CHAPTER 9

1261 Words
Atasha's POV "Hey Cutie!" Namula ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon at nakangiti itong naka tingin sa akin. Bakit ba parang laging ang saya saya nitong babaeng ito? Bakit parang wala syang problema or pinoproblema? "Y-yes? What is your order, ma'am?" Nahihiya man pero kailangan kong tanungin kung ano ang order nila. Kasi trabaho ko padin yun. Isa isa naman nilang sinabi ang gusto nila at nang matapos umorder ay inulit ko yun par masure at para din malaman ko kung may nakalimutan ba akong ilist. "Just wait for your order, Maam" magalang kong sabi. "Pwede ko bang makausap ang manager mo, sha?" Nagtataka akong tumingin sa kanya at Mag tatanong na sana ako nang magsalita sya at sabihing may gusto lang syang sabihin. Tumango ako at magalang na nag paalam para tawagin ang manager ko. Nag tataka pa sya kasi bakit daw may gustong kumausap sakanya since wala pa naman nag rereklamo sa kanya about sa akin. Lumapit si Priscilla sa manager ko at nag usap sila sandali at minsan ay panaka naka pa silang tumitingin sa direksyon ko. Di naman ako chismosa kaya di ko nalang sila pinansin. Makaraan ang ilang sandali ay pinatawag ako ni Ma'am sandra para pumunta sa office nya. Nakaramdam ako ng kaba pero bakit naman nya ako papatawag sa office nya eh wala naman akong ginawang mali ah. Pag karating ko doon ay nandoon si priscilla at ang kanyang ama. Tumayo si Mr. De Ayala at saka ako binati ng 'magandang gabi' bumati din ako pag galang nadin since mas matanda sya sa akin. "Pwede mo ba kaming maiwan sandali, Tita Sandra?" Magalang na tanong ni priscilla na tinanguan lang nito...pero teka...Tita? Kamaganak sya nila priscilla? "Uhmm. Bakit nyo ho ba ako pinatawag? May mali po ba akong nagawa? O may hindi tama sa nalist ko sa order ninyo kanina?" Nag aalala na ako pero tumawa lang silang dalawa. Luh. Kinakabahan na ako tas tatawanan lang nila ko? May sapak ba sa utak itong mga ito? "C'mon, sha. Don't be nervous. Di naman ito tungkol sa pag tatrabaho mo eh. Ang totoo nyan meron kasi akong hihilingin sa iyo. Pero mag babakasakali lang naman ako eh." Paliwanag nito. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa sinabi nito. Medyo lang naman. "Ahh..Si-sige. Ano ba yun?" Utal kong tanong. "Ano kasi. I'm looking for apartment kasi kanina. Kaso nagkaroon ng emergency sa may cadorniga. Dito lang din sa navotas. Kaya di kami nakapag hanap ng apartment na pwede kong matuluyan pag lumipat na ako ng school." Paliwanag nya. Nakita ko naman si mr.de ayala na nakatingin lang sa amin at minsan ay tumitingin sa kanyang Cellphone na sa tingin ko at talagang mamahalin. 'Soon. Makakabili din ako nyan.' Bulong ko sa utang ko. "And yun nga. Dapat kasi talaga kanina pa kami dito kaso nag kasunog sa cadorniga and nasunugan kasi yung mga lolo ko sa side ni mom kaya ginabi kami. Nag kasundo kasi kami ni dad na...Kung papayag ka ay sa bahay nyo muna ako makikituloy. Since malapit lang yung SFU sa bahay nyo. Hindi naman ako mag tatagal dun. Mag hahanap din naman ako ng apartment habang nakikituloy ako sa inyo." Napaisip ako sa sinabi nya. Wala naman masama kung papayag ako. For sure naman na papayag din sila tatay since gusto din nila makilala si priscilla kasi akala nila na friend ko sya. Well siguro friends na kami. "Yun lang ba? Wala naman problema eh. Kelan ka ba lilipat sa bahay para makapag ayos na kami." Di ko man masabi pero nakaramdam ako ng labis na tuwa. Knowing na makakasama ko sya sa iisang bubong. Oo. Aaminin ko na. Matagal na akong may gusto kay Priscilla. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sakanya. Minsan na syang naging cover ng magazine. Minsan nilaman ng Dyaryo. At minsan ay naguest sa mga tv shows. Isa pa kalat talaga ang kabaitan nitong babaeng ito. Wala ka nang mapipintas sa kanya. Parang wala syang kaartehan sa katawan nya. Parang napaka perfect nya. Plus pa na kamukha nya si Darna. Hihihihi "Bukas sana. Kasi itong si dad binigla ako na sa monday na ako lilipat. Naayos nya na daw kasi yung mga papers na need para sa paglipat ko nang di ko manlang nalalaman." Sabi nito. Tumingin ito sa kanyang ama na nakangiti pero inirapan nya lang ito. "Sige sige. Mag aayos na lang kami bukas bago ka dumating." Napa yes ito at dumila sa ama nya. Itinaas ni mr.de ayala ang kamay nito na parang sumusuko at umiiling iling pa habang nakangiti. "Ano kasi...may isa pa akong sasabihin." Nag tatanong naman akong tumingin sa kanya na kung kanina ay nakangiti ng masaya ngayo naman ay nakangiti ng alanganin. "Gusto sana kitang makasama sa paglipat ko sa FSU." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Napatayo pa ako dahil doon. "Alex...SFU yun. Pang mayaman yun. Kulang kulang isang milyon ang tuition doon. Wala akong ganung kalaking halaga. Alam mo naman yun diba?" Naiinis ako. Pero onti lang. Pano naman kasi. Flores-Sanford University yun. Alam nyo ba kung magkano ang tuition doon? 900,000 pesos! Hindi naman ako mayaman para mag aral doon! "Okay okay relax...Hindi ko naman sinabi na ikaw mag babayad ng tuition mo eh. Kami ang mag papaaral sayo. Pero alam ko naman kasi na di ka papayag na walang kapalit ang pag papaaral namin sayo. Kaya naisip ko na every Weekend ay mag tatrabaho ka sa bahay. Malapit lang naman yun sainyo eh. Sabay tayong uuwi duon. Mababait naman ang mga tao dun at sure akong makakasu do mo sila agad." Nakangit man pero nag aalinlangan parin sya base sa tono ng boses nya. Alam ko naman na kinukumbinse nya ako para pumayag. Pero may kapalit naman pala pero weekends nalang ang pahinga ko kaso monday to Friday nag part time ako dito sa jollibee na malayo sa bahay. "Pano yun? Monday to Friday na akong may part time. Sabado at linggo nalang ang pahinga ko." Papayag na sana ako kaso yun lang ang problema ko. "Di mo na kailangan mag trabaho dito. Masyado itong malayo sa bahay nyo, sha. Di ka ba napapagod? Monday to Friday...pasok natin sa school. Hindi mo na kailangan mag trabaho. May work naman ako sa resto. And sabado linggo uuwi tayo sa bahay at dun ka mag tatrabaho. Malaki din naman ang sweldo mo. Hindi ka na lugi. Sa school ang trabaho mo lang naman ay bantayan ako. Yun lang naman." Pag kumbinse nya parin sa akin. Kaso nag dadalawang isip padin ako...Sya lang yung may work? Di naman pwede na sakanya lang kani umasa noh. Sobra sobra na yun. "Pag iisipan ko muna yang Gusto mo, alex. Di ko naman pwedeng iwan nalang itong trabaho ko ng basta basta." Sabi ko. Napangiti naman sya pero ayoko ng ngiting yun. "Di na kailangan. Kasi nakausap ko na si tita sandra. Nasabi ko nadin sakanya yung tungkol dito kaya ito na yung sweldo mo." Inabot nya sa akin yung isang brown na sobre. Napatingin ako doon at ayoko sana tanggapin pero hinawakan nya anv kamay ko at inilagay doon ang sobre. Shet. Alam kong sweldo ko yun. Tangina! Wala na akong trabaho! "Hindi mo na kailangan mag isip kasi wala ka nading choice kundi maging alaga ang isang dyosang katulad ko". Feeling ko tinangay ng malakas na hangin ang panty ko at ang puso ko dahil sa kayabangan ng babaeng nasa harap ko. Dagdag pa na Kumindat sya at ngumiti ng makalaglag panty. Tanginuh lang talaga. Anong ginagawa mo sa akin Priscilla Alexa!!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD