagaling na abogado sa spain. Laging nasa panganib ang buhay ko since marami ang galit kay dad dahil sa mga kasong naipapanalo nito. But she's always there for saving me...And hindi ko alam kung coincidence lang ba yung mga yun or sadyang sinusundan nya ako para protektahan." Kwento nito. Haysss... Mukhang need kong kausapin si tito daryl para sa dagdag na security para kay bea. "Sino ba kasi yang babaeng yan? Mukhang matindi ang tama mo? May picture ka ba? Patingin nga!" Tumayo ito at lumabas ng kusina. Mga ilang segundo pa nang bumalik ito dala ang cellphone nito. May kung ano ano pa syang pinindot bago itapat sa mukha ko ang screen ng phone nya. Hmmm... Maganda sya ahh. Mukhang pinoy din... Morena, maganda ang pagkakaukit ng kilay nya, brown eyes, kissable lips.... Parang ang sarap hal- TOK! "Woi! Akin yan! Wag mong pagnasahan! Konti nalamg tumulo na laway mo eh!" Sabi nito saka binawi yung cellphone nya. "Ang sakit nun Del polo ah! Kelangan ba pag natulala kukutusan agad?! Di ba pwedeng kakalabitin lang?!" "Eh sorry na. Ikaw naman kasi, parang nirerape mo na sya sa utak mo. Akin kasi yan... Humanap ka ng sayo kasi...." Nakalabi nitong sabi sa akin... Di sya cute. Nabubwiset ako sakanya. "Eh sino naman diba? Wala naman akong security tulad mo at lalong wala akong security na kasing ganda nyan." Tinuro ko pa yung bandang bulsa nya. Totoo naman... Di ko naman kasi kailangan ng security tulad nya since di naman abogado ang parents ko. Kahit naman kami ang pinaka mayaman sa buong mundo siguro naman di kami kakagalitan ng ibang tao, di naman kami masama or madamot eh. "Tsk. May nahanap ka na baliw." Sabi nito pero nakatuon ang atensiyon sa hinihiwa ko. "Sino naman?" "Sya." Tumuro sya sa unahan namin kaya nagtaka ako kasi kaming dalawa lang ang tao dito sa kusina. "huh?" tanging nasabi ko. Nakaturo pari. Sya sa unahan namin pero dahil busy ako ay pinag sasawalang bahala ko nalang. "I mean, sya. That girl. In front of us." Di ko na natiis tinignan ko ang sinasabi nya. Napahinto ako sa paghihiwa at natulala sa babaeng pababa na ng hagdan. Magulo ang buhok nito at nag hihikab pa. Mukhang kakagising nya lang talaga at di pa aware sa nangyayare sa paligid nya dahil medyo tumaas ang damit nito kasi hinihimas nya yung tyan nya. Nang makarating ito sa kusina ay mukhang nakita nya na kami kaya nanlaki ang mga singkit nyang mata at nagmamadaling umakyat papuntang kwarto nila. "Hmmf...Such a cutie. Mukhang matindi din ang tama mo sa cute girl na yun, cous. Natulala ka eh." Yun ang huling sabi nya bago sya lumabas ng bahay at nag tungo sa sasakyan nya. Bumalik lang ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni florence... Tinatanong kung nakaalis na daw ba yung kausap ko... "Nope. Di yun aalis ng basta basta, lumabas lang sandali...Oh Ayan na pala sya." Nakita kong nanlaki din ang mata ni florence at akmang tatakbo nang tawagin ko sya. Humarap sya sa akin at gusto kong natawa dahil namumula nanaman sya. So si bea pala yung reason kung bakit namumula si florence kanina. Hahahahaha pareho sila ni sha ng reaction... Ang cute lang hahaha. "Hep Hep Hep... San ka pupunta florence? Halika dito at ipapakilala kita sa pinsan ko." "Ah eh ate ayoko po." Tanggi nito. "Anong ayaw mo? Halika dito." Ako na ang lumapit sakanya dahil mukhang ayaw nya talaga lumapit sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at iniharap kay bea. "Ah bea. Ito nga pala si Florence. Kapatid ni sha. Yung kaninang sinasabi mo na cutie. Bunsong kapatid nya itong si florence kulit. Birthday din nya ngayon. " Napasimangot si florence dahil sa huling sinabi ko. Hahahaha "Ate di po ako makulit. Ikaw nga po yung makulit eh." Tanggi nito sa akin saka nahihiyang tumingun ulit sa pinsan kong nakasmile lang kay florence. "Hi florence. My name is beatrix Del Polo. Pinsan ni priscilla. Happy birthday! Ano gusto mong gift?" Nanlaki ang mata ni florence saka nagtago sa likod ko. Natawa kami ni beatrix nang tuluyan na itong tumakbo palayo sa amin. Ilang sandali pa at si sha naman ang bumaba. Yung reaction nya nung unang beses nya akong makita, ganung ganun yung reaction nya nung makita si bea. Hahahahaha bakit ba sila nahihiya sa babaeng ito? Pumanik naman kami ni bea sa kwarto namin ni sha at nag bihis ako. Yun bang nilabas ko yung tunay kong pagkatao. Kinuwento ko na din sakanya yung dahilan kung bakit ko ito ginawa. And ayun pinag tawanan nya ako. Nag paalam muna kami ni bea at sinabing bibili lang ng maipangreregalo kay florence. Pag labas namin ni bea ay talagang pinag tinginan kami ng mga tao. May nag bubulungan pa nga pero di na namin pinansin. For sure naman na kilala nila ako kasi isa akong de ayala. Pumunta kami sa malapit na mall at nag hanap ng mabibiling regalo. "Pris. Ano ba hilig ni florence? Do you have any idea?" tanong nito at nag palinga linga. "hmm amhilig sya sa music. Minsan nakikita ko syang naglalaro ng guitar tsaka piano sa cp ng ate nya." Tanging sabi ko. Mukhang nakaisip nanaman sya ng ireregalo kasi lumiwanag yung mukha nya at tila may isang bumbilyang lumitaw sa uluhan nya. Hinatak naman ako nito para dalhin sa kung saan. Hinayaan ko nalang since ako alam ko na yung ireregalo ko kay florence. Isang oras lang kaming nagtagal sa mall at umuwi na din kami. Nag text na kasi si sha na magsisimula na daw ang selebrasyon. Saktong pag dating namin ang syang pag sisimula ng selebrasyon. Mukhang naging sentro kami ng atensyon ng bumaba kami ni bea sa kotse nya. Well sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa kotseng dala ni bea? Isang Bentley Continental GT Mulliner, Na nag kakahalaga ng 29million pesos And trust... Nila-lang lang ni bea ang 29 million. Barya lang yan sakanya. Pero dahil sanay na kami sa nga tinginan na ganun ng mga tao ay di na namin pinansin. Pero dahil ako si Priscilla ay nag smile ako sa kanila at nag light bow to show some respect. Sinalubong kami ni sha at tinanong kung ano yung gift ko. Di naman halata sa paper bag kasi di yung orignal na paper ba yung ginamit ko. Hahahaha matalino ako eh. Pinatapos muna namin yung party at umuwi muna sa bahay bago namin ibinigay yung regalo namin ni bea para kay florence. "Florence. Lika dito dali may regalo ako sayo." Aya ko kay florence bago sya tuluyang makapanik. Nag mamadali itong lumapit sa akin saka umupo sa tapat ko. "This is my gift for you. Sorry ah yan lang ang nakayanan ko. Happy birthday Rence kulit!" Binigay ko na yung paper bag at nanlaki ang mata nya nanaman nang makita ang regalo ko sakanya. "Wow ate priscilla! Tablet!" Inilabas nya sa paper bag yung Box at katulad nya ay nanlaki ang mata nila sha at nila tito kasi.... Ipad pro yung regalo ko kay florence. Yung 12.9 inch. Lumapit sa akin si florence at niyakap ako ng mahigpit bago ako ikiss sa pisngi. Natutuwa ako kasi nakikita ko sakanya si mj. Namimiss ko na tuloy yung bunso ko. Hayss bukas uuwi na talaga ako at kukulitin ko sya. "Napansin ko kasi na pumupinta pa si florence sa computer shop dun sa kabilang kanto para lang gumawa ng homeworks nya. Kaya naisipan kong bilhan sya nyan para di na nya kailangan lumabas at lumayo. Delikado na kasi sa panahon ngayon. Florence ahh wag mong gagamitin yan sa kalokohan. Be responsible okay? " Tumango sya at masayang kinalikot ang bago nyang ipad. Masaya ko lang din syang pinanood. Lumapit sa akin si sya at kinalabit ako. Tumingin ako sakanya at nilapit nya ang mukha nya sa akin. "Woi, alex. Ang mahal nun ah. Magkano bili mo dun?" Nag smile lang ako tapos sinabi ko na sakanya na regalo ko yun bakit ko sasabihin yung price. "Tange. Di mo naman sa akin niregalo eh. Dali na pangarap ko yan eh." Natawa ako kasi nakanguso sya sa akin. Konti nalang talaga hahalikan ko na sya.... Uhmm. Hehehe joke lang. Peace hehehe "Okay fine. 75,990 Lang." Napa 'Omygod' sya sa sinabi ko. Akala nya nag jojoke lang ako pero dahil nasa akin yung resibo ay ipinakita ko yun sa kanya. "Ay iba na talaga ang mayaman. Barya barya lang sa inyo yang halaga. Ahahhaa" Nagtawanan naman kami. Napatingin ako kay Bea na busy sa pag pipicture nila ni florence. Aba...di na nahihiya si florence ah. Hahahaha. Speaking of bea... "Bea yung regalo mo labas mo na." Sabi ko kay Bea. Tumayi naman sya at lumabas para kunin yung Regalo nya. Di na yun nakabalot or naka box kaya halata na talaga lalo na sa bag nun. Di na kasi sya bumili nun... Umuwi nalang kami sa kanila para kunin yun... " Wow!!!! Gitara! Regalo mo talaga sa akin ito ate ganda?" Exited itong binuksan ni florence saka nag play ng music. Marunong nga pala sya mag guitar. Tinuturuan daw sya dati nung bf ni sha. Isang Taylor BT2e yun at di ko na sasabihun yung presyo kasi... Wala baka sabihin nyo mayabang na kami. Huhuhuhu "Ito pa florence. Dali open mo na." binigay nya yung isang mahabang box kay florence. Yun lang talaga yung binili namin sa mall. Yung ipad at yung pangalawang gift ni bea. "Uy piano! Yey! May piano na ako!" At dahil sa galak ay napaiyak na si florence. Yumakap na sya sa amin ni bea at nag thank you and hinalikan kami. Masya syang nag tipa sa piano at napabilib ako nitong batang ito... Kasi tinugtog nya yung girls like you ng maroon 5. Ang galing nya. Para sa edad nyang 12 years old bibihira lang ang mga may kayang tumugtog nga ganun katulad ni florence. "Cous. Remember when we are still kids... Have a same age like florence... You used to play piano and guitar. You always Play Beautiful in white. Because you wanted that song to be played when you get Married." Napangiti ako kasi tama sya. Lagi ko yung tinutugtog sa piano ko. Kaya lang nasira yun nung nag break kami ng first boyfriend ko. Di ko pa nga pala nakukwento sainyo yun. Nasira ko yun nung umuwi ako sa bahay. Yung araw din yun nakipag break sa akin yung boyfriend ko kasi lilipat na daw sila ng bahay...Aalis na daw sila at titira na sa america. Pero sabi ko naman sakanya na pwede naman ako sumama sa since may bahay naman kami dun pero di sya pumayag. Malaman laman ko na niloloko nya lang pala ako with my best friend Juvie. Sobra akong nasaktan nun. I promise to myself na hindi muna ako papasok sa kahit na anong relasyon dahil dun. Mag tatatlong taon na pala..... Di na ako apektado sa lahat ng nangyare noon. Wala nang pain. Siguro kasi move on na talaga ako and masaya na ako. "Ayos ka lang ba? Sorry... Napaalala ko pa ata" Lumapit sa akin si bea at ibinulong yun. Tumango lang ako at sinabing okay lang. Move on na ako at masaya na ako sa buhay kong wala ang unang lalaking nanakit sa akin. Natapos ang araw na masaya ang lahat at nag paalam na din ako na uuwi muna sa bahay namin hanggang bagong taon para mag celebrate kasama ang pamilya ko. Pumayag din sila at ipaabot ko nalang daw ang mga nabalot na handa kanina. Binigay ko na din yung christmas gift ko sa kanila. Natuwa silang lahat dahil doon lalo na si sha. Kasi nakuha na nya yung pangarap nyang ipad pro. Dalawa kasi yung binili ko. Nabanggit nya kasi sakin yun noon na nag iipon sya para makabili non. Masayang kaming nag hiwalay at nasa byahe na kami ngayon ni bea nang mag salita sya. "Sa tingin mo cous? May chance kaya na mafall din sa akin si ezra?" basag nya sa katahimikan. Tumingin ako sa kanya at tinanong kung sino si ezra. "Ohh sya nga pala yung girl na crush ko." "Well. Play girl diba? Halos Lahat ng lalaki naakit mo.Halos Lahat ng bumibigay sayo. Bakit hindi mo gamitan ng Del Polo techniques yan. Tutal dun ka naman magaling eh." tumawa ako sakanya kasi totoo naman yun. Ang dami ding nagkakandarapa para lang mapasagot sya. Pero pihikan ang lola nyo... At isa pa. Hindi pala sya sa lalaki babagsak. Kundi sa babae din tulad nya. "Naalala ko tuloy nung araw na nag away kayo ni toby dahil sa sexuality nya. Oh c'mon bea. You even forced him to change his sexuality. Kasi homophobes ka. But look at you now.... Deads na deads kay eliza? Ezra? Whatever her name is." "Oo nga eh. Dalawang taon din kaming hindi nagkibuan nun, but he is the first person na nakaalam sa nangyari sa akin. I felt guilty kasi never syang nagalit sa akin or nandiri sa akin tulad ng ginawa ko sakanya. He even cheering me up nung nilayuan ako ng fake friends ko na akala ko makakaintindi sa akin once na malaman nila." kwento nya. " Well now... You already know na may masasandalan ka kapag nabroken hearted ka dyan sa stalker mong yan." biro ko sakanya. Nakatanggap naman ako ng mahinang palo mula sa kanya. "stalker ka dyan. Coincidence lang yun lahat hahahaha. Anyways... Patulog muna ako ah. Namiss ko na sila tita eh." Wala na akong nagawa nang makarating kami sa bahay dahil dumiretso agad sya sa isang guess room pagkatapos nyang batiin sila mom. Niyakap ko naman isa isa ang pamilya ko dahil sobrang miss na miss ko na sila. Tulad nga ng sabi ko kanina. Masayang natapos ang araw at nakangiti ang lahat. Sana ganito nalang lagi. Walang problemang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD