*Tiara*
Bumaba ako sa sasakyan pagkahinto sa isang mataas na gusali hindi ako pamilyar sa lugar na ito pero sabi ni Tita dito raw nakatira si Trevor. Ano nga bang tawag doon Condo? Basta dito raw siya umuwi tuwing pagod siya sa practice nila o ano pa man. Pumasok naman ako at tinanong nila kung saan ako pupunta sinabi ko lang na kay Trevor nagtaka pa sila pero wala naman na silang sinabi pa. Buti na lamang at sinamahan nila ako dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang pupuntahan ko.
"Dito na ho Ma'am yung unit ni Sir Trevor may susi naman na ho kayo diyan hindi ba?" Tumango lang ako at nagpasalamat. Pagkabukas ko ng pinto amoy mo na agad na lalaki ang may ari nito. Sinabihan ako ni tita na kapag ganitong oras ay tulog pa si Trevor malamang na nasa kwarto niya ito. Kaya hinanap ko kung nasaan ang kwarto nito. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ito dahil ito lamang ang kwarto rito.
Nakita kong mahimbing pa ang tulog nito kaya lumabas na lamang ako at pumunta sa kusina sabi ni Tita ipagluto ko naman daw si Trevor ng agahan nito dahil puro instant ang niluluto nito tuwing nandito siya dihil hindi ito marunong magluto. Isa rin sa nalaman ko na marunong akong magluto dahil may alalang sumagi saakin na nagluluto ako.
Pagkatapos pumunta muli ako sa kwarto niya at ganun pa rin ito. Kaya binuksan ko na lang ang mga kurtina para makapasok ang liwanag dahil kahit umaga na madilim pa rin sa kwarto nito dahil sa makapal at itim na kulay ng kurtina niya. Sinilip ko na siya kung may pagbabago at nakita kong mukhang nasilaw ito dahil sa liwanag.
"Trevor,,, gising na." Sabi ko habang pinipilit kong alisin ang kumot sakanya.
"Ano ba! Go away!! Kitang may natutulog." Inis na sabi nito, wala naman akong maiisip na pampagising sakanya. Baka kasi lumamig yung niluto ko sakanya.
"Gumising ka na diyan, kung hindi bubuhusan kita ng malamig na tubig." Biglang sabi ko naman pero medyo naiinis na rin ako sakanya.
"Do it,, I don't care." Maiikling sabi nito kaya kumulo ang dugo ko dahil sakanya. Iniinis mo ako huh. Lagot ka saakin. Pumunta ako sa palikuran nito at kumuha roon ng tubig na inilagay ko sa tabo. Hindi ba nito alam na maikli lamang ang pasenya ko gaya niya. Dahil malamig ang tubig nito kaya alam kong magigising agad ito.
"What the..." bigla itong napatayo ng maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sakanya. Tumingin ito sa aking gawi at binigyan ako ng nakamamatay na tingin nakonsensya naman ako dahil sa ginawa ko sakanya.
"Trevor." Nag-aalalang sabi ko rito ng lumapit ito saakin na masama pa rin ang tingin, kinuha naman nito ang tabong dala ko at ibinalik sa banyo nito. Sinundan ko naman ito. "Uhm Trevor, Sorry na." Nag-aalalang sabi ko hindi ko dapat ginawa na yun. Hindi ko pa man din alam ang ugali talaga niya.
"Hindi nakakatuwa yung ginawa mo." Malamig na sabi nito. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Kahit nakaatalikod ito alam kung nagtitimpi lang ito sa galit niya. Nakalimutan kong kaarawan pala niya ngayon at naging masama na agad ang timpla ng umaga niya. Hala! Anong gagawin ko?Mawawalan na ba ng saysay ang pinaghirapan namin nila tita.
"Pasensya na, patawarin mo na ako nagawa ko lang naman yun kasi- ... Ahhhhhhh!" Biglang may bumuhos na malamig na tubig saakin at nakita ko ito hawak nito ang shower niya at nakaharap ito saakin habang tuwang-tuwa. Pilit ko namang hinaharangan ang mukha ko gamit ang kamay ko. "Tama na!" rinig ko naman ang malakas nitong halakhak. Pero maya-maya pa'y nahinto na rin ito dahil hindi ko na maramdamang may bumubuhos pa saaking tubig.
"Ang sama mo talaga." Inis na sabi ko, pero nabawasan ang pagkakonsensya ko sakanya dahil sa ginawa niya. "Hala, paano ito ngayon? Nabasa ang damit ko." Nag-aalalang sabi ko.
"Oh, Quits na tayo." Binigyan naman ako nito ng roba. Tinanggap ko naman na ito at lumabas doon ko na lang tatangalin ang damit ko sa banyo sa labas. Pagkasuot ko naman ng roba nito ay hanggang tuhod ko ito, tinali ko lang ito para hindi ako mahubaran. Wala pa ito ng pagkalabas ko kaya pumunta na lamang ako sa kusina at pinainit muli ang niluto ko maya-maya pa'y lumabas na ito. Nakita ko namang naglandas ang tingin nito saakin at sa suot ko at napaiwas ng tingin psh! Ngayon nakukonsenya naman siya ngayon kasalanan naman niya.
"bakit ba nandito ka?" tanong nito, pinagsalin ko naman na siya ng pagkain nito.
"Pupunta sana ako sa bahay niyo, buti na lamang at tumawag mo na ako kay tita kung nandoon na siya pero sabi nito na mamaya pa raw ang uwi nila ng daddy mo. Kaya sinabi nito na puntahan na lamang kita rito at sabay na tayong pumunta sa bahay niyo." Kumagat ka sana maniwala siya.
"Di sana hindi ka tumuloy" sabi naman nito
"Nasa daan na kasi ako noon ng papunta ako sainyo. Naisipan ko lang tumawag sakanya, noong sinabi niya saakin na wala pa sila roon uuwi na rin sana ako pero sinabi nitong puntahan na lang kita at sabay na lang tayo pumunta sa mansyon niyo." Pagdedepensa ko. Umpisahan mo nang magbilang ng kasinungalingan mo Tiara. Lagot ka na. Napahinga naman ako ng mukhang naniwala ito.
"Diyan ka muna, Tatawagan ko si Mommy baka nandoon na sila. Sabi niya ngayong umaga sila uuwi." Sabi nito at tumayo na. Siguro para tawagan nga si tita, pero alam ko namang hindi siya sasagutan ng telephono ng ina niya dahil yun sa plano. Maya-maya pa'y para itong naiinis ng bumalik ito sa mesa.
"Anong oras ka tumawag kay mommy?" Tanong nito saakin habang natingin pa rin sa telepono niya.
"Mga mag aalas otso nun." Maikling sabi ko, nakita ko namang lampas alas nuebe na. Narinig kong may tinawagan uli ito pero alam kong hindi na ang mommy niya.
"Nandiyan na ba sila sa bahay?" tanong nito sa kausap, hindi ko naman narinig ang sinabi ng kausap nito pero nang maibaba nito ang cellphone niya mukhang dismayado ito kaya alam kung wala pa sila doon. May mga tinawagan pa ito pero naririnig kung hindi ito makakuha ng sagot.
"Kailangan kong umuwi na sa bahay." Biglang sabi nito kaya napatingin agad ako sakanya. Naku naman hindi pwede to mabubuko kami nito.
"Ano! Hindi pwede." Sabi ko napakunot naman ito ng noo niya.
"At bakit naman?" Ciara mag-isip ka na rason mo.
"Ahm ano Ahm wala akong damit. Tama! Wala akong damit. Binasa mo ang damit ko." Sabi ko, sige na kumagat ka. Napatingin naman uli ito saakin pababa kaya medyo naiilang ako sa pagkakatitig nito.
"Alright, kumuha ka muna sa damitan ko. Hihintayin kita rito, pupunta tayong mall." Tumakbo naman akong kwarto nito at isinara ito. Tinignan ko pa ito kung hindi ito mabubuksan agad. Humanap ako ng mga damit nitong kasiya saakin pero wala akong mahanap puro mahahaba ito. Nagmukhang bistida na saakin. Hinayaan ko naman na ito at nagshort na lamang ako sa pang-ilalim nito.
"Matagal ka pa ba diyan?"- rinig kong tanong nito mula sa labas, kaya hindi naman na ako nagpatagal pa at lumabas na rin ako. Tinig naman ako nito at umiling-iling dahil sa suot ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip nito pero mukhang ito natuwa. Bakit ba kasalanan naman niya kung bakit ganito ako ngayon tapos ngayon. Haist hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ito. Sana man lang inisip nito nang basahin ako, kung may dala ba akong pamalit ko.
"Come on, we have to go."- wala naman akong nagawa pa ng hilahin ako nito at hinawakan ang palad ko ng mahigpit. Pilit ko namang tinatangal ang pagkakahawak nito pero lalo lang nitong hinigpitan. Kahit rin ng makarating kami ng Mall na sinasabi nito hindi pa rin naghiwalay ang mga kamay namin. Lalo na nang maraming nakatingin saakin tao lalo na ang mga lalaki.
"Bilisan mo nga, ang bagal mo." Inis na sabi nito, hindi ko alam kung bakit nabago agad ang pag-uugali nito. Hindi naman na ako nagsalita pa dahil mukha hindi na maganda ang timpla ng ugali niya. Pasalamat siya kaarawan niya ngayon. Dinala naman ako nito sa boutique ng mommy niya. Nakapunta na ako dati rito kaya alam kong sakanila ito.
"Change her clothe and make her presentable."- maikling sabi nito sa mga trabador nila at doon niya lamang ako binitawan. Hinawakan naman ako ng isang babae at iginaya niya ako sa isang kwarto roon kung saan raw ako aayusan. Hindi ko alam kung anong pang aayusin saakin pero hindi na lamang ako nagsalita pa at hinayaan kong anong pinaglalagay sa mukha ko pero parang nagiging pamilyar ako sa ginagawa nila. Para bang sanay na akong inaayusan ako araw-araw. Simple lamang ang pinag-ayos nila saakin tinali lang naman ang mahabang buhok ko at nilagyan lang daw ako ng light make up dahil maganda na raw ako at hindi na kailangan ayusan pa ng matagal. Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi nila pero nagpasalamat na lamang ako.
*************************^^^^^^^^^^******************^^^^^^^^^^^^^^^^***********
Naglilibot ako ngayon dito sa mall isang rason na rin kung bakit ako naglilibot ay hinahanap ko rin si Trevor. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang lalaking yun.
"Hey Miss, your looking for something?" biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napatingin agad ako sakanya pero malaki pagkakamali iyon dahil muntik ko na itong mahalikan kaya lumayo ako sakanya ng kaunti napangisi naman ito dahil sa nangyari at mukhang natutuwa pa ito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkainis sa lalaking ito kahit hindi ko pa man nakikita talaga ang ugali nito. Paalis na sana ako ng bigla ako nitong hawakan sa braso medyo napangiwi pa ako dahil sa pagkakahawak nito. "Hey, that was rude, Miss. Gusto ko lang makipagkilala sayo at gusto ko rin makilala ang isang binibini napakaganda at kung bakit ito nag-iisa." Ngumiti naman ito saakin kaya ngumiti na rin ako sakanya pero tipid lang dahil hindi ako sanay na nakikipag-usap sa iba lalo na at hindi maganda ang presensya niya para saakin.
"By the way I'm Lucas, how about you? What's your name?" nag-aalangan akong sabihin ang pangalan ko kaso baka saabihin ako nitong suplada. "Don't worry, I'm not the way you think." Sabi pa nito. Sasabihin ko na sana ang pangalan ko ng biglang may umakbay saakin kaya napatingin ako sakanya. Hindi ko na kailangang hanapin pala ito dahil siya na mismo ang nakahanap saakin. Mabuti naman, baka mapagod talaga ako.
"You don't have to. Wag kang nakikipag-usap sa kung sinu-sino. Lalo na hindi mo kilala kung sinong nakakasalamuha mo. Naiintindihan mo." Sabi nito saakin, pero nakatingin naman ito sa lalaking nakikipag-usap saakin. Seryoso lang ito nakatingin sa kausap nito at ganun si Lucas. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hindi maganda kung ganito pa rin sila, para bang may hidwaan na namamagitan sakanila.
"Ahmm. Trevor. Saan ka ba pumunta? Kanina pa ako naghahanap sayo." Sabi ko rito para mapunta saakin ang atensyon nito at tama nga ako dahil sa akin na nabaling ang atensyon niya.
"I was looking for you also, dapat hindi ka umalis doon." Paglilimping galit nito saakin.
"So Trevor, you know this beautiful lady huh. Bakit hindi mo ako ipakilala sakanya." Napabaling naman kami ng magsalita si Lucas sa tabi namin. Nakangisi ito lalo na kay Trevor.
"Know what Lucas, get lost. Humanap ka ng mabibiktima mo."Sabi ni Trevor, hihilain na sana ako ni Trevor paalis nang magsalita muli si Lucas.
"Woah, Trevor. At kailan ka pa naging madamot sa babae, huh? That's not you. Or should I say kailan ka pa nagseryoso sa babae?" panunuksong sabi nito. Ramdam ko naman ang pagkatimpi ni Trevor dahil sa hawak nito saakin. Pinipigilan laman nito ang galit niya. Sabi ko na nga ba masama ang kutob ko kay Lucas. Alam kong hindi ito magandang epekto.
"Wag mo kong umupisahan Lucas, I'm warning you." Seryong sabi nito. "Come on" humarap saakin at hinila na ako nito paalis.
*************************************************************************
Hindi ko alam kung magandang epekto ba o hindi ang nangyari kanina. Pero dahil doon hindi na gaanong nagsasalita si Trevor bumalik muli ito sa dati nang magkita kami. Sinabi kong gusto kong ilibot muna niya ako sa alam niya mga lugar dito. Wala naman itong sinabi pero ginawa naman niya ang gusto ko. Ang problema lamang doon ay parang mag-isa lamang ako naglilibot dahil parang wala ang presensya niya kahit nasa tabi ko lamang siya. Gustong-gusto ng tanungin kong bakit nagbago muli ang ugali niya. Hindi ko na talaga ito maintindihan.
Tumigil ako at humarap sakanya kaya napatigil rin ito sa paglalakad.
"May problema ba?" tanong nito, ako pa talagang tatanungin niya ng ganyang bagay. Siya nga itong kanina pa bago kami lumabas at pumunta sa mall.
"Baka gusto mong ikaw ang tanungin ko niyan. May problema ka ba? Kanina ka pa. Hindi ko na maintindihan ang ugali mo." Naiinis na sabi ko, mukha naman itong nagulat sa sinabi ko pero hindi lang nito ipinahalata.
"Wala 'to, tara na pumunta na tayo sa bahay. Baka nandoon na sila mommy. Sinusubukan kong ikontak siya pero hindi ko matawagan pa rin." Sabi nito, bigla naman akong nataranta sa isip ko dahil. Nagtxt saakin si tita na malapit palang nilang maayos kaya kailangan ilito-lito ko lang daw si Trevor. Kaya medyo nakatulong kanina yung pagiging wala sa sarili nito.
"Ahm wait lang, gusto kong pumunta muna tayo roon." Turo ko sa may lugar na maraming halaman at bulaklak.
"Tara na, sa susunod na lang. Maggagabi na rin hindi mo na makikita yung ganda niyang garden na yan." Naiinip na sabi nito. Mukhang malapit na rin itong maiinis saakin dahil parating ako na lang ang nasusunod kanina. Pero kasi, kailangan kong gawin yun.
"Pero kasi.." hindi ako pinatapos nito at muling nagsalita.
"Kung gusto mo, ikaw nang mag-isang pumunta diyan. Pagod na ako kakalibot." Galit na sabi nito at tumalikod na saakin para maglakad palayo. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. 'Tiara, naman yan ginalit mo tuloy'. Huh?
Sinundan ko na lamang si Trevor na naglakad palayo. Wala na akong magagawa, pasensya na tita sana maging maayos pa rin ang kakalabasan ng surpresa niyo. Pumasok ito sa loob ng kotse niya kaya sumunod naman ako at sa kabila rin pumasok. Buti na lamang at bukas. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil galit ito. Kinokosenya naman ako dahil baka masira pa ang kaarawan niya dahil saakin. Tahimik lamang kami habang bumabyahe hindi ko mahanap ang salitang gustong sabihin ko para maputol itong katahimikang namamagitan saamin.
"Trevor, Sorry." Nag-aalalang sabi ko napatingin naman ako sakanya para makita ang reaksyon nito pero hindi man lang ito kumibo na para bang wala itong narinig na sinabi ko. Pagkalabas nito sa kotse pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Wala naman itong sinabi kaya naman tahimik lamang ako habang nakasunod sakanya. Inilabas ko ang cellphone na ibinili saakin ni Mommy at tinext si tita na nandito na kami.
Pagkabukas nito ng pinto sumalubong saaminang malaking ilaw na tumapat saamin o mas tamang sabihin ay kay Trevor lang.
"And now let's all welcome our Birthday Celebrant ....Mr. Trevor Montizore together with her special someone Ms. Ciara Victoria." Rinig kong sabi, at biglang may malakas na palakpakan hindi ko pa gaanong makita ang kapaligiran dahil sa ilaw pero maya-maya lamay isa-isa na itong nawala at may sumusunod na lamang nailaw saamin habang naglalakad sa gitna. Nakita ko naman sila Tita na lumapit saamin. May sinabi lamang ito na hindi ko maintindihan, nag-uusap sila nang anak nito.
"Ciara, sumama ka muna sakanila para maayusan kayo sa loob." Sabi ni tita, iginaya naman niya ako sa mga babaeng nasa gilid lamang nitong nakatayo. Pumasok kami sa isang silid dito sa mansyon nila Trevor, hindi namin ito kasama tanging ang mga sinabi lang ni tita na mag-aayos saakin.
Habang inaayusan ako hindi ko maiwasang magtanong sakanila. Dahil madami silang ginagawa sa mukha ko lalo na sa buhok ko.
"Hindi po ba pwedeng simplehan niyo na lamang?" suhesyon ko sakanila, ngumiti lamang sila saakin.
"Ito po ang bilin ni Ma'am na ayos saainyo." Tumango naman ako pagkatos nilang ayusan ako may ipinasuot silang gown saakin. Hindi ito gaya ng itinahi namin dahil hapit lang ito sa akin at halos lumabas na kaluluwa ko dahil wala ng natatakpan sa likod nito at ang harap naman ay halos makita na ang dibdib ko. May haba itong hangang talampakan ko at pinagsuot ako na stelleto na itim gaya ng gown na suot ko ngayon rin.
"Tapos na ho, pwede na kayong lumabas, hinihintay po kayo ni Sir Trevor sa pinto." Nagpasalamat naman ako sakanila bago umalis. Hinawakan ko naman ang gown na suot ko dahil mahaba ito at medyo hindi ako makapaglakad ng maayos ikadapa ko pa. Naabuatan ko naman sa labas si Trevor habang seryoso lang itong nakayuko. Hindi ko alam kung ano na namang iniisip nito sa mga oras na ito. Kung natutuwa ba siya sa surpresang binigay sakanya ng mommy niya o hindi. Dahil hindi naman nito ugali ang ganitong magarbong pagdiriwang.
"Tapos ka na? Tara na." Walang ganang sabi nito. Tumalikod naman ito para muling umalis. Sa mga oras na ito alam kung hindi siya natutuwa sa pagdiriwang ito. Siguro ay inaalala lamang niya ang mommy niya. Hindi ko alam pero nakaramdam na ako ng pagkabahala dahil alam kung alam na nito na kasabwat ako sa planong ito sakanya. Ano na nga bang tawag doon? Guilty?
"Trevor, pwedeng hinay-hinay ka lang sa paglalakad hindi ako makasabay sayo." Napatigil naman ito at humarap saakin. Seryoso lang ito at tumingin sa suot ko. Nakaramdam naman ako ng hiya ng maglandas ang mga mata nito sa dibdib ko. Kaya ibinaling na lang nito ang tingin sa iba. Muli na itong naglakad at hindi na gaya kanina na mabilis ngayon ay nasasabayan ko na ito.
"Let's all welcome our birthday celebrant Mr. Trevor Montezori together with a lovely lady Ms. Ciara." Pinaglakad naman kami sa gitnang dalawa. Nakahawak na ngayon si Trevor sa bewang ko at nakangiti lang ito ng tipid. Lumapit naman na kami kila tita at mommy na kasama nila sa isang mesa kasama rin dito ang mga kaibigan ko.
"Thank you, Ciara. For doing your job. Alam kong pagnalaman ni Trevor ang ginawa natin hindi yan sisipot ngayon." Sabi nito kaya napatingin naman ako kay Trevor na seryosong nakahawak pa rin saakin. Bigla naman akong nakadama ng higpit ng pagkakawak nito kaya tumingin muli ako sakanya. "And thank you son, for cooperating, Happy birthday again. Sana wag kang magalit saakin lalo na kay Ciara. Humingi lang ako ng pabor sakanya." Wala naman itong sinabi pagkatapos nitong magpasalamt rin sa mommy niya at umalis na ito dahil nakita kong nakita na niya na ang mga kaibigan nito. Lumapit naman na ako sa mga kaibigan ko habang si Mommy ay nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya kasama si tita.
"Hoy, ikaw nang-aakit ka ba ngayon?" biglang sabi ni Rhianne, tumingin naman ako sakanya ng nagtataka.
"Paano mo naman nasabi iyan?"
'"Duh! Tignan mo nga yang suot mo."
"Ito ang ipinasuot saakin, wala akong magawa."
"Wag ka nang maiingit Rhianne, bagay naman kay Ciara ang suot niya."- Meg
"Your right, kaya halos ng lalaki dito napapatingin na sakanya. Hindi na ako magtataka maraming mag-aayang sumayaw sakanya."- Sabrina.
"Kahit ang lover boy natin halos lapain na lahat ng nakatingin kay Ciara. Mukhang madamot ang lover boy natin hahahahaha." –Shanna. Napatingin naman ako sa tinitignan rin ni Shanna at nakaharap pala dito si Trevor saamin habang wala pa ring mabasa sa mukha nito mukhang hindi ito nakikinig na mga pinag-uusapan ng mga kaibigan niya.
"Wag nga kayong ganyan. Baka kung anong isipin ng mga tao rito. Wala namamagitan saamin ni Trevor alam niyo yan."
"Wala pa ba sa lagay na yan? Look ang mommy niya na mismo ang naglalapit sainyong dalawa. At tingin palang niya may gusto na siya. No one can resist you girl not even him his not exempted noh."- Meg
"Wala nga at hindi niya ako gusto. Alam kung mga tipo niya dahil tumira na ako sakanila."
"Let's see kung anong gagawin niya na lang." hindi ko naman naintindihan si Meg sa sinabi nito tatanungin ko sana ito pero biglang may lumapit saaming lalaki at nakaharap ito saakin. Hinihintay namin kung anong sasabihin nito.
"Hi! I'm Andrew. Can I dance with you?" nag-aalangan naman akong tangihan ito pero wala namang problema dahil mukha naman itong mabait at magandang lalaki rin ito. Sasagot na sana ako pero may naunang sumagot kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"No, She can't dance with anyone. 'cause she's mine" seryosong sabi lalaking humawak bigla saakin at bigla akong hinila papunta sa gitna.
"Anong bang ginawa mo Trevor. Mukha tuloy napahiya yung tao." Nakakunot na sabi ko at tumingin doon sa lalaki kanina na gustong magsayaw saakin. Nakita ko namang umalis na ito dahil sa kunting kahihiyan dahil medyo maraming nakakita pala ng nangyari.
"Hayaan mo siya, Mas nakakahiya pag ako ang tinanggihan mo." Bigla naman akong napaharap sakanya. Kasalukuyang sumasayaw kami sa gitna at maraming nakatingin kaya bigla tuloy akong nahiya dahil kami lamang ang sumasayaw palang. Walang nagsasalita saaming dalawa dahil sa totoo rin wala akong masabi. Maraming tanong na gustong itanong sakanya pero nag-aalangan akong itanong baka magalit ito. Tulad ba ng kung galit ba siya sa ginawa namin? At marami pa. Sa sobrang malalim ang pag-iisip ko hindi ko namalayang may may ikinabit itong bagay sa leeg ko. Kaya naman tinignan ko ito at napatingin sakanya.
"Hala, para saan ito?" hinawakan ko naman ito at pinagmasdan isa itong kwintas na may desinyong korona o parang tiyara na may maliliit na diyamanteng nakapalibot rito. "Bakit binigyan mo ako nito?"
"Tsk, wag ka nalang magtanong. Tangapin mo na lang." masungit na sabi nito. May bigla naman akong naalala.
"Dapat ako nagreregalo sayo dahil kaarawan mo."
"Kung ganun nasaan yung regalo ko."
"Nasa kwarto. Doon sa pinag-ayusan saakin." Nag-aalangan sabi ko. Naiwan ko kasi kanina dahil sa kamamadali nito kaya nakalimutan ko na rin.
"Tara kunin natin." hindi man lang ako nakapalag sa sinabi niya dahil hinila na nga ako nito. Pagkapasok namin sa kwarto sinarado nito ang pinto kaya naman hinanap ko kung saan ko naiwan ang regalo ko para sakanya. Pagkakuha ko ng pouch ko saka ko kinuha ang regalo kasya lang kasi doon.
"Maligayang kaarawan muli sayo" Sabay abot sa kanya ng regalo. Medyo naiilang ako at hindi kumportable ngayon hindi ko alam kung bakit. Kinuha naman nito ang regalong inabot ko at binuksan, hindi ko alam kung magugustuhan niya. Nagpatulong ako kay mommy para ireregalo ko dahil mukhang lahat meron na siya pero sabi kasi ni mommy kung ganyan ang ireregalo kahit madalas ng naireregalo.
"Nagustuhan mo ba?" nag-aalalang tanong, nakatingin lang ito sa hawak nito at tumingin saakin kaya lalo akong nailang.
"Bakit ito ang binigay mo saakin?"
"Ha? Meron pa ba yun? Yung mga bisita mo hindi mo tinanong kung bakit yun ang regalo nila sayo tapos ako.."hindi ako nito pinatapos. Ang ineregalo ko kasi sakanya ay isa kwintas na may disenyong dahon na ginto. Sinabi lang saakin ni Mommy na kwintas na lang ang ibigay dahil wala ng oras para mag-isip pa na babagay sakanya at ako ang pumili ng disenyo nito. Simple lang yun.
"Well I'm just curious." Anong sasabihin ko na nagpatulong lang akong naghanap ng ireregalo.
"May nakapagsabi kasi saakin na ang simbolo niyan ay kasiyahan at kalakasan." Simpleng sagot ko. Hindi ko alam kung saan ko na hugot iyon pero parang may nagsabi na rin saakin na yun. Alam kung hindi si mommy dahil ako mismo ang pumili ng disenyo. Tumango naman ito sa sagot ko mukhang nabenta sakanya ang sinabi ko. Nagpasalamat naman ito at inabot saakin ang regalo nito kaya naman nagtaka ako kung bakit nito ibinibigay muli.
"Bakit ibinabalik mo? Hindi mo ba nagustuhan?" Nag-aalalang sabi ko sakanya. Sabi na nga pangit ang napili ko.
"Tsk, Hindi. Isuot mo saakin." Masungit nitong sabi.
"Huh?"
"Ulitin ko ba uli? Ikaw ang magsuot saakin nito." Nagtataka man ay sinunod ko na lamang ang sinabi nito. Nakita ko naman ang maliit nitong ngiti sa labi niya pero agad rin nitong inalis akala niya siguro ay hindi ko iyon nakita.
#Late update.. enjoy summer gurlzzzz!!!!