CHAPTER 11

686 Words
Hayyyyyyy! Monday! New school! New Classmates! New Teachers! Kung yung ibang students excited makapasok sa bago nilang school lalo na kapag yung school ay pang mayaman at kilala sa buong bansa... PWES AKO HINDI! Kung yung iba meron na agad bagong friend pag kapasok nila... PWES AKO HINDI! Kung yung iba masaya na nakapasok sila sa kilalang paaralan sa buong bansa... PWES AKO HINDI! kung yung iba... Haysss nevermind na nga lang... Ayos naman yung pag pasok ko eh.... Ayos naman talaga. Eh ang kaso yung mga kaklase ko kala mo pinag lihi sa sama ng loob. Yung tipong akala mo may Bipolar Disorder. Yung ang saya saya nila tapos nung nakita nila akong pumasok mga nag bago bigla ng mood, mga Sumimangot bigla. Bakit? Porket ba ganito itsura ko? "Oo." Biglang sabi ni.... Teka sino ba ito? Hindi ko naman kilala itong lalaking katabi ko. "huh" Yan lang yung nasabi ko ehh... Bakit? Eh sa iyan lang yung nasabi ko eh. "Oh sorry... I forgot to introduce myself. By the way my name is Jazper Blaise Girard. Obviously your classmate. Hindi naman ako mind reader. Sadyang napalakas lang talaga yung pagkakasabi mo."pag papakilala nya at nag paliwanag na din. Di ko na sana papansinin kaso mukha naman syang mabait... "Pris- Ahh I mean Princess Diana T-tolentino. Nice to meet you." Muntik ko nang masabi yung real name ko shemay.... Kung nag kataon buko ako... Haysss. Kailangan ko na talaga masanay... Na hindi ako si Priscilla Alexa Mondragon De Ayala. Ako na ngayon si Princess Diana R. Tolentino. R for RAMBUTAN De Joke lang Ramirez talaga yun eh hahahaha. (corny ni author) "So... Yes. Kaya ka nila tinitignan ng ganun kasi ano....Yung style mo kasi and yung estado mo sa buhay...Kalat na kasi na nakapasok ka dahil sa scholarship." pagkasabi nya nun ay automatic na napasimangot ako. Nakakainis naman. Wala akong magawa para maisaayos ang pag uugali nitong mga ito. Kung nandito lang sila vera nako! "Don't Worry. Dito sa loob ng room...may chance pang maging maayos ang buhay mo pero sa labas...ewan ko nalang." dagdag nya pa. "Bakit? I mean, bakit safe pa ako dito sa loob?" "Kasi may reyna silang sinusunod. Kapag pumayag yung reyna na yun na ibully ka... Bubullyhin ka talaga. Or kapag binubully ka na ng reyna meaning nun pwede na din sila mambully sayo. Pero kapag hindi sya pumayag.... Hanggang tingin nalang sila sayo." Paliwanag nya. Napakamot nalang ako ng ulo kasi wala naman akong magagawa. Siguro pag tumagal tagal ako dito baka masanay na ako sa ganyang mga tingin nila. Hmmp! Sarap tusukin sa mata eh. After I think 15 minutes, the class started. Nag didiscusses yung teacher sa harapan nang may walang pasintabing nag bukas ng pinto. Katabi lang ako ng pinto kaya tumama sa akin yun. Di naman sya masakit. Mag sisinungaling na sana ako sa sarili ko na di talaga ako nasaktan kasi nakita ko at naramdaman ko kung gaano kalakas yung impact nun sa binti ko. Nag wawala ba sya? Langya naman. May balak atang pumilay nitong... Kung sino man itong poncio pilato ito. Minamasahe ko yung part ng binti at hita ko na natamaan ng pinto kanina nang magsalita yung teacher namin. "Excuse me, Ladies. Wala ba kayong Respeto? We are in the middle of the discussion nang pumasok kayo ng walang pasintabi. Hindi ko tinotolerate ang mga ganyan girls. You should know how to respect not only me but the students here who's listening to my discussion. " Matigas nitong sabi at Mataray na nakatingin lang sa mga babaeng walang habas na pumasok. "Shut the fvck up! I'm not in the mood so you better shut your dirty mouth or else." natawa naman yung dalawang alipores nya sa gilid nya dahil sa sinabi nung.... I think leader ata nila. Maganda naman yung dalawa. Nakaharap kasi sila sa amin and yung leader naman nila naka harap sa side kasi kausap nya si teacher. Mukha naman syang maganda din. Pero nanlaki ang mga mata ko at halos ngumanga yung bibig ko nang humarap yung babae... Ohhh no.... This can't be real.... Si ano.... Si Reetz!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD