*Ciara*
Kasalukuyang naglalakad kami sa pasilyo papuntang kainan. Halos lahat ng nadaraanan naming kamag-aral namin napapatingin sa gawi ko. Siguro dahil sa mainit paring usapin tungkol sa nangyari ilang linggo na nang nakakalipas. Ang iba tingin saakin ay malandi lalo na ang mga babaeng kamag-aral ko. Hindi ko na lang pinapansin yun dahil wala namang sense kung papatulan ko pa sila.
"Tiara, wag mo na silang pansinin, tara na." – Rinig kong sabi ni Lorrena. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito. Umupo naman kami malapit pinto ng kainan, may mga nakalagay ng pagkain doon para saamin kaya hindi na kami mahihirapang kumuha ng pagkain dahil may mga tagapagsilbi rito.
"Hanggang ngayon mainit pa rin ang usapan tungkol sainyo Tiara. Anong gagawin natin? Baka nakarting na rin sa mga palasyo natin lalo na sainyong palasyo."- nag-aalalang sabi ni Ervina. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong gagawin at sasabihin ko. Alam kong nakarating na yun sa palasyo lalo pa alam ni Arya ang lahat ng nangyayari dito imposibleng hindi siya magsumbong. Hinihintay ko na lang ang susunod na hakbang nila. Pero, may mas inaalala pa ako baka agaran nila akong ipakasal sa prinsipeng yun nang wala pa akong malinaw naalala. May mga panaginip ako, hindi ko alam kung totoo ang mga yun pero mukhang nasa ibang lugar ako at wala rito ang buhay ko. Kailangan kong malutas na lahat ng ito.
"Tiara, nakikinig ka ba?" Napatingin naman ako kay Ervina at Lorrena na nakatingin saakin ng nagtataka.
"May sinasabi ka ba?"
"Sabi na nga ba hindi ka nakikinig. Ang sabi namin anong ireregalo mo kay Prinsepe Ervis sa darating na kaarawan niya sa susunod na linggo na iyon?"-Ervina
"Kailangan pa nun, saka wala naman akong balak pumunta."- walang ganang sabi ko, Anong akala niya pupunta ako doon.
"Imposible, ikaw ang mapapangasawa niya. Hindi hahayaan ng palasyo niyo na hindi ka sumipot sa araw na iyon. Halos lahat ng palasyo rito inimbitahan."- Lorrena
"Tama si Lorrena, kapag hindi ka sumipot iisipin ng ibang kaharian na hindi mo nirerespeto ang ang kaharian nila."- Ervina. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil tama naman sila baka ano pang isipin ng iba tungkol saakin. Kahit labag sa kalooban ko wala na akong magagawa kundi pumunta.
"Prinsepe Ervis, Anong ginagawa niyo rito?"- Bigla naman akong napatingin dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang nakalapit na pala ang grupo nila Ervis rito. Hindi naman ito nagsalita sa sinabi ni Ervina at umupo sa bakanting upuan na katabi ko. Umupo na rin ang ibang prinsepe saamin. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos dahil sa palagay ko pinapanuod niya parati ang galaw ko. Kahit nasa malayo lang siya hindi rin ako makakilos.
"Umupo kami rito dahil baka may umaaligid sa magiging reyna ni Ervis, Hindi ba Mahal na Prinsepe." Rinig kong tukso ni Prinsepe Vindict at bigla silang nagtawan maliban saaming magkakaibigan at si Ervis na tahimik lang rin sa tabi ko.
"Tama na yan, naiilang na ang mga prinsesa saating kasiyahan. Wag kayong mailang saamin dahil simula ngayon maraming beses niyo na kaming makakasama dahil yun ang utos ng Magiging Hari. Kaya masanay na kayo sa presenya naming lahat."- Sabi naman ni Prinsepe Renzo.
"Kailangan niyo ba talagang gawin ito? Wala naman kaming ginagawa masama at makakasira sa reputasyon mo." Biglang sabi ko kay Ervis. Seryoso naman itong nakatingin rin saakin.
"Wala nga ba? Malay ko bang may mga umaaligid muling mga hayop sa paligid."- Walang ganang sabi nito. Napailing na lang ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa niya at nasasabi niya ang mga ito.
"Uhmmm, mukhang nakakalimutan niyo atang nasa hapagkainan tayo ngayon. Kailangan nating respetuhin ang inihandang pagkain saatin."- lakas loob na sabi ni Lorrena kaya naman natahimik kaming lahat. Kumuha naman ako nang makakain ko at tahimik na kumain pero napansin kong hindi pa kumukuha si Ervis nang pagkain nito kaya napatigil ako.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko rito, kung hindi naman pala siya kakain bakit nandito pa siya nag-aaksaya lang ng oras.
"Hindi kumakain yan si Ervis kung walang naghahain sakanya ng pagkain. Hihintayin niya ang tagpagsilbi. Hayaan niyo yan kumain lang kayo." – sabi ni Prinsepe Roman. Ano? Masyado naman na ang katamaran niya at kailangan pagsilbihan siya saan siya magpunta. Baka gusto pa niyang subuan siya, grabe kung ito lang rin ang mapapangasawa ko tatanda ako nang maaga. At bakit ko ba naiisip yun.
Hindi ko alam pero bigla na lang gumalaw ang mga kamay ko at pinagsibihan ko siyang kumuha ng pagkain niya. Hindi ko alam kung may darating pang tagpagsilbi o matatagalan pa pero baka tapos na kaming kumain pag nangyari yun. Nakita kong nakatingin rin ang mga kaibigan ko sa ginagawa ko pero hindi lamang sila nagsalita pa.
"Oh, kumain ka na, wag mo nang hintaying may magsisilbi pa sayo." Masungit na sabi ko. Hindi na ito nagsalita pa at kumain na rin tahimik lang ang mesa namin mga kubyetos lamang ang tanging naririnig. Pero nawala rin iyon nang magsalita si Prinsepe Renzo.
"Siya nga pala Ervis, nalalapit na ang iyong kaarawan anong balak mo para doon?" sabi nito, kaya napatingin naman ang ibang kaibigan nito sakanya pati na rin ang mga kaibigan ko ay naging interasado na rin maliban sa akin na nagpapangap na wala akong narinig na pinag-usap nila. Dahil wala naman akong pakialam doon ano bang malay ko sa celebration na ginaganap nila dito.
"Tulad pa rin naman nang dati wala namang bago doon." Walang pakialam nitong sabi at ibinalik nito ang atensyon sa kinakain niya.
"Pero maraming haka-haka na doon na rin daw gaganapin ang iyong pagiging isang Hari. Tama ba?" bigla naman akong napatigil pero hindi ko ipinahalatang nakuha nila ang atensyon dahil sa topic na yun. In that case there's a posibility na aagahan na rin nila ang sinasabi nilang kasal para saamin. No, this not going to happen, hindi pwede kailangan ko munang malutas lahat ng bumabagabag saakin. Haga't maaga kailangan ko nang makahanap ng solusyon.
"Ikaw Prinsesa Tiara. Handa ka na bang maging asawa nang magiging hari natin?" tukso ni Prinsepe Vendict hindi ko naman siya sinagot at inirapan ko lang ito na siya ikinatuwa niya.
"Mauuna na kami, may klase pa kami. Kinagagalak naming makasalo kayo ngayong umaga."- kahit labag saakin kailangan respetuhin ko pa rin sila. Tumayo naman ako sinenyasan ang dalawang kaibigan ko na hindi pa tapos kumain pero alam nila ang ipinapahiwatig ko kaya sumunod na rin nagpaalam na rin sila. Hindi naman kami pinigilan ng mga prinsepe pero may huling sinabi pa si Prinsepe Ervis bago kami makaalis.
"Magkikita tayo." Yun lamang pero hindi ko na siya tinignan pang muli.
***************************************************************************
"Halos hindi ako makahinga pag naroon sila. Paano na lamang yan, parati na nating makakasalamuha ang isa sa kanila."- nag-aalalang sabi ni Ervina. Nasa silid aralan na kami nang mga oras na yun at katatapos lang nang huli subject namin. Nag-aayos na kami para pumunta sa kanya-kanya naming silid dito sa eskwelahang ito. Dahil nga ang dinner namin ay ihahatid na sa kanya-kanya naming kwarto hindi na namin kailangan pang pumunta sa silid kainan(cafeteria).
"Umakto na lamang tayong hindi apektado sa prisensya nila. Mukhang si Tiara ay hindi naman gaanong apektado na. Natutuwa talaga ako sa ipinagbago mo pero minsan iniisip ko kung bakit ibang-iba ang akto mo kesa dati. Ang alam ko naman kahit mawalan ka nang memorya ka hindi naman siguro ang ugali ang mawawala pero unti-unting kang nagbabago Tiara. Hindi ko tuloy malaman kung maganda nga bang epekto iyon o hindi."- Natahimik naman kami ni Ervina sa sinabi ni Lorrena dahil base sa kwento nila saakin dati hindi naman talaga ganito ang ugali ko pero kinakaya kong maging ako dati sa kwento nila pero hindi ko kaya. Parang yun na talaga ang lumalabas na ugali kung ano man ang pinapakita ko sakanila.
Hanggang sa makalabas kami ng silid, malalim pa rin ang iniisip ko tungkol sa sinabi ni Lorrena. Nabalik na lang ako nang bigla silang huminto kaya napahinto rin ako sa paglalakad at tinignan sila. Nakatingin naman sila sa mga kawal na nasa harapan namin. Nang makita nila kami ay umuko sila bilang tanda ng respeto kung anong antas namin.
"Magandang gabi sainyo mga prinsesa, kailangan lamang namin suduin si Prinsesa Tiara." Sabi ng isa sa mga kawal mukhang siya ang pinaka mataas na antas sakanila.
"Bakit kailangan niyo akong sunduin?" – Nagtatakang sabi ko sakanila.
"Ipinapasundo lamang kayo ni Prinsepe Ervis. Para sa silid niya ho kayo maghapunan at kung hindi raw kayo sasama saamin mapaparusahan kami."- Huh! What a jerk alam talaga nitong hindi ako sasama sakanya pero gumamit siya nang ibang tao para ipangtakot saakin dahil alam niya ayukong may nasasaktan lalo na dahil saakin. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na kailangan ko nga nang sumama sakanila at naiitindihan naman nila. Nagpaalam na kami sa isa't isa at sumabay sa mga kawal tahimik lang kami habang binabaybay ang pasilyo papunta kung saan kami dapat pumunta.
Nang makarating kami nagpasalamat lang ako sakanila at ipinagbuksan nila ako nang pinto kung saan ang kwarto ni Ervis. Tuluyang pumasok na ako sa kwarto niya pero hindi makita ang presensya nito. Ilang beses na akong nakapasok dito kaya alam ko kung saan ako pupunta.
"Mabuti naman at nakapunta ka." Rinig kong sabi nang isang boses kaya napatingin naman ako kung saan ito nanggaling. Then I saw him na kakapasok lang nito sa silid niya mukhang katatapos lang nang klase nila. Dahil may dala itong isang libro, nakita ko namang inilapag nito sa nadaan niyang mesa bago lumapit ito saakin.
"As if I have a choice." Nasabi ko, hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko nun.
"Ano sabi mo?" nagtatakang sabi nito. Para bang nakarinig ito ng alien language sa sinabi ko.
"Wala, akala ko ba maghahapunan ako rito? Nasaan ang mga pagkain?"- nababagot na sabi ko. Kung magkwekwentuhan lang naman pala kami dito sana sinabi na nito nang diresto hindi yung ganito.
"Pumunta ka na sa balkonahe, hintayin mo ako roon. Ipinapahatid ko na ang pagkain natin." Napairap naman ako sa sinabi nito pero wala na akong nagawa. Paglabas ko sa balkonahe nito nakita ko agad ang ganda ng tanawin. Napakapayapa lang ng palagid lalo na at gabi na. Matagal na rin nang huli rin akong dumungaw uli sa labas ng kastilyong ito. Hindi ko alam kung ilang linggo na ba. Naputol ang pagmumuni ko nang nakita kong pumasok ang mga tagapagsilbi para ilagay at ayusin ang pagkakainan namin. Siguro kung sa ibang pagkakataon iisipin kong magdedate kaming dalawa ni Ervis dahil ang ganda nang venue at napaka romantic nang tignan ng paligid pero hindi. Pagkatapos nilang mag-ayos nagpaalam na sila pero wala pa rin si Ervis inisip ko tuloy kung mauuna na ba akong kakain tutal sinabi naman niyang dito ako kakain at wala siyang sinabing sabay dapat kaming kakain. Sakto namang nakapagdisisyon na ako nang dumating ito kaya hindi ko naituloy ang balak ko sana.
Umupo na ito kaya umupo na rin ako hindi ko na aasahang magiging gentleman siya. Napakatahimik na nga nang paligid lalo pang nadagdagan ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging mga kubyertos lang at mga insekto sa paligid ang maririnig mo. Hindi ako sanay na may nakakasabay akong kumain lalo na kung lalaki ito at idagdag pa na hindi naman kami magkasundong dalawa.
"Hindi ibig sabihin na pinapunta kita rito ay para makipagmabutihan sayo." Napahinto naman ako sa ginagawa ko nang mag-umpisa itong magsalita. Alam ko namang may dahilan kung bakit nandito ako ngayon gusto ko lang malaman ay kung ano nga ba ang dahilan niya. So I guest sasabihin na nga niya. "Umabot na ang balita sa kanya-kanya nating kaharian ang ginawa niyong karumaldumal at kalapastangan." What! Karumaldumal na agad yun. Saka hindi ko naman alam na mangyayari yun.
"Teka ka nga, Hindi ko gusto yung nangyaring at hindi ko rin alam na gagawin niya yun kaya wag mong iisipin na ginusto ko yun." Depensa ko. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sakanya isa nga pala siya sa mga tao rito na may saradong isip kaya kahit anong paliwanag mo sakanya kung ano man ang nakita niya yun na agad ang paniniwalaan niya. Katahimikan agn bumalot saamin pagkatapos nang pag-uusap na yun. Hindi ko alam pero ko na balak makipag-usap pa sakanya dahil baka hindi ko na makayanan hindi ako makapagtimpi sa ugali niya. Hindi ko alam kung paano ako aalis dito nanghindi muli kami nag-aaway.
"Siya nga pala bago ko makalimutan, sasama ka saakin sa susunod na linggo. Hindi mo na kailangang pumunta sa kaharian niyo dahil nasabi ko na rin sa Hari at nakapagpaalam na ako."- iginilid nito ang ginamit na kubyertos tanda na tapos na itong kumain. Tumingin naman ito saakin nang makitang hindi ako sumagot sakanya. Tatanungin ko sana kung bakit kailangan ko pang sumama pero nanatili na lang akong nanahimik. Hindi pa ako natapos kumain nang iginilid ko na ang kubyertos na ginamit ko sa gilid ng plato nakita naman yun ni Ervis at tumingin saakin nang nakakunot.
"Hindi ka pa tapos kumain, hindi mo ba nagustuhan ang mga nakahanda?" nagtatakangtanong nito. Napakagat naman ako nang ibabang labi ko dahil masarap naman ang mga pagkain yun nga lang hindi komatagalan ang mga karne halos lahat karne ang nakahain. Kaya mga gulay lang ang kinuha ko. Halos maubos ko na nga lahat ng gulay at naiwan na lang ay mga karne. Hindi ko ba alam pero hindi ko feel kumain nang meat kahit anong gawin ko.
"Pasensya na, nagustuhan ko naman ang mga nakahain pero hindi ako kumakain nang karne." Deretsyong sabi ko rito, nakita ko naman itong napakunot ng noo pero wala naman itong sinabi pa. pinunasan ko ang gilid nang labi ko gamit ang serbiliyeta. "Tapos na akong kumain, Pwede na ba akong umalis?"
"Ipapahatid na kita." Sinabi nito, bago pa ako makatangi tumayo na ito at may kasama agad na kawal nito kaya wala na akong nagawa pa.
"Maraming salamat sa hapunan." Magalang pa ring pasasalamat ko sakanya. Hindi ko na hinintay pa itong sumagot kaya umalis na ako.