*Tiara*
"Saan ba tayo pupunta Trevor?" Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan nito habang siya ay nagmamaneho. Hindi ko alam kong saan kami pupunta at ilang ulit ko na ring tinanong kung saan kami pupunta. Pero ang lagi lamang niyang sagot ay basta o kaya naman ay isang ngiti. Kaya naman kinikilabutan ako sa inaasal niya sakatunayan ilang linggo na rin kaming lumalabas na dalawa at parati naman kaming pinapayagan ni Mama.
"Basta. Akong bahala sayo." At ngumiti nanaman ito saakin kaya naman. Nag-aalala na ako dahil para bang ibang Trevor ang kasama ko sa ngayon at sa mga nakaraang linggo. Pero kahit ganun natutuwa na rin ako dahil unti-unti kong nakikita ang tunay na ugali talaga niya.
Tumahimik na lamang ako dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot pa sakanya. Masasayang lamang ang laway ko.
"Wag kang mag-alala akong bahala sayo. Magugustuhan mo yung pupuntahan natin." Tumango naman ako sakanya dahil meron naman ako tiwala sakanya. Sa ngayon malaki ang tiwalang ibibigay ko sakanya sana nga lang hindi niya baliin iyon. Nakarating naman kami sa aming pupuntahan. Kinuha lahat ni Trevor ang bagahe namin gusto ko sana itong samahan pero tumangi ito buti na lamang at may tumulong sa kanya.
"Saan ito?" tanong ko sakanya habang nililibot ko ang paningin ko. Masasabi kong maganda ang lugar na ito.
"Nasa isang resort tayo. Isa sa mga resort nang kaibigan ko, for sure nandito na sila. Tara pumasok na tayo." Sumunod naman ako sakanya. Pumunta ito sa front desk at kinausap doon ang isa sa mga staff. Pero habang papalapit ako parang hindi maganda ang napag-uusapan na nila. "Hindi pwede, bakit wala nang vacant room hindi ba nasabi sainyo na dalawa kaming pupunta rito." Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha ni Trevor.
"Trevor, okay ka lang ba?"
"Oo, may maliit na problema lang. Sandali lang may tatawagan ako." Sabi nito, hindi ko naman na siya pinakialaman pa at umupo lang sa visitor area nila. Makikita sa mukha nito ang pagkainis sa hindi ko malamang dahilan. Maya-maya pa'y ibinaba na nito ang telepono at lumapit saakin magtatanong pa sana ako nang bigla na lang hinila niya ako patayo at naglakad kung saan may kinuha ito sa staff na malait na bagay at dumeresto kung saan. Binuksan nito ang pinto at pinauna akong pumasok.
"for the mean time dito ka muna habang wala pang nagchecheck out." Medyo hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito pero tumango na lang ako.
"Hangang kailan ba tayo rito?"
"Tatlong araw lang tayo dito. Wag kang mag-alala ipapasyal kita sa mga alam kong magagandang lugar dito. For sure magugustuhan mo doon." Sabi nito sabay ngiti. Bigla naman akong namula dahil sa ngiti niya hindi ko alam pero hindi ako sanay na ganito akong tratuhin ni Trevor. Nagsimula lahat nang ito ng ipagdiwang niya ang kaarawan niya. Lang linggo na rin ang nakalipas yun.
Nagpahinga lang kami nang mga ilang oras saka kami lumabas. Sinabi nitong nandito na raw ang mga ibang kaibigan nila at may gusto itong ipakilala saakin. Pumunta kami sa isa sa mga restaurant doon ayon na rin kay Trevor noong tinanong ko siya. Hindi na nga ako nagkamali at nandoon na ang mga kaibigan niya at may mga kasama rin silang ilang mga babae.
Bigla namang binitawan ni Trevor ang kamay at lumapit sa mga kaibigan upang magbatihan ipinakilala rin niya ako sa ilang mga kaibigan niya. Kaya malugod ko naman iyong tinanggap.
"Trevor? Oh my god. It's really you." Biglang sabi nang isang babae at masayang niyakap si Trevor gumanti rin ito sa pagyakap sa babae. Bigla tuloy akong nailang dahil sa suot ko hindi tulad nang nasa harapan ngayon ni Trevor na nakakapukaw talaga ang itsura at pananamit nito.
"Sandy, How I missed you. " Sabi ni Trevor na mukha ring masaya. Bigla tuloy akong na OP. Naalala kong sabi ni Megan dati Out of Place daw. Kahit papaano marami-rami na rin ang natutunan ko sakanila. "Siya nga pala, I want you to me someone," sabi ni at hinala ako. Nakita ko tuloy nang malapitan ang sinasabi nitong Sandy. Nakaheels ito nang hindi ko alam kung ilang pulgada pero nang magkalapit kaming dalawa nalaman kong magkapantay lang kami pero kung hindi ito nakaheel malamang sa malamang ako ang matangkad saaming dalawa.
Mukha itong anghel kung titignan pero kahit gaano kaamo nang mukha nito hindi ko alam kung bakit hindi ako palagay na nandito ito at mukhang hindi kami magkakasundo. Sana huwag naman.
"Sandy, this is Ciara. Ciara si Sandy childhood friend ko." Pakilala ni Trevor. Inabot ko naman ang kamay ko pero hindi nito tinanggap. "It's nice meeting you Ciara." Ngiting sabi nito hindi ko alam kung totoo ba ang ngiti niyang iyon pero inalis ko na lang sa isipan ko yun at binaba ko na lamang ang kamay ko.
"Nice meeting you too Sandy." Naiilang sabi ko. Nawala naman na ang atensyon saamin nang magsalita ang isa sa mga kaibigan ni Trevor na si Brad. Na gusto raw na nitong magswimming tamang –tama at palubog na rin ang araw kaya hindi na masakit sa balat ang araw. Napag-isipan nilang magbonfire daw hindi ko alam kung ano iyon sabi lang ni Trevor na sumama lang daw ako at doon na rin kami kakain nang hapunan dahil mag-iihaw sila. Mukha naman masaya yun kaya sumang-ayon na rin ako.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nandito na ako sa may dalampasigan kung saan kami magkikita lahat. Kaming mga babae lang ang pinauna nila dito dahil kukunin nila ang mga kakailangin daw sa pag-iihaw at mga pagkain namin. Umupo naman ako sa shed namin habang naghihintay ang ibang mga babae kasi ay nauna na silang lumangoy sa dagat. Halos lumabas na ang mga kaluluwa nila dahil sa mga suot nila kasama doon si Sandy. Nakabikini lang naman sila at hindi kaya nang sikmura ko na magsuot nang ganyan kaya kung saan na lang ako kumpotable yun lang ang sinuot ko.
"Hi, wala ka bang balak maglangoy?" Napatingin naman ako sa nagsalita alam ko isa siya sa mga kasintahan ng kaibigan ni Trevor. "Ahm, sorry hindi pa ako nakakapagpakilala sayo. I'm Alice. Gf ni Brad." Nahihiyang pakilala pa niya.
"Ahm nice meeting you Alice. Ciara nga pala." Abot ko nang kamay.
"It's nice to finally meet you. Halos bukang bibig ka na nga nang team ni Trevor dahil ngayon lang namin nakitang ganun si Trevor. Nakikipag-usap na siya sa mga kaibigan niya at mas natutuwa na kami dahil sumasama na siya sa mga ganitong outing." Kwento pa nito ngumiti naman ako. Pero bakit hindi ko namang naisip na hindi madaldal si Trevor ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay mapang-asar na tao. Kumbaga pilyo siya. Pero hindi ko alam na tahimik daw pala siya.
"Ah, ganun ba."
"Kaya nga ang swerte nang boyfriend mo sayo."
"Huh? Mukhang nagkakamali ka hindi..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may umakbay saakin. Kaya naman napatingin ako kay Trevor na siyang naka-akbay.
"Nagugutom ka na?" tanong nito. Umiling naman ako sakanya medyo marami kasi ang nakain ko kanina nang nasa biyahe kami ayaw kasi ako nitong sagutin kung saan niya ako dadalhin kaya sa inis ko pinagdiskitahan ko ang mga pobreng pagkaing dala niya at hindi ito kinausap. "Magswimming gusto mo?" umiling rin ako, wala ako sa kalagayan na lumangoy.
"Pasensya na. Gusto ko lang pagmasdan yung paglubog nang araw." Derestong sabi ko. Mas natutuwa kasi ako na nakikitang lumubog ang araw lalo na pag nasa balkonahe ako nang kastillo. Bigla naman akong napahinto. Hindi ko alam bakit biglang sumagi sa isip ko yun. Na pinagmamasdan ko ang araw habang nakatanaw lang ako sa balkonahe nang kastillo? Alam ko paaralan yun. Doon kami na natili. Bigla naman akong kinabahan dahil sa mga ala-alang sumagi sa isapan ko.
"Ciara? Ayos ka lang?" bigla namang nabalik ako sa wisyon ko nang tinawag ako ni Trevor. Pero imposible yun wala namang palasyo rito. "Kanina ka pa nakatulala. Lumubog na yung araw." Makikita sa mukha nito ang pag-aalala.
"Ayos lang ako. Ikaw hindi ka ba lalangoy kasama nang mga kaibigan mo?" pag-iiba ko nang usapan.
"Mamaya na siguro. Tara maglakad muna tayo." Sabi nito at hinila na naman ako. Kahit lumubog na ang araw makikita pa rin ang ganda nang dagat at lugar dahil sa mga ilaw na nakakalat sa palagid. Masyadong tahimik at parang walang problema ang dagat. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Pinakikingan ang hampas nang alon sa dagat. Ang ganda lang pakinggan.
"Ang ganda, Sana ganito lagi." Bigla na lamang nasabi ko naramadaman ko namang tumigil si Trevor dahil nga hawak nito ang kamay ko kaya napatigil na rin ako at tinignan siya.
"Yun din ang gusto kong mangyari, Sana ganito tayo lagi." Tuloy-tuloy nitong sabi. Nakaramdaman ako nang kaba hindi ko alam kong bakit. Hindi yung kaba na natatakot ka pero yung naramdaman ko ay parang nagagalak na naghihintay kung may iba pang kasunod ang sasabihin niya. "Ciara, pwede bang wag kang aalis sa tabi ko. Dahil sa tingin ko nagugustuhan na kita. " Seryosong sabi nito. At naramdaman ko naman ang kabang natutuwa. Ang bilis nang t***k nang puso ko para akong tumatakbo pero nakatayo lamang ako kaharap siya. Magsasalita na rin sana ako pero bigla akong napatigil dahil sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit halos wala na rin akong maramdaman basta ang alam ko ay may mga tao na rin sa paligid ko pero bago ko pa maisara ang mga mata ko. Naalala ko na ang lahat. Na meron ako at alam kong hindi mga illusyon ang mga yun.
***********************************************************************************************