CHAPTER 16

1043 Words
LIAM POV Pagkarinig na pagkarinig ko palang ng sinabi ni tita beth ay lumabas agad ako ng bahay at bumalik sa hospital. Nangangatog ang tuhod ko habang nagmamaneho dahil sa kaba at takot. Ilang minuto akong nagdrive hanggang sa makarating na ako sa hospital. Nagmamadali akong lumabas ng kotse at tumakbo papasok sa hospital. Takbo ako ng takbo para mabilis akong makarating sa room ni con. Pagkarating na pagkarating ko doon ay pumasok na ako sa loob at narinig ko ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa tanang buhay ko "colloniel de Vargas, time of death 11:43 PM" Napaluhod ako sa may pinto. "no... no!!! h-hindi pa sya patay! hindi pa s-sya p-patay!..." Pauli ulit kong sabi hanggang sa maging bulong nalang ito. Napahagulgol nalang ako gayun din ang mga magulang ni con. B-bakit? B-bakit kailangan nya pang mawala?! B-bakit sya pa?... Dapat a-ako nalang!! "con!!!" sigaw ko habang lumuluha. Tumayo ako sa pagkakaluhod at naglakad papunta sa kinahihigaan ni con. Nagailabas na ang doctor at mga nurse. Nagmamakaawa rin sina tita at tito na sana magising si con pero gaya ng hiling ko, hindi ito natupad. "c-con! con g-gumising kana j-jan... M-may p-pangako pa akong t-tutuparin diba? K-kaya gumising kana jan--" napatigil ako sa pagsasalita dahil puro hikbi nalang ang lumalabas sa bibig ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak, Umiyak ng umiyak. Napuno ng iyak at hagulgol ang loob ng room ni con. Biglang bumukas ang pinto at pumasok yung transferee. "niel!"sigaw nya at dali dali rin naglakad sa kinaroroonan namin. "a-anong nangyari? T-tita... T-tito" pagtatanong ng transferee "s-she's gone, iniwan na tayo ni niel... I-iniwan na tayo ni n-niel..." hagulgol na iyak ni tita beth. "i-iniwan?" tanong ng transferee. Napatingin sya kay niel na ngayon ay para bang natutulog lang. Tulog na talaga sya at sa pagkakataong ito, hindi na sya magigising pa. "h-hindi totoo yan!! H-hindi totoong i-iniwan tayo ni niel... N-natutulog lang sya, diba tita? Diba?" pagpupumilit na tanong ng transferee habang naluha. Umiling iling si tita "s-sana nga natutulog lang sya, p-pero hindi... Hindi Lang sya natutulog" sabi ni tita at tumulo nanaman ang mga luha. Lumipas ang minuto at may pumasok na isang nurse "ma'am kukunin na po namin ang bangkay ni Ms. Colloniel para ilagay sa morgue at ng hindi magkaamoy" sabi nito. At dahil sa sinabi nito, napagtanto kong totoo nga ang nangyayari ngayon, con is really dead. Inilagay ng mga kasamahan ng nurse si con sa isang stretcher at hinila na papunta sa morgue. Nakasunod lang kami nina tita, tito at ng transferee sa mga humihila sa stretcher. Huminto ang mga nurse sa isang malaking room at binuksan ito bago ipasok si con. Pumasok din kami at pagkapasok namin ay ramdam agad namin ang lamig sa loob at kita rin namin ang mga nakatalukbong na mga bangkay na nakapaligid sa room. "sir, ma'am... hindi po Kayo pwedeng magtagal dito sa loob ng morgue" sabi ng nurse at naglakad na palabas kasama ang ibang nurse. Tahimik kaming lumuluha habang nakatingin kay con na nakahiga. 'con... Bakit? Bakit mo agad kami iniwan ng mga nagmamahal sayo? Pagod ka na ba? Pagod kana bang intindihin kami? Dahil kung pagod ka na nga, tatanggapin kong wala ka na, no scratch that... Hindi ka naman mawawala ehh dahil nananatili kang nasa puso ko, puso naming. Tatanggapin ko ng magpapahinga kana para hindi Kana mahirapan pa' Nagpaalam muna ako kila tita na maliligo muna ako at magpapahinga, pero hindi ko alam kung makakapagpahinga ako dahil sa nangyayari ngayon. Pumayag naman sina tita at sinabi nilang aasikasuhin muna nila ang gagawing lamay at libing ni con. Naglakad na ako palabas ng hospital at ng makalabas na ako, kita kong halos mag umaga na pala. Nagtungo ako sa kotse ko at sumakay na. Wala pa akong ganang umuwi. Inilihis ko ang daan na tinatahak ko at nagmaneho papuntang bar na lagi naming pinupuntahan ng mga tropa ko kapag may oras kami. Hindi ko narin pala medyo nakakasama ang mga gunggong na yun dahil narin sa wala akong oras. Ipinarada ko na ang kotse ko at bumaba na. Naglakad ako papasok ng bar at umupo agad sa isang upuan. "hard drink please!" sabi ko sa bar tender. Naghintay ako ng ilang minuto bago ibigay sa akin ang alak na gusto ko. Inisang lagok ko lang ito at naramdaman ko agad ang paghagod nito sa lalamunan ko pero binalewala ko lang ito. Humingi uli ako sa bar tender ng alak at ininom uli ito. ~~•~~ "i-isa pa nga sabi ehh!!" inis na sabi ko sa bar tender ng hindi nya ako binigyan ng alak. "ehh sir, nakakarami na po kayo at isa pa... Magsasara na po Jami!" may inis na sabi rin ng bar tender. "a-ayoko! G-gusto ko pang uminom! P-para naman kahit papaano ay malimutan ko rin ang sakit na n-nararamdaman ko!" sabi ko sa bar tender "p-please..." tuluyan ng bumagsak ang luhang kanino ko pa pinipigilan. "a-ayoko na! G-gusto ko na rin sumunod sa kanya! G-gusto ko narin m-mamatay!!" sigaw ko kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng luha ko. I-i want to follow her... And if killing means following her then I'm willing to kill myself. "p-pero kasi--- sige na nga sir! Pero last na huh!" sabi ng bar tender na tinanguan ko lang. Ibinigay nya sa akin ang isang alak na malugod ko namang ininom. "ohh sir tama na huh" sabi ng bar tender na tinanguan ko lang uli. Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko "j-just call someone there" sabi ko na may pagsinok pa. Kinuha nya ang cellphone ko at nagpindot pindot. Maya maya ay may kausap na sya pero hindi ko na marinig dahil sa nahihilo narin ako. Nanlalabo narin ako dahil sa kalasingan ko. Unti unting nilamon ng dilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog na may katanungan sa isip ko. "bakit ngayon ka pa nawala con? Kung kailan may kakayahan na akong umamin sayo, kung kailan kaya ko ng sabihin ang mga katagang 'con. catch me, I'm falling'."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD