Priscilla POV Pagbalik ko sa hospital room, tahimik ang paligid. Pero hindi ang puso ko—tumatalon, naguguluhan, parang sinisilaban ng mga tanong at alaala. And there she was. Gising na si Francine. Nakaupo, nakasandal sa headboard, at nakatingin sa akin ng diretso. Hindi galit. Hindi rin nag-aalangan. Pero may kung anong klaseng pag-aalala sa mga mata niya na hindi ko pa nakita noon. “San ka galing?” mahinang tanong niya, boses niya hoarse pa pero alerto. “Kanina pa kita hinihintay.” Lumapit ako, ngumiti kahit may kirot sa dibdib. “Hinatid ko lang sila Reese. Sa labas.” Napatingin si Francine sa kamay ko, na walang hawak ngayon. Parang may gustong itanong, pero pinili niyang hindi muna. Instead, tumingin siya sa akin, matagal, at saka... bigla niyang binasag ang katahimikan. “Alam k

