CHAPTER 15

2190 Words
*Ciara* "Pwede na ho ba kaming pumasok mahal na Prinsesa?" Rinig kong sabi nang mga tagapagsilbi na nasa labas nang pinto nang silid. Isinuot ko na ang pinagawa nila para saaking gown. It's a gothic gown prinsesang prinsesa ang dating. Royal blue ito just like my favorite color. Masuri ang pagkakagawa at pulido ang bawat desenyo halatang ayaw masabihang na pangit na komento ang gumawa nito. "Sige, pwede na kayong pumasok." Kailangan ko rin kasi sila para itali ang lace sa likod nang gown na ito. "Napakaganda niyo ho. Mahal na Prinsesa Tiara." Tipid lang akong ngumiti sakanila. Pero itinago ko ang pagkadismaya sa pagtawag nila saaking Tiara. I already know everthing, pero hindi ako makaisip nang paraan para makaalis rito. Masyadong mahigpit ang pagbabantay nila saakin lalo na at masyado na silang naeexcite sa pag-iisang dibdib namin ni Ervis. Alam kong may kinalaman siya dito kung bakit masyadong mahigpit ang pagkakabantay saakin. Iniisip nitong tatakasan ko na naman siya o di naman kaya ay makikipag kita ako kay Prinsepe Ruke. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Kailangan ko na ring makita si Mommy. I really missed her so much. "Ito po mahal na prinsesa. Isusuot ko ho sainyo ang sapatos ninyo." Pinaupo naman nila ako at tinangal nito ang suot kong stilleto at isinuot ang panibagong stilleto. Nakita kong bagay na bagay nga sa damit pero hindi saakin. Naiisip ko palang na nagpapangap ako sa katauhan nang prinsesa nila. Para akong kriminal. Naguguilty ako dahil hindi naman dapat ako ang nandito a katayuan niya ngayon. Hindi ako dapat tawaging prinsesa dahil wala naman akong karapatan na tawaging ganun. Yun ang isa sa mga kailangan kong gawin ngayon. Kailangan mahanap ko rin siya. Pero paano ko gagawin yun? Humingi na lang kaya ako nang tulong kay Prinsepe Ervis. Pero baka pagnalaman niya nagpapangap lang ako. Ipakulong niya ako or worst ipapatay niya ako. Hindi pwede!. Sinong pwede kong hingian nang tulong. "Tiara! Narito na kami. Opps! Pasensya na akala namin ikaw lang ang tao rito." Nakita ko naman si Ervina at Lorreana. Si Ervina ang sumigaw kanina pero nang narealize niyang may ibang tao dito sa silid ko biglang naging mahihin ito. "Ikaw talaga Ervina, hindi ka nag-iingat. Baka akalaing asal hayop ang mga Prinsesa." Mahinang sabi ni Lorrena. Napangiti naman ako sakanilang dalawa. Ganun kasi kami kapag walang mga tao sa paligid at kami-kami lamang ang magkakasama first name bases ang itatawag namin para daw maranasan nila kahit papaano ang maging normal na mamayanan. Pero ako hindi naman ganito ang buhay ko. Alam kong hinihiram ko lang ang katauhan ni Tiara. Kung nasan man siya sana magpakita siya. Pero inaalala ko paano kung wala na nga siya. Makakabalik pa ba ako? "Ikaw ang aangat sa gabing ito, hindi lang sa damit at ganda mo pero may nakalap kaming mga balibalita na pagkatapos nang koronasyon iaanunsyo rin ang kasal ninyo ni Prinsepe Ervis. Handa ka na ba para doon?" Nakita ko ang pag-aalala nila saakin. Nalaman ko kasi na dapat ikakasal pa si Tiara after niyang makagraduate bali may isang taon pa sana yun pero dahil sa nangyari gusto nang mga matatanda na agahan na dahil nakakababa raw nang moral yun lalo na at para akong nagtaksil kay Ervis. "Hindi pa ako handa." Totoong sabi ko dahil wala namang mangyayari kong magsisinungaling pa ako. "May malaking problema pa akong kinanakarap." At this I feel weak. Ngayon ko lang uli nararanasan ito. Yung feeling na wala kang makapitan. Matatangap pa kaya nila ako bilang kaibigan nila kung nalaman nilang nagpanggap ako at hindi naman talaga ako ang totoong Tiara. "Kung kailangan mo nang tulong nandito lang kami Tiara." Assurance ni Lorrena ngumiti lang ako sakanya nang tipid. "Tama, kung may mga bumabagabag sayo. Wag kang magdadalawang isip na lapitan kami. Alam mo namang magkakapatid na ang turing natin hindi ba?" Ganyan pa rin kaya ang turing niyo saakin kapag nalaman niyo ang totoo. "Salamat. Sana kahit makagawa man ako nang kasalanan sainyo huwag niyo sana akong kamumuhian." Seryosong sabi ko. "Alam mo. Kung ano man yang problema mo. May solusyon diyan. Saka hindi ka namin kailanman kamumuhian alam namin merong dahilan kung bakit nangyari siguro yan."-Lorrena. "Ikaw talaga Tiara, hindi kami sanay na ganyan ang pag-uugali mo ngayon. Nasanay kaming masiyahin ka. Kaya ngumiti ka na diyan. Hindi ka pa naman bibitayin hahahahahaha. Magpapakasal ka palang pero hindi ka pa papatayin." Alam kong pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko pero bigla naman akong napaisip hindi pa nga ako bibitayin pero sa tingin ko malapit na. At hindi kami pwedeng ikasal ni Ervis dahil hindi naman talaga ako ang tunay na prinsesa. Kung mangyari yun baka hindi na nga ako mamakalis pa rito at lalong magkakagulo dahil kapag nagpakita ang tunay na prinsesa baka isumpa niya ako. Lumabas naman na kami sa silid nang malaman naming hinahanap na kami sa tinatawag nilang bulwagan. Bumababa na kami mula sa mahabang hagdan. Nasa likuran lang ako nila Lorrena at Ervina. Nasa huling palapag na kami. Sasabay na sana ako kila Lorrena nang may humawak sa kamay ko. Nakita ko naman kung sinong may gawa nun at walang iba kundi si Ervis. "Simula ngayon, huwag kang hihiwalay saakin." Seryosong bulong nito pero nakatingin naman ito sa harap habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pero hindi ko na kailangan pang magtanong dahil huminto kami sa isa mga mesa. Ipinaghila naman ako nito nang upuan kaya umupo na rin ako at tumabi ito saakin. Nakita ko naman sila Lorrena na nakaupo sa ibang mesa kasama ang mga magulang nila. Doon ko na realized na ang haba nang mesa namin pero dadalawa lang kaming nakaupo dito. May mga bakanti pa namang upuan. Kaya inisip ko ay nireserved siguro yan para sa iba. Pero hindi pa rin ako sanay dahil dalawa lang kami ni Ervis sa mesang to. "Kakain ka o susubuan kita." Bigla naman akong napatingin kay Ervis nang magsalita siya. Nakita ko naman itong kumakain na kaya naglagay na rin ako nang pagkain sa plato ko. Tahimik pa rin kaming dalawa dahil wala naman kami sasabihin o pag-uusapan man lang pero nawala ang katahimikan na yun nang dumating ang mga magulang namin. Binati namin ang mga ito at pinaupo. Nasa side ko ang umupo ang mga magulang ko kasama rin pala nila si Erah. Muntik ko nang makalimutan na may anak pa pala sila. "Natutuwa akong makita muli. Prinsesa Tiara." Pagbati nang Ina ni Prinsepe Ervis. Ngumiti naman ako sakanya. Ngayon ko lang siya nakita pero siguro nang nandito pa ang tunay na Tiara nagkikita na sila. Pero hindi ko muna pwedeng ipahalata na hindi ako ito. "Ako rin po mahal na reyna. Kinagagalak ko pong makita kayo at kayo rin mahal na hari." Yumuko ako nang konti para magbigay galang. Kamukha ni Prinsepe Ervis ang Ama nito. Pero mas nakakatakot ang itsura nito kumpara kay Ervis para bang isang pagkakamali mo lang ipapatay ka niya. "Ako rin mahal na prinsesa. Kinagagalak kong makita ka." Walang emosyon nitong sabi. Nagtindig tuloy ang mga balahibo ko. "Huwag kang mahihiyang magsabi nang gusto mo mahal na prinsesa. Dahil simula ngayon magiging parte ka na nang palasyong ito at magiging isang pamilya na tayo." Mahihing sabi nang Reyna. Napangiwi naman ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. "Marami kaming napag-usapan nang iyong Ina para sa kasal ninyo ni Prinsepe Ervis. Saka nalamang natin tatalakayin iyon kapag natapos nang koronahan ang Prinsepe." Masayang sabi pa nito pero nandoon pa rin ang pagiging elegante niya hindi tulad namin nila Lorrena kapag kami-kami lang ang magkakasama nawawala ang pagiging prinsesa namin. "Hindi na nga ako makapaghintay pa. Kung pwede lamang ay pagkatapos nang Koronasyon at saka sila magmakasal. Kaya lamang may mga alituntunin tayo kailangan sundin."- komento naman nang aking Ina or should I say Ina ni Prinsesa Tiara. Nasanay rin tuloy ako kahit papano. Mabait rin naman kasi ang ina niya. Wala naman siyang ipinakitang masama saakin. Alam kong mahal na mahal niya ang anak niya. Maya-maya pa'y nag-umpisa na talaga ang totoong pagdiriwang. Pumunta na sa harap si Prinsepe Ervis kasama ang ama nito at isang Priest upang magbasbas sakanya. Maraming seremonya ang nangyari kaya umabot nang ilang mahigit isang oras. Akala ko hindi na ako makakakita nang totoong binabasbasan na Hari. Parang sa TV at sa mga nababasang novel ko lang nakita ang mga ito pero ngayon totoo ko itong nasaksihan. Part of me natutuwa akong napagtagumpayan ni Ervis ang mga ito ngayon. Alam ko kung gaano niya kahirap marating at makuha lang ang meron siya ngayon. Hindi ko man nasubaybayan yun. I know that he really did his best. Minsan pa nga nakikita ko siya kahit gabing-gabi na nag-iinsayo parin siya. Pinag-igihan niya ang lahat. Sabi nga nang mga ibang tao na siya raw ang pinakabatang kinoronahan. Hindi lang naman kasi basta kokoronahan siya nang ama niya. May mga pagsubok pa raw siyang kinaharap at napagtagumpayan niya iyo kaya heto siya ngayon. The fruit of labor. "Mabuhay ang bagong Hari nang Miradoňa!!!" Sa lalim nang iniisip ko hindi ko namalayang natapos na pala ang seremonya at nakoronahan na nga siya. Marami ang nagsasaya sa mga oras na ito. Pero hindi ko magawang magsaya gaya rin nila dahil alam ko ang ibig sabihn nang susunod nito. Bigla namang tumahimik ang lahat halatang may hinihitay pang- anunsyo "Maraming salamat sa walang hangang paglilingkod at pagsusuporta sa kahariang ito. Marami ring salamat sa mga dumalong mga panauhin sa iba't ibang panig nang kaharian nila. Bilang bagong hari nang Kaharian ito hayaan niyong ipagpatuloy ko ang maayos na hangarin nang ating hari. Naway tulungan niyo rin ako upang lalo pang mapabuti ang ating kaharian. At hindi lamang ito ang ating ipagdiriwang sa gabing ito dahil hindi lamang ito simpleng koronasyon. Kundi gusto naming ianunsyo sa lahat na ang Prinsesa ng Ureňa na si Prinsesa Tiara at bilang bagong hari ng Miradoňa ay nakatakdang mag-iisang dibdib. Inaasahan naming kayong lahat na masaksihan ang pag-iisa naming dalawa" Mahabang paliwanag nang Ama ni Ervis, kahit nasabihan na ako kanina hindi ko pa ring maiwasang magulat sa mga salitang binitawan niya. Nakita ko namang napatiim si Erah at nang makita niya akong nakatingin tinignan niya ako nang masama at umalis sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung saan ito pupunta at wala akong pakialam. Isa pa siya sa mga problema ko dito, alam kong malaki ang galit niya kay Prinsesa Tiara. "Mabuhay ang Bagong Hari!!" "Mabuhay ang Miradoňa!!" "Mabuhay ang Urreňa" Matapos ang coronation nag patuloy pa rin ang celebration halos lahat nang tao rito ay nagkakasiyahan. Pero hindi ko magawa yun sa sarili ko. Sila Lorrena at Ervina ay inayang makipagsayawan kaya hindi na sila nakalapit dito. Ang Hari ay isinayaw ang Reyna na malugod rin niya tinanggap. How I also wished that I have a father. Namiss ko na rin bigla si mommy. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap niya rin ba ako? "Maari ko bang maisayaw ang magiging Reyna ko?" Nagulat naman ako nang may nagsalita sa harap ko. Hindi ko masabi kong bakit ang bilis nang t***k ng puso ko. Nakita ko naman si Prinsepe hindi pala si Haring Ervis na nakatayo sa harap ko at nakaabot ang kamay nito waring huhumihingi nang permiso. Gusto ko sana siyang tanggihan pero maraming matang natingin saamin at hindi ko alam kung bakit na saamin ang spot light na dalawa. Hinihitay naman niyang iabot ko rin ang kamay ko sakanya kaya wala na akong nagawa pa. Ayaw ko naman siyang mapahiya. "Pasalamat ka maraming tao." Bulong ko sa sarili. "May sinasabi ka?" Takang tanong naman nito. Umiling naman ako. Walang may balak magsalita saamin. Asa naman siyang ako ang kakausap sakanya. Sa dami nang ginawa niya saaking hindi ko gusto. Baka akalain niyang maging magkaibigan kami. "Congratulation, I mean... Agrrrr" napagat naman ako na ibang labi ko nang marealized ang mga pinagsasabi ko Ciara your so idiot. "Kinagagalak ko ho kayong batiin mahal na Hari." Pekeng ngiting binigay ko sakanya. Nakita ko naman ito natawa. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? May mali ba ako sa sinabi ko? "Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung anong lenguwahe ang iyong mga sinasabi" pero para banjg sarcastic iyon sa pandinig ko " at hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa pagkatao mo." Makabuluhan nito, natindig tuloy ang mga balahibo ko sa sinabi. Nakakahalata na kaya ito? O may alam na siya?. Bigla naman niya nilapit pa lalo ang katawan niya. Para tuloy magkayakap na kaming dalawa habang sumasayaw. Hindi ko alam sa sarili ko bakit hindi kayang itulak siya but one thing is for sure I feel like I'm safe. I never feel this before specially with an oppisite gender. "Pero isa lang ang natitiyak ko. Hindi ka makakatakas sa kasal na ito." No, hindi pwedeng mangyari ito. Kailangan ko na talagang makaisip nang paraan para matapos na ito. Kung kailangan kong bumalik uli sa kaharian nila Tiara gagawin ko. But I don't know theres a part of me want to stay. ***********************************************************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD