CHAPTER 10

1904 Words
Priscilla POV "Mag iingat ka doon anak ha. Wag monv kakalimutang tumawag pag kadating mo doon. Mamimiss kita Darna ko...." Naluluhang sabi ni mom habang Mahigpit ako yakap yakap. Nakatingin lang sa amin sila dad at yung tatlo kong kapatid kasi kanina, sila yunv kayakap ko ngayon si mom naman. "Opo mom. I will take care of myself na din po. Kaya wag ka nang umiyak dyaan na parang pupunta ako ng ibang bansa hahahaha mom Pwede mo naman akong puntahan doon anytime you want." Pag aalo ko kay mom kasi di padin sya tumatahan. I know na mahirap malayo sa anak kapag first time nyang malalayo ng matagal. Pero tatapusin ko lang naman yung pag aaral ko eh di naman ako mawawala forever. "Gusto nga ni mom na pumunta dun everyday para daw masure nya na okay ka. Can you see that ate? Hahaha ang childish lang tignan ng nanag natin ngayon," tinuro pa nito si mom na nakayakap sa akin at umiiyak padin. "You can't blame me,Angelica. Sobrang mamimiss ko itong ate mo eh. Alam mo naman kung bakit diba?" Sabi ni mom bago sya lumayo sa akin at punasan ang luha nya. Tumango si angelica sa tanong ni mom at di nag dalawang isip na sabihin ang gusto nyang sabihin. "Yeah. I know po. Favorite mo si ate eh. " may himig ng pag tatampo yun. Hayy nako ito talagang si angelica. "Utot mo hahahaha, patampo tampo ka pa. Alam ko naman na mamimiss mo din ako. Hahahahaha" Biro ko kay Angelica na nakakunot na yung noo. Sa aming mag kakapatid si angelica yung matampuhin talaga. Lagi syang nag tatampo sa akin kasi lagi nyang iniisip na favorite ako ng parents namin. Ito namang sila mom, ginagatungan pa. "Tsk. Oo na. Wala nang mag aaya sa akin mag mall tapos libre pa lahat." Lumaoit ito sa akin saka kumapit sa laylayan ng damit ko. Nag iisip bata nanaman sya hahahaha. Ilang sandali pa at inaya na ako ni dad para umalis na. Sya kasi mag hahatid sa akin dun sa bahay nila sha. Ayaw nya daw kasi na makita sya nila mom na maiiyak. Isa din itong si dad eh hahaha It's already 3pm nang nakarating Kami sa tapat ng bahay nila atasha. Dala ko na yung ilang mga damit ko na pwede kong isuot sa pag pasok at ilang mga damit na pambahay. "So pano, Princess? I'll let you go na." Maluha luha si dad while ako natatawa ako sa kanya. Ang cute nya kasi akala mo naman Di na ako babalik. "Let me go talaga dad? Grabe ka ahh. Basta dad, uuwi kami ni sha sa bahay gaya ng napag usapan. Promise ko yun diba? I love you dad. And i will miss you." Yumakap ako sakanya ng mahigpit. Doon ko naramdaman yung luha ko. Sheyt. Kala ko madali lang mawalay kahit sandali sa kanila. Ilang minuto pa kami nagkayakap ni dad bago nya napag pasyahan umuwi na. Binugay nya na sa akin yung credit card na pwede kong magamit at yubg sasakyan ko na pwede naming magamit ni sha pag papasok at uuwi sa bahay. Isang Black COROLLA ALTIS 1.6 V GR-S CVT Itong iniwan kotse sa akin ni dad. Brand new car lang ata ito sabi sa sakin ni kuya Andrew. Yung kapit bahay nila sha hahaha. See May close na ako agad. 'Duhh. Feeling close ka nanaman Priscilla.' Inaya na ako ni sha sa loob ng bahay nila. Di na sila nag pangabot ni dad kasi may work pa si dad at nag laan lang talaga sya ng time para maihatid ako. May emergency kasi sa company kaya sunday may work sya. Hayysss. Miss ko na agad sila mom and dad. "Ang lalim nun ah. Muntik na akong malunod. Buti nalang marunong akong lumangoy." Pangsingisi nitong sabi bago ilapag yung plato na may nakalagay na mga tinapay. Kasunod nito si Florence na inilapag yung mga baso at yung dalawang 1.75 na coke. "Kain ka lang ho, Maam. Wag ka ponv mahihiya." Napangiti ako sa pagiging magalang ni tatay Rowel. Di ako feeling close ahh. Sabi nya kasi tatay nalang daw itawag ko sakanya nung tinawag ko syang sir. Tapos sya tawag sa akin maam may "po" pa -_- "Nako tay. Ang unfair naman po kung tawag ko sayo tatay tapos tawag mo sa akin maam. Tay, treat me like your own daughter too. Parang kapatid na po ako ng mga makukulit na ito." Sabi ko bago kumagat sa pandecoco na hawak ko. "Nako ate priscilla. Anong kapatid ang turing sayo? Sakin pwede pa. Mas gusto kong may bagong kapatid. Eh kay ate sha kaya? Kapatid ba turing nya sayo?" Tila naintindihan nung isa yung sinabi ni florence kaya binatukan nya ito. Si florence naman tatawa tawang tumakbo sa likuran ni Nanay Linda. "Hey. Wag kang maging sadista sa kapatid mo. Look,sha. Okay lang naman kung crush mo ko...di naman maiiwasan yun lalo na at dyosa ako." Mahangin kong sabi saka sosyal na uminom ng coke sa baso na binigay sa akin ni nanay linda kanikanina lang. "Hindi ka lang mahangin noh? Laki pa ng ulo mo. Ano ka alien?" Inirapan ako nito na nakapag patawa sa akin. Ayos ahh. Parang kagabi lang nahihiya pa sya sa akin tapos nag bablush pa tuwing nakikita ako. Bilis mag bago nitong si atasha ah hahahaha "Oh sya sige. Anak kung anak. Ayos yun may anak na akong englishera."Biro ni tatay. Napuno nang tawa ang pag memeryenda namin. Namiss ko lalo ang pamilya ko. Gantong ganto kami eh. Masaya at kontento. Ano ba yan gusto ko na agad umuwi. Di pa mandin ako tumatagal ng isang araw dito. Siguro ganun talaga kapag first time mong malayo ng matagal sa pamilya mo. Hayyys. Alas siyete na nang gabi at nandito kami sa maliit na teresa ng bahay nila. Kasya na yung tatlong tao siguro dito sa teresa nila. Gaya ng sabi ko nung unang beses kong nakapunta dito, Maliit lang pero mukhang maayos at malinis. Ngayon masasabi ko na sobrang ayos nila sa mga gamit at sobrang linis nila. "Ang lalim nanaman nun. Nandito na tayo sa second floor pero nalunod pa ko. Hahaha" Biglang sulpot ni sha sa tabi ko. Kala nya siguro magugulat nya ako. Nakita ko kaya sya sa reflection dito sa bakal ng teresa nila. "Sha, kumportable ka na ba sakin?" Kunot noo kong tanong pero nakatingin lang ako sa mga batang nag lalaro sa baba. "Bakit mo naman natanong yan? Napansin mo din ba yung pag iiba ko ng pakikitungo ko sayo?" Ang galing ah. Nag tanong sakanya tapos yung sagot nya sa akin tanong din. Ayos itong babaeng to ah. "Yeah. Kasi noon pag nakikita mo palang ako namumula ka na. Nahihiya, nauutal. Tapos kanina parang di mahiyaing Atasha yung nakita ko." Natatawa kong sagot sakanya. Nakatingin na ako sakanya ngayon at tila kinakabisado ko ang mukha nya. "Nasanay na ako, alex. Kasi lagi mo akong sinasabay pumasok. Syempre Masasanay na talaga ako sa presensya mo. Tapos di ka naman pangit kabonding. Actually ang saya mo nga kasama...alam mo yung di ka maa-out of place tsaka di ka mao-awkward." Napansin siguro nya na nakatulala lang ako sa mukha nya kaya napahinto sya sa pag sasalita. May sinasabi pa sya pero para akong bingi na walang naririnig at nakatingin lang sa magandang babae na nasa harapan ko. Her eyes... Parang nag niningning dahil sa liwanag na mula sa buwan At tila mga mata ng pusa. Her nose.... Matangos sya at tila inukit ng perpekto. Her Eyelashes... Mahahaba at sakto lang sa singkit nyang mga mata. Her Eyebrows... Perpekto ito at bagay na bagay sa kanya. Her lips... Her lips na parang ang sarap halikan.... Her face...Napaka perpekto ng mukha nya. Napabalik ako sa reyalidad nang mahina nyang sampalin ang mukha ko para makabalik ako sa katotohanang pinuri ko sya ng malala.... Sheyt... Bakit ako natulala sakanya? "Huy alex! Grabe ka na makatingin sa akin ahh konti nalang iisipin ko na may gusto ka sa akin." Biro nya nang makita nyang nakabalik na ako sa katawang tao ko. Sheyt...Parang ako naman ngayon ang namula ah. "Well. Sorry kung natulala ako. Ang ganda mo kasi eh. No kidding. Atasha. Never akong na attract sa mga babae since i'm straight. Pero ikaw? Anong meron ka?" Natatawa nalang ako sa sarili ko pero duhhh di ako nag bibiro...walang halong kasinungalingan.... Maliban nalang dun sa sinabi kong di pa ako na attract sa ibang babae... Kasi you guys know the truth at kung sinong babae ang una kong nagustuhan. "Wag mo akong bolahin De Ayala. Wala akong pera. Hahaha" "Who said na binobola kita? C'mon. Don't tell me sasabihin mo sa akin na di ka maganda? Pag sinabi mo yun itutulak kita dito hahaha." Tumawa kaming dalawa at namayani ang katahimikan. Di naman nakakailang kahit pareho kaming nakatitig sa isat isa. "What if...crush kita?" Biglang tanong nya. Napaisip ako sa sinabi nya ahh...kasi..... Kasi ano.... Ahhh basta! "What if nafafall na ako sayo? Ano ang gagawin mo? Please explain." Natawa ako sa please explain na sabi nya kasi parang homework lang na kailangan pa ng explanation. "Hahaha need talaga ng explanation?" Tumango sya bilang pag sagot kaya wala akong nagawa kundi ang mag explain hahahaha. "First. Kung crush mo ako...siguro wala naman akong kailangan gawin diba? Normal lang naman na magkagusto tayo kahit kanino. Second... Siguro magiging thankfull ako kasi kahit papaano may nag kakagusto pa pala sakin. And third....Hindi kita lalayuan. Actually hindi ko alam kung bakit yung iba ay lumalayo sa mga taong umaamin na gusto sila...pero ako kasi, para sa akin wala namang masama kung magkagusto ka sa ibang tao. kahit na bestfriend mo yun. Kapag nafall ka mahirap nang makaahon. May kanya kanya silang rason. At yun ang rason ko. Wala akong pake if may gusto ka sa akin as long as di mo ako nasasaktan goods tayo dun." Mahabang paliwanag ko. Nakatitig lang sya sa akin pero di sya nag salita. "Eh ako? I'm straight. Hindi ako nabend kahit noon. What if...crush kita? Ano mafefeel mo kung ang isang straight girl ay mag kagusto sayo?" Tano ko naman. Nag iwas sya ng tingin sa akin pero hindi sya sumagot. Napansin ko din na namula na yung mukha nya. "Why? Crush mo ko?" Sa halip na sagutin ako ay tinanong nya ako. Nakatingin padin sya sa harapan namin at di padin makatingin sa akin. "I didn't say that. I said What if." Mas lalo syang namula at saka nya ako pinag hahampas sa braso. Natatawa nalang akong inaawat sya hanggang sa mapagod sya at tumigil. Niyakap ko sya from her back saka ko pinatong ang baba ko sa balikat nya. Naramdaman ko pa na medyo nanigas sya doon sa ginawa ko pero kalaunan ay tumingala sya at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko. Abot nya yun since mas matangkad ako sakanya. "Hindi naman impossible na mag kagusto ako sayo, Atasha. Maganda ka, mabait, mabuting anak, mapag mahal. Sa ilang araw na nakasama at nakita kita...Nakita ko na lahat ng yun sha. Hindi ka mahirap mahalin. Kaya kung mahihirapan man sila... Sila na anv may problema doon. Just Be you and that is enough." Mahinahong sabi ko saka ko sya niyakap pa ng mahigpit. Napapansin ko naman na may mga nakatingin sa amin mula sa baba. Live show amp. Dahil doon ay inaya ko na syang pumasok sa loob at maagang natulong para sa pagpasok namin bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD