CHAPTER 13

1744 Words
REESE POV "Reese, Just understand nalang. Minsan lang naman humiling ang kakambal mo eh. Pag bigyan mo na sya." Linggo ngayon at Wala akong magawa kundi ang mag stay dito sa bahay at humilata mag hapon. Si bailey naman nasa palawan kasama ang family nya. Bawal daw kasi mag dala ng ibang kasama since exclusive lang daw yun for his family. At heto nga ako ngayon at nababadtrip since ang parents ko ay uuwi sa Australia para puntahan ang kakambal kong feeling gold. Tapos ayaw nila akong isama kasi daw may pasok. Para saan pa at Co-Owner si dad sa school kung hindi nya man lang ako ieexcuse kahit ilang araw lang. "Tsk. May magagawa ba ako? Sige. Tutal mas importante naman yang anak nyo edi go. Tapos mag rereklamo kayo na iba ang pakikitungo ko sainyo." pag kasabi nun ay umakyat na ako sa third floor at pumasok sa mini theater dito sa bahay. Yes. Mini theater. May ganyan kami sa bahay. Kasi mayaman kami. Narinig ko pang kinakalampag ni dad ang pinto pero di nya yun mabuksan kasi nakalock. Nawala na ako sa mood makipag usap sa kanila since parang wala naman akonh halaga sa kanila. Puro nalang reetz. Pano naman ako diba? Halatang may favoritism eh. Nakakayamot sila sa totoo lang. Nanood lang ako ng "Dora and the lost city of gold" since minsan may pagkaisip bata ako. Wala naman sigurong masama na manood ako nito since i love watching dora the explorer since i was a child. And until now. Kahit medyo bulag si dora. "Anak oh, Heto at mag meryenda ka muna." Pinapalabas na ang mga cast ng movie nang magsalita si yaya sonya. Sya yung bagong katulong namin na pumalit kay nanay linda. Yung nanay ni yaya sonya. Nag retired na kasi si nanay kaya sya yung pumalit. At first wala akong tiwala sa kanya. Since si nanay linda lang yung pinag kakatiwalaan ko dito sa bahay na ito. Pero kasi napatunayan naman ni yaya sonya na mabuti din syang tao katulad ni nanay linda. Kaya i trust her na din pero di tulad ng trust ko kay nanay linda. "Thanks ya. Ang dami nito. Lika dito share tayo kasi di ko mauubos ito." Pag aaya ko sakanya pero tumanggi lang sya at sinabing nakakain na sya kanina bago sya pumanik dito. "Sya nga pala Reese. Umalis na ang magulang mo kanikanina lang. Mamayang 7 daw kasi ang flight nila papungang Australia. " Yaya. Please stop talking about them." "At bakit naman? Magulang mo naman sila ah." "Because i don't care. Isa pa mas important naman yung anak nila sa Australia. Kita mo ya? Konting paawa effect lang umoo agad sila? Samantalang ako na sandaling family day lang hindi pa nila mapagbigyan." Naiiyak nanaman ako sa tuwing naiisip ko na simula't sapul, mas pinapahalagahan nila so reetz. Diba dapat pantay? Kasi kambal naman kami. Pero bakit ganun sila? Anak din naman nila ako. Pero parang itchapwera ako sa kanila. Parang ampon lang ako. Pano kasi si reetz naman talaga ang inaasahan nila. Di naman ako kasama sa plano. Akala daw kasi nila na hindi kambal ang magiging anak nila. Hindi daw kasi sila nag pa-ultrasound noon para surprise yung gender ng baby. "May rason naman siguro sila reese? Tignan mo. Isang araw. Mag sasabi din sila sayo at sa oras na yun, yun na yung hinihintay mong oag papahalaga sayo ng mga magulang mo." Napatingin ako sa kanya na naluluha padin kaya niyakap nya nalang ako. Sana sya nalang ang nanay ko. Kasi mas mararamdaman ko pa ang pagiging nanay nya kesa sa nanay ko mismo. ------------- Alas dose na ng gabi nang magising ako sa sunod suno na pag ring ng phone ko. May tumatawag pa sa akin ng ganitong oras? Oh c'mon! Sino ba kasi itong istorbo na ito. Napaka nya! Nawala ang kunot sa noo ko at parang bulang naglaho ang inis ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Ang aking napaka pogi, mapagmahal at gentleman kong boyfriend na si Bailey Velasco. My one and only. Kinamusta nya lang ang araw ko at naikuwento ko ang nangyari kanina then nag paalam na sya kasi daw naistorbo nya yung tulog ko. Kinaumagahan pag gising ko ay sinalubong ako ng dalawa kong bestie at pinag madali na akong mag ayos kasi daw malelate na kami. Teka anong oras na ba? Pag tingin ko sa orasan ay halos manlaki ang mga mata ko at saka nagmadaling tumayo at pumasok sa banyo. Narinig ko naman na nag tatawanan yung dalawang loka loka sa labas. Hindi ko alam kung ilang minuto ba ang tinagal ko sa banyo basta anv mahalaga sa akin ay hindi ako malate. Buset kasi...Hayss wala akong masisi! "Ang malas naman ng pag bubuntunan ng galit ngayon ni queen reese. Kung sino man yun ay ngayon palang makikilamay na ako sa kanya hahaha" Sabi ni Carly na kakasakay palang sa kotse ko. Hindi naman ako yung mag mamaneho kaya safe kaming tatlo. Si Francine naman ay nag mamakeup na agad kahit hindi pa naman hulas ang make up nya. Well...for francine kasi is make up if life. Kay carly naman ay shopping is life. While me? Well... Bailey Velsaco is my life. Late na kami ng 15 minutes nang sa wakas ay makarating na kami sa school. Bad mood ako ngayon kaya mas lalong naging ilag sa akin ang mga nakakasalubong ko. Pero bago pa kami makaakyat sa 3rd floor ay nakasalubong namin ang grupo nila Daphne na mas lalong kinainit ng nag babaga ko nang ulo. Ewan ko ba kung bakit sobrang galit na galit ako sa bruhang yun kahit wala naman syang ginagawa sa akin. Wala naman syang ginawa kaya di nalamg kami kumibo dahil kung kikibuin pa namin sila ay lalo kaming malelate. Pag dating namin sa room at nakasara na ang pinto pero wala akong pake kaya padabog kong binuksan ang pinto. Wala akong pake kung may matamaan ang mahalaga ay makapasok na kami. Pero ang siste dumaldal na ang teacher na nasa harap ngayon. "Excuse me, Ladies. Wala ba kayong Respeto? We are in the middle of the discussion nang pumasok kayo ng walang pasintabi. Hindi ko tinotolerate ang mga ganyan girls. You should know how to respect not only me but the students here who's listening to my discussion. " Matigas nitong sabi at Mataray na nakatingin lang sa amin na walang habas na pumasok. Nag init ang ulo ko dahil sa narinig ko. Pinaka ayoko pa naman sa lahat ay yung pinag sasabihan ako. "Shut the fvck up! I'm not in the mood so you better shut your dirty mouth or else." Walang pag galang na sagot ko sa teacher na malakas ang loob na sabihan ako ng ganun. Bago lang ata ito at hindi nya ako kilala. Halos lahat kasi ng teacher dito sa school ay ilag sa akin dahil alam nila kung saan sila pupulutin kapag kinalaban nila ako. Pero dahil mukhang bago pa sya kaya pag babantaan ko nalang muna. Pero parang hindi talaga sumasangayon sa akin ang araw na ito at sunod sunod ang bwiset sa buhay ko. Dahil may isang babaeng nangangahas na hawakan ang boyfriend ko! Magkahawak sila ng kamay at tila ba nakaapak sa ulap itong... Ewan ko ba kung sino ba ito. "Princess Diana Tolentino. You can call me love." Nag pacute pa sya nun pero natawa lang ang boyfriend ko sa itsura nga dahil mukha syang nag papatawang clown. "sorry?" Sabi ng boyfriend ko na nakasmile padin na akala mo naman aliw na aliw sa clown na ito. Pero bago pa sya makasagot at makapag react ay Hinablot ko na ang buhok nya at dahil sa hindi nya inaasahan yun ay tumalsik sya sa board. 'Ang lampa naman pala nitong babaeng ito.' Bulong ko sa aking sarili at napangisi. "Hey! Don't touch my boyfriend!" maarte kong sabi at tumingin sa kanya na parang nandidiri. Well. Di naman pala sya panget. Cute sya. Aaminin ko yun. Pero nerd? Hmmm mukhang may new toy na ako ah. "Hon, calm down. Hindi ka naman nya inaano eh." Sabi ni bailey bago sya alalayan sa pag tayo at iupo sa upuan nya. Inabot nya pa sa babaeng yun salamin nito na nalaglag pala dahil sa pag tama nya sa board. "Really, hon? Tsk Whatever." Dahil sa selos na naramdaman ay yun nalang ang nadabi ko at Naglakad na papunta sa may likuran at umupo sa upuan ko. sumunod naman ang boyfriend ko at ag mga kaibigan ko na alam kong inasar pa si nerdy. Nagsimula nang mah discuss ang teacher namin pero wala sa klase ang isip ko. Tila ba lumilipad ito at nag iisip kung paano gagawing impyerno ang buhay ng nerd na yun. Napangisi nalang ako nang tumunog ang bell at nag paalam na ang teacher namin na aalis na. Kaya pumunta na ako sa haraoan para iannounce ang aking naisip. "So as you guys witnessed a while ago... Someone's trying to steal my boyfriend... And of course i won't let that happen." Seryoso akong nag sasalita sa unahan while yung boyfriend ko naman sa gilid ay nag aalalang tumitingin sa kung saan. Yung dalawang besties ko naman ay nakangisi at nakatingin din kay nerdy. "Are you guys ready to protect yout king and Queen?" "HELL YEAH!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko na animo'y mababangis na hayop na nakawala na sa kulungan nila at nagsimula nang magdiwang at mag sigawan. Lumapit ako sakanya at yung dalawa kong besties. Ngumisi ako sakanya at nag sabi ng... "Goodluck Nerd. Enjoy" Bago ako naglakad palabas ng room. Pero bago pa man kami makalayo ay nakita na namin sila ni Jazper na tumatakbo at hinahabol na ng mga kaklase namin. Hays Jazper talaga! Kahit kailan! Napakabait nyang tao! Sinabi ko na sakanya na wag syang makikialam kapag may napag tripan ako sa school dahil kapag ako hindi nakapag pigil pati sya madadamay. Pero mukhang wala syang pake sa sinabi ko kaya wala na akong magagawa sakanya. Tatanggalin ko na sya sa pagiging prinsipe nga sa clan namin since hindi sya marunong sumunod sa akin na reyna nila. 'Simula ngayon hindi na ikaw ang kikilalaning prinsipe ng Black Roses, Jazper. Masyado ka nang pasaway at hindi sumusunod kaya hindi mo ako masisisi.' Napatiim bagang nalang ako dahil sa tigas ng ulo ng pinsan kong si jazper ay madadamay pa sya. Pero wala na akong pake dahil ang mga katulad nya ay dapat nang matuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD