Nakatulala lang ako sakanya...
Shemay...
Ganyan ba yung tunay na ugali ni reetz?
Ano ba yan. Isa din palanv bully yun. Nako sasabihin ko ito kala dad talaga.
"Maganda ba miss? Girlfriend ko yan." Sabi nung lalaking bigla nalanv bumulong sa akin. Nagulat ako sakanya sa totoo lang.
Magagalit na sana ako nang makita kong mas may pogi pa pala kesa dito sa katabi kong chismoso.
"Bailey Velasco is the name. T your service." pagkasabi nya nun ay Nag smile sya sakin at para akong nasa alapaap. Inalok nya yung kamay nya sa akin at dali dali ko yung tinanggap at sa pangalawang pagkakataon ay para akong nakatapak sa ulap.
"Princess Diana Tolentino. You can call me love." Nag pacute pa ako nun pero natawa lang sya.
"sorry?" Sabi ni Fafa Bailey.
Pero bago pa ako makapag react ay may naramdaman akong Humablot ng buhok ko at maya maya pa nakaramdam ako ng sakit sa likod ko.
Sheyt tumama yung likod ko sa board....
"Hey! Don't touch my boyfriend!" maarte nitong sabi at tumingin sa akin na parang nandidiri.
Ano ako taong grasa?
Napaupo nalang ako kasi nanlambot yung tuhod ko pero parang nagliwanag ang paligid ko nang alalayan ako ng knight in shining armor ko.
"Hon, calm down. Hindi ka naman nya inaano eh." Sabi nito bago ako alalayan sa pag tayo at iupo sa upuan ko. Inabot nya sa akin yung salamin ko na nalaglag pala dahil sa pag tama ko sa board.
"Really, hon? Tsk Whatever." Naglakad na ito papunta sa may likuran at sumunod na ang boyfriend nito. Ganun din yung alipores nya pero bago pa sila makalagpas sa akin ay sinabihan pa nila akong loser.
Aba. Gago itong mga ito ah.
"Ayos ka lang ba? Wag kang masyadong didikit sa kanila lalo na doon kay Bailey. May reynang bumabakod kasi sakanya." Inabot sakin ni jasper yung water bottle nyang nagyeyelo pa.
"Anong gagawin ko dito?"
"Ilagay mo sa tubod mo. May pasa na kasi. Tinamaan yan ng pinto kanina diba? I'll let you use my water bottle. Don't worry hindi naman ako katulad nila." Sabi nya saka tumingin sa likuran namin. Tinignan ko din kung sino yung tinignan nya pero nakita ko lang is yung Isang babaeng ang sama ng tingin sa akin at yunv dalawa nyang alipores na nag sign pa ng letter L sa sa kamay nila at idinikit sa noo nila nang makita nila akong nakatingin sa kanila.
Teka parang may hawig sila ni reetz. Tumingin ako sa katabi ko ngayon na tahimik nang nagsusulat at hinawakan ko ang baba nya at pinaharap sa akin.
"Hey... May balak ka bang baliin ang leeg ko Diana?" reklamo nito pero di ko yun pinansin.
Nag salit ako ng tingin sa mukha nya at kay reetz at boom! Hawig nga sila!
"Kamukha mo si reetz. Kapatid mo ba sya? Blue eye, blonde hair, yung lips nyo pati kilay." Nakakunot ang noo ko nang maramdaman kong minasahe nya yung noo ko kaya nawala yung pagkakakunot.
"Wag mo nang ikunot ang noo mo. Nag didikit na yung kilay mo eh hahahaha" Sabi nya pero nawala yung ngiti nya nang makita nyang seryoso ako.
"Uhmm ano kasi....Actually pinsan ko sya. Mag kakambal nung mom ko at yung dad nya. Alam mo, hindi naman ganyan yan dati eh. Pero naging bully lang sya at naging masama yung ugali nya nung nag break sila nung first boyfriend nya. Inagaw kasi yun ng ibang girl kaya ngayon ayan... Todo bakod kay Bailey. Sabi nya she learned from her mistakes parang si tony stark. Kung noon hindi nya binakudan yung ex nya ngayon naman sobrang bakod na. Napaka selosa pa. Buti nga di nasasakal si bailey eh." mahabang kwento nya. Ewan ko pero feeling close na ko dito kay jasper ah.
" May mga tao kasi na kapag alam nilang sobra yung trust nung jowa nila ay nag loloko na. Tinatake advantage ba. Yung iba naman pinag tutulakan na Humahabol padin. Sa case ng pinsan mo... Siguro nadala na sya sa past relationship nya kaya todo sya kung makapagselos. Di natin sya masisisi." pagkasabi ko nun ay napatingin sya sa akin at niyugyog ako.
" Ano bayan jasper. Wag mo nga ako yugyugin nahihilo ako eh. "
"Sorry sorry. Ikaw naman kasi eh hugot ka ng hugot dyaan. Kala mo naman may naging ex ka na." Tumigil na sya sa pag yugyog sa akin pero nakahawak parin sya sa balikat ako. At ako naman ay nag susulat.
"Meron din. Ano akala mo sa akin? Di marunong lumandi?" Natawa sya sa pagkakasabi no nun. Nag act kasi ako na maarte at pinilantik pa yung kamay ko na parang bakla.
Ang pogi nya tumawa ah.
NOT BAD.
ilang minuto na din kami nag usap nang tumunog ang bell hudyat na break time na. Pero bago pa mandin kami makatayo ay nagsalita na sa harapan ang reyna ng room na ito na si REETZ!
"So as you guys witnessed a while ago... Someone's trying to steal my boyfriend... And of course i won't let that happen." Seryoso itong nag sasalita sa unahan while yung boyfriend nya naman sa gilid ay nag aalalang tumingin sa akin. Yung dalawang alipores nya naman ay nakangisi at nakatingin din sa akin.
"Are you guys ready to protect yout king and Queen?"
"HELL YEAH!"
Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko na animo'y mababangis na hayop nakawala na sa kulungan nila at nagsimula nang magdiwang at mag sigawan.
Lumapit sa akin si Reetz at yung mga kasama nya. Ngumisi ito sa akin at nag sabi ng...
"Goodluck Nerd. Enjoy" Bago sya naglakad palabas ng room.
Napatampal naman ako sa noo ko at napatingin nalang kay jasper na nag aalala na din.
"pag bilang ko ng tatlo takbo tayo ah. Wag kang bibitaw sa akin." bulong nito sa akin saka ako hinawakan sa kanang kamay ko.
Tumango naman ako since nakaramdam na ako ng kaba dahil sa mga kaklase ko.
Sheyt. Parang totorturin ako ng mga ito ah.
May isa namang lalake na akmang hahawakan ako sa braso nang biglang sumigaw si jasper.
"TAKBO NA DIANA DALI!" Pag kasabi nya nun ay agad kaming tumakbong dalawa at magkasabay na lumabas ng room ng hawak kamay.
Naririnig ko pang tinatawag kami nung mga humahabol sa amin kaya mas lalo naming binilisan ang takbo.
Nang mapagod ay nag tago kami sa... Garden na ata ito kasi daming tanim.
Napaupo sya sa sahig habang ako sa may bench katapat nya.
Inabot ko sakanya yung panyo ko kasi pawis na pawis sya ehh. Ganun din naman ako pero unahin na natin sya since tinulungan nya ako.
"Salamat ha. Tinulungan mo ako." Inalok ko ang kamay ko para tulungan syang tumayo. Tinanggap nga iyon at tumayo bago umupo sa tabi ko dito sa bench.
"Ayos lang yun. Gawain ko talaga yun kapag may target si reese." Sabi nya pero napatingin lang ako sakanya since ibang name yung sinabi nya.
"Reese? Diba reetz ang pangalan nya?"
"Anong Reetz? Si Reetz nasa ibang bansa. Doon sya nag aaral. Yung bully na yun si Reese yun. Kakambal ni Reetz." Luh?
Tanga mo naman Priscilla. Ano ba yan! Hinusgahan ko si reetz ko nang hindi ko manlang alam yung totoo!
"Reetz mo? Girlfriend mo si reetz?" Nag tatakang tanong nya sa akin habang umiinom na ng tubig sa water bottle nya na pinahirap nya sa akin kanina.
"Huh? Hindi ah." Tange. Narinig nya nanaman yung thoughts ko.
"Eh bakit reetz mo? Crush mo si reetz noh? Hahaha saan mo sya nakilala? Alam ko hindi naman yun pala kaibigan eh. Suplada kaya yun pero mas mabait sya kesa kay reese."
"ahh eh. Nakita ko sya sa newsfeed. Oo tama. Sa sss ko sya nakita. Ang ganda nga nya ehh." Pag sisinungaling ko. Hindi ko naman pwedenh sabihin yung toto noh.
"Crush mo?" Nakakaloko itong nakatingin sa akin at akmang susundutin hung tagiliran ko nang tumayo ako at lumayo sa kanya.
"Hindi noh. Nagagandahan lanv ako sa kanya." Tanggi ko.
Madali naman itong kausap at tumango tango nalang bago uminom ulit ng tubig. Nag alala naman ako na baka madamay sya sa pambubully na sa akin nung mga Alagad ng reyna.
"Baka madamay ka, jas?" umupo ako ulit at hinawakan sya sa balikat. Tumingin ito sa akin saka umiling. Nilunok nya muna yung tubig sa bibig nya bago mag salita.
"Nope. Di nila ako. Magagalaw. Dito kasi sa school may secret clans. At isa ako sa miyembro ng clan nila reese." Paliwanag nito.
"Clan? So ibigsabihin protektado ka?"
"Prinsipe ako ng clan namin. Since pinsan ako ni reese."
"kung ganun bakit hindi mo sila utusan na tigilan ako?" Medyo nakaramdam ako ng pag asa dahil sa sinabi nyang prinsipe sya.
"Sa usapang pambubully... Wala akong kapangyarihan dyan. Tanging si reese lang ang pwedeng mag pahinto dun. Kahit nga si bailey na king walang laban eh." Tila bumagsak sa akin langit at lupa nang marinig ko ang sinabi nya.
Tangena paano ito...
"Pero may chance ka pa naman, Diana." Napatayo pa ako dun at hinawakan ang mga kamay nya. Nag aantay sa sasabihin nya.
"Sumali ka sa Clan nila Daphne at Zeus." sabi nito na ikinapagtaka ko.
"Sino?"
"Sila Daphne Reign Mondragon pati si Zeus Eryx Mondragon. Mortal enemy ng Clan namin. Pero close kami ni Zeus. Yung Dalawang reyna lang ang hindi magkasundo."
Napalaki ang mata ko at halos ngumanga yung bibig ko nang Marinig ko yung sinabi nya.
"May- May clan sila dito?" Di ako makapaniwala sa narinig ko shemay.
Akala ko ba sa France sila nag aaral....
"Oo. Bakit?" Nakakunot noo itong nakatingin na sa akin at nag tataka sa kinikilos ko.
Langya yung kambal Na yun....
HUMANDA SILA SA AKIN PAG NAGKITA KAMI TALAGA!