Priscilla's POV
Ang bilis naman ng araw. December 20 na agad. Parang kelan lang nararamdaman ko pa yung tubig na bumubuhos sa akin tuwing pinag titripan ako ng mga kaklase ko.
Parang kelan lang nararamdaman ko oa yung pagod at hingal tuwing tumatakbo kami ni jaz kapag tumatakas kami sa mga anak no satanas.
Pano kelan lang kasi namin nalaman na tinanggal na sya sa pagiging prinsipe nya sa clan nila at nasama na sa binubully. Oh diba. Mismong pinsan nya pa ang nag uutos nun.
"Oh wag ka nga ngumuso dyan. Konti nalang mag mumukha ka nang bibe dyan eh. Ang ba kasing problema mo?" Lumapit na sa akin si sha kasi kanina nya pa ata napapansin na bad mood ako. Pano naman kasi, nakasalubong namin yung grupo ng mga nambubully sa amin ni jaz. Mga impakto talaga eh. Siguro nung mga bata sila di sila nakakatanggap ng gift galing kay santa-claus masasama kasi mga ugali nila.
"Wala. Namimiss ko lang yung family ko. Kasi ngayon lang ako nalayo sa kanila eh. Tapos mag papasko pa. Hayss..." malungkot kong sabi. Kumagat naman sya sa palusot ko kaya di ko na kailangan pang mag dahilan ulit.
"Ang lakas naman kasi ng trip mong magpanggap na mahirap na nerd. Yung tipong nag tatrabaho habang nag aaral para maitaguyod ang pag aaral at ang pamilya." sabi nya habang natatawa.
"Parang ikaw? Nag tatatrabaho para makapag aral?"
"Oo pero hindi ako nerd. Hahahaha Tsaka maganda ako." Mahangin nyang sabi while Inaayos yung buhok nyang Paranh alaga sa rebond.
"Tsk. Oo na hahaha ang hangin naman dito sa mall. Parang tatangayin pa ako. Hahahahaha" nag act pa ako na para akong tinatangay ng hangin.
Nag tatawanan lang kami habang hinahampas hampas ako ni sha sa braso nang may magsalita sa harapan namin.
Hayup naman. Sila nanaman.
"Hi miss. Ang ganda mo naman." sabi ni.... Di ko alam ang name nya. Pero mukha syang Walang magandang gagawin.
"Salamat." nahihiyang sabi ni sha at medyo dumikit sa akin.
"Oh wag kang masyadong mag dikit dikit sa panget na yan. Baka may virus yan at mahawaan ka pa. Dito ka nalang sa amin makijoin. Wala ka naman mapapala sa scholar student na yan eh. Magugutom ka lang dyan." Pang lalait pa sa akin nung babaeng mukhang Kinulang sa buwan.
" Excuse me? Si pris- i mean si Diana Panget? Eh ano ka pa? Buti nga si diana kahit ganyan itsura nyan, mabait sya. Hindi nang manaliit ng ibang tao." Pag tatanggol sa akin ni sha na ikakangiti ko sana kasi nag tawanan na yung mga nasa harapan namin. Nag titinginan na din yung mga tao dahil ang lakas ng tawa nila.
" Ms. Ang weird naman ng taste mo." Sabi nila. Mag sasalita na sana yung babaeng mukhang kinulang sa buwan nang may dalawang babae na sumabat....
"Hahaha nakakatawa naman kayo. Parang napaka perfect nyo para laitin itong babaeng ito. Alam nyo? Dapat tignan nyo muna yung sarili. Icheck nyo na din baka kulang kulang kayo, bago kayo manlait."
"Oo nga. Mukhang mayayaman naman kayo. Kaya siguro kayang kaya nyo na mag paretoke. Pero be careful huh. Baka kasi ma karma kayo dahil sa pangmamaliit nyo ng ibang tao. Lalo ka na Aldrin. Anak ka paman din ng mayor sa lugar nyo pero ganyan ugali mo. Tsk. Nakakadisappoint naman."
Mukha naman silang napikon at napahiya kaya nagsialis na silang hindi maipinta ang mukha. Pano naman kasi, ang lakas ng boses nung dalawang babae at narinig ng mga tao kaya ayun kinantyawan na sila...aldrin daw ang name.
" Ah mga ms. Salamat po pala." Pag papasalamat ko. Humarap naman sila sa akin at syete na dinukot sa bulsa!
Si tita Irene tsaka si tita Janice.
"Sus. Wala yun neng. Mali naman sila eh. Kahit gaano pa sila kayaman at kaganda wala silang karapatan mang maliit ng kapwa nila." Sabi ni tita Irene.
"Opo tita. Ako nagsabi nyan sayo eh kasi dati bully ka din katulad nila eh."
"Hala neng. Saan mo narinig yan? Yung pamangkin ko lang na si priscilla pati yung mga kapatid nya ang nakakaalam dun ah." nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa akin at napahawak pa sa bibig nyang naka open.
"Ahhh ms. Sya po kasi si priscilla." Sabi ni sha. Umiling lang si Tita Janice at umiiling.
"No way! Yung pamangkin kong iYon hindi ganyan ang style. Wag nga kayong mag biro ng ganyan." Natatawa na sya pero ang gara ng tawa nya. Parang kinakabahan pa.
"Anyways... Ano nga pala ang ginagawa nyo dito ni tita janice? And close pala kayo? Kasi si tita nat ang close mo diba dita irene?" Mas lalo syang nagulat at parang natakot na kaya Tinanong nya na kung ako ba talaga si priscilla.
"Tita ang kulit mo. Ayaw mo pa talaga maniwala. Gusto mo ba ng proof?" pang hahamon ko kay tita irene kasi di padin sya naniniwala.
"Sige nga." Aba. Tumapang sya ah.
"Tita sabay sabay tayong naliligo nila angelica." Natawa ako sa reaction nya kasi napahawak na sya sa magkabilang Temple nya dahil sa sinabi ko.
"Nahh hindi yan yung proof na gusto ko marinig. Kung talagang ikaw si priscilla na pamangkin ko. Ano ang sikreto ko na tanging si priscilla lang ang nakaka alam?" Ngumisi ako nang marinig ko yun. Habang yung dalawa nakatingin lang sa amin ni tita irene.
Lumapit ako kay tita irene at bumulong sa may left ear nya.
" May tattoo kang p***y cat Sa left cheek ng Keps mo tita. At hindi alam nila dad yun kasi papagalitan ka nila pag nalaman nilang nag patattoo ka. Inamin mo yun sa akin noong March 9 2019. Sabay tayong naligo nun at dahil nasa school si angelica noo kaya tayo lang yung sabay na naligo." Napayakap sya sa akin ako sinabihan na naniniwala na sya sa akin.
See... Di nya maikakaila yun since sa akin nya lang sinabi yun.
" Walangya kang bata ka. BakiT kasi ganyan ang itsura mo? Di mo naman sinabi sa akin na nag paliT ka na pala ng style sa pananamit." hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa ko.
Kaya naikwento ko na din yung Tungkol doon. NaiinTindihan naman daw nila kaya lang ang hindi nya lang mainTindihan bakiT ganun makitingo sa akin yung mga yun. Hindi ko na kasi kinuwento yung tungkol doon. Ang sabi ko nalang is mapang mata yung mga studyante doon sa school kaya ganun.
After namin mag lakad lakad ay bumuntot na kami ni sha kala tita. Ang bilis nya lang nakasundo yung dalawang tanders. Alam kasi nila tita na di ako mahilig sa mga damit na gusto nila pero si sha go with the flow lang at Trip nya din yung mga style nung dalawang tanders. Kaya ayun parang mag babarkada lang silang tatlo while me?
Tagabitbit ng mga bags na nabili na sila. And libre pa nila si sha ahh. Hahaha pamasko na daw nila yun kay sha since kavibes daw nila si sha. Gabi na nang maisipan nila na sa labas nalang kami mag dinner since gutom na din sila. Sa isang thai restaurant lang kami nag hapunan at ang mga siste. Ako ang ginawang taga bayad.
"Nahiya naman ako sa diet na sinasabi mo Tita. Eh mukhang pang isang linggo na yang order mo eh." Si sha yun. Hahahaha diba? Sabi sainyo close na sila nila tita eh di gaya kanina na nahihiya pa sya.
"Ganun talaga ang tunay na diet. Wag ka nga dyan Sha. Gaya ka nalang sa akin dali! Tutal libre naman ito ng girlfriend mo." Namula si sha dahil sa sinabi ni Tita irene. Hahahaha ayan nanama Sya, namiss ko na yung pagbablush nya. Di na kasi sya nag bablush kapag nakikita ako eh. Sabi nya sawa na daw sya sa pag mumukha ko hahahaha.
" H-hindi ko po sya G-girlfriend Hehehe"
Tanggi naman ng katabi ko.
"Nako ija. Hindi na uso sa amin ang taguan ng relasyon. Wag ka na mahiya, Okay lang yan." Si tita janice na sa wakas ay nag salita na din.
"Nako tita. Hindi po kami mag jowa okay? Eh kayo? Mag jowa po ba kayo? Base sa nakita ko kanina.... HHWW Kayo eh.... Ano meron?"
"Ano yung HHWW?"
"HHWW. Holding-hands while walking. Duhhhhh." mataray kong sabi na kinatawa naman ni sha.
"Beh. Nahawa ka nadin ba kay dan pati sa reese na yun at napapa duhhh ka na dyaan?"
Haysss ayan nanamana yang reese na yan. Kumukulo talaga dugo ko pag naririnig ko yang name na yan eh. Move on na ako kay moises ehhh tapos ngayon si reese naman.
"Wag mo na nga pansinin yun. Kumain na tayo at andyan na yung foods. Tutal mukhang wala namang balak na umamin itong dalawang tanders na ito." Narinug yun nila Tita kaya binato nila ako ng Tissue. Natawa akk sa reaction nil kasi namumula na yung mukha at minsan may patingim tingin pa sila sa isat isa tapos sabay mag iiwas ng tingin. Oh diba kala mo mga high school na nakatabi yung crush nila.
Lumipas ang ilang minuto at nag prisinta na sila tita na ihatid kami ni sha sa bahaY. Nag paalam na sila sa amin pero bago ako makalabas sa kotse ay tinawag ako ni tita irene.
"Yes, Luv."
"Po?"
Napamaang ako sa sinabi ni tita kaya nag explain na sya sa akin.
"Yes. May relasyon kami ni tita janice mo. Girlfriend ko si janice. Alam mo naman na arranged lang kami ng tito mo diba? And bago kami pinakasal, may relasyon na talaga kami. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko minahal tito mo ahh. Minahal ko sya hindi nga lang tulad ng kay janice. At ngayong pumanaw na ang tito mo... Nakiusap na ako may mom na kung maari aY wag nya nang pakialamanan ang buhay pag ibig ko. Nag kasundo na din kami, luv. Magkaayos na kami ng lola mo. At tanggap nya na si janice bilang girlfriend ko at ganun din ang mga pinsan mo. Nakiusap lang muna ako na itago nila yung about dito kasi gusto ko silang sorpresahin since alam nila yung relasYon namin kahit noon palang at boto na sila kay janice noon palang. " mahabang paliwanag ni tita sa akin tapos si tita janice ay tahimik lang na nakatingin sa akin na wari bang tinitignan nya yung magiging reaction ko.
" So alam din ni dad yun, tita? "
" Yeps."
" Tanggap nya din? "
" Yeps. Bakit? "
" Wala po. Natatakot po kasi ako baka magalit sa akin si dad eh."
Nagtaka naman sya pero maya maya oa ay napalitan ng ngiting pangasar ba.
"Bakit? Lumiko ka nadin ba?"
Nanlaki yung mata ko dun sa tanong nya at dun ko lang na realize yung sinabi ko.
Natatakot po kasi ako baka magalit sa akin si dad eh.
Natatakot po kasi ako baka magalit sa akin si dad eh.
Natatakot po kasi ako baka magalit sa akin si dad eh.
SHUTANG MOTHER.......