LIAM POV
Patuloy ako sa pagbabalik tanaw habang nakahawak sa kamay ng walang malay na si con. Inaalala ko ang mga panahon na sana hindi ko sinayang, na sana naging maganda ang pagtrato ko sa kanya.
Lumipas ang mga araw at linggo pero hindi parin nagigising si con. Nag aalala na ako pati narin ang mga magulang nya pero sinabi ng doc na ayos lang ang nangyayari kay con. Maaaring kumukuha pa sya ng lakas para magising sabi ng doctor.
Ako lang uli ang nandito ngayon dahil may aasikasuhin parin daw sila. Gaya ng mga nakaraang araw, umupo ako sa malapit na upuan na katabi ni con. Sa nagdaang araw ay walang araw na hindi ako dumalaw rito. Sa katunayan ay alternate kami ng parents ni con, ako sa gabi at sila sa umaga. May pasok pa kasi ako sa school kaya sa gabi nalang ako nagbabantay sa kanya.
Ayos lang naman daw kay mama na bantayan ko si con pero pinaalala nya na wag ko rin daw pabayaan ang sarili ko at ang pag aaral ko. Nakadalaw narin si mama dito sa hospital at nagkakilala na sila ng magulang ni con. Humingi ng tawad si mama dahil nadamay daw si con sa away namin ni stark. Si stark naman ay dead on arrival. Sabay nabaril si con at stark, nabaril si con ng mga pulis ng pagkarating ng pagkarating nila. Bakit ba kasi galit pa sya sa akin hanggang ngayon? Akala ko pa naman ay nakalimutan nya ang nangyari noong two years ago. Hindi ko yun sinasadya, sinabi ko na sa kanya yun dati pa.
Tungkol naman kay angela, maayos na ang lagay nya. Nakalabas na sya ng hospital at sa bahay na raw nila sya magpapagaling. Back to the present, I hold con's hand. Still now, humihingi parin ako ng sorry sa kanya dahil nadamay sya sa away namin ni stark. Tuwing nandito ako ay ikenekwento ko rin sa kanya ang mga nangyayari sa bawat araw na lumipas.
Ngayon ay ikinekwento ko sa kanya ang nangyari sa school kanina "alam mo ba, si steve tanong ng tanong sa akin kung kamusta ka na raw. Hindi daw kasi sya makabisita sayo dahil nga maraming school works kaya sabi nya ipakamusta ko nalang sya sayo... Yung bagong transferee naman na kaibigan mo, galit na galit sa akin dahil sa nangyari sayo. Sinuntok nya pa nga ako rito ehh..." sabi ko sabay hawak sa pisngi ko na sinuntok. Patuloy ako sa pagkekwento ng hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Napadilat ako at nakitang wala ako sa hospital na kinaroroon ni con. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa gitna ako ng dagat. Nakasakay ako sa isang bangka. Tinignan ko ang langit at kita ko ang napakagandang mga ulap na humaharang sa araw.
"liam" nagulat ako ng makarinig ako ng nagsalita. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko 'sya'. "con!!" sigaw ko kahit na magkalapit lang kami. Humarap ako sa kanya at yinakap sya. "mabuti at gising kana!!" sabi ko sa gitna ng pagkakayakap ko sa kanya.
Napatawa sya ng mahina "liam..." pagtawag nya sa akin na sinagutan ko lang ng 'hmmm' busy kasi ako sa kakayakap sa kanya. "hindi ko na kaya..." sabi nya na ikinatigil ko.
"h-hindi mo na kaya? Sige bibitaw na ako sa yakap natin" sabi ko sabay bitaw sa yakap. Baka kasi nahihirapan na syang huminga sa pagkakayakap ko. "hindi yun ang ibig kong sabihin... Ang ibig kong sabihin ay suko na ako, hindi ko na kayang mabuhay... Mahina narin ang katawan ko dahil sa malubha na ang sakit ko" sabi nya na ikinapatak ng luha ko. "no! Hindi ka susuko maliwanag! Gagawa pa tayo ng memories na maganda! Gusto ko pang magsorry sayo sa pagtrato ko sayo ng masama" mahabang sabi ko.
Hinawakan nya ang pisngi ko. "I already forgive you liam, hindi mo alam pero naririnig ko ang mga ikinikwento mo sa akin... Naririnig ko rin ang mga sorry mo..." sabi nito "gusto kong manatili liam, gustong gusto kong manatili sa mundo at gumawa ng mga masasayang memories kasama ka- ang mga mahal ko sa buhay pero... pero gustuhin ko man at hindi ko na kaya, hindi na kaya ng katawan ko kaya sorry... sorry kasi mawawala na ako" mahabang salaysay nito. Napahagulgol ako sa sinabi nito. Wala na akong masabi kaya yinakap ko nalang sya. I hug her tightly as if i don't want to lose her, erased it... i really don't want to lose her.
Nakayakap parin ako sa Kanya. Nakapikit ako habang ginagawa ko ito. Naramdaman kong parang unti unting nawawala ang pagkayakap ko sa kanya kaya napadilat ako, then I saw her, nakita ko syang unti unting naglalaho sa paningin ko. Nakangiti ang kanyang mga labi at may sinasabi pa sya pero hindi ko na marinig ng maayos.
"wag!!" napabalikwas ako sa pagkakatulog. A-anong panaginip yun? B-bakit naglalaho si con sa panaginip ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni con. Napahinga ako ng maluwag dahil panaginip lang iyon, bangungot lang iyon na hindi magiging totoo.
Nanatili ako sa pwesto ko at hindi ko talaga binitawan ang kamay ni con. Maya maya ay dumating na ang magulang ni con. "liam umuwi kana sa inyo, alam kong pagod ka na rin sa kababantay kay liam kaya kailangan mo rin magpahinga" sabi ni tita beth. "ayos lang po, basta kay con kakayahin ko" makangiting sabi ko kahit na binabagabag parin ako ng napanaginipan ko bakit ba ako naapektuhan sa panaginip na iyon? Wala lang yun, wala!
Nagpaalam na ako kila tita at tito na uuwi na. Sumakay na ago ng kotse ko at nagmaneho na papunta sa Bahay. Kailangan ko rin magpahinga dahil may pasok parin ako. Medyo traffic ngayon kahit na madaling araw na kaya pero nakauwi parin naman ako.
Pagkarating ko sa bahay ay pumunta na ako sa kwarto ko at naglinis bago humiga sa kama ko. Pero pagkahiga ng pagkahiga ko ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si tita beth. I don't know why but my heart beat fast. Sinagot ko ito at nang marinig ko ang sinabi ni tita beth ay parang nanghina ako.
I felt like I slowly dying because of what I heard. C-con!