CHAPTER 16

1409 Words
*TIARA* Nagising ako na maraming aparato ang nakakabit saakin. Inilibot ko ang tingin ko at laking pasasalamat ko na nasa kwarto ko ako pero bigla rin akong napatigil nang maalala ko ang lahat nangyari saakin. Tinitignan ko ang babaeng nasa isang malaking larawan. Kung titignan mo akong-ako siya pero dahil sa laki nang larawan niya sa loob nang kwartong ito nakita ko na ipinagkaiba naming dalawa. Noon hindi ko lang pinapansin ang larawan na ito pero simula nang malaman ko ang nakaraan ko doon ko lahat napagtanto ang pagkakaiba naming dalawa. Napakatsokolate nang mga mata yung tipong itim na ito kapag napunta siya sa madilim na parte samantalang makasalalungat lamang kami. Samantalang may balat itong hugis korona sa bandang balikat niya kita iyon dahil sa laki nang larawan niya pero siguro kung nandito ito ngayon hindi siya gaanong kita dahil maliit lamang yun. May ganun rin akong balat sakanya pero nasa kanang bahagi ng balikat ko iyon samatalang nasa kanan ang nasa kanya. At ang huling bakakaiba namin ang presensya niya napakatapang, iyong tipong matatakot ang mga lalapit saakanya. Para bang nasa kanya ang awtoridad. Samantalang naalala ko dati ang sinabi nila Lorrena saakin na napakaamo raw nang mukha ko at para bang kapag may hiniling ako ay maibibigay nila o di naman kaya ako raw ang tipo na kapag may kasalanang nagawa mas paniniwalaan raw nila ako dahil sa amo nang mukha ko na para bang sa ilang sigundo naiiyak raw ako. "Maayos na bang kalagayan mo?" hindi ko naradaman ang presenya niya dahil sa lalim nang iniisip ko. Napatingin ako sakanya. Hindi kaya may alam na siya kung sino talaga ako. Dahil kong anak niya talaga ako malalaman niya kung sino talaga ako. Pero ilang buwan ang lumipas tila ba wala akong nararamdamang iba at hinayaan niya lamang ako bilang ako. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kamukhang kamukha niya si Ciara. Pero dahil kamukha ko rin si Ciara hindi rin nalalayo ang pagkakahawig naming dalawa. Napakagaan nang pakiramdam ko sakanya. "May masakit ba sayo? Pinag-alala mo akong mabuti...Anak." Lumapit ito at niyakap ako nang mahigpit. "Huwag mo akong iiwan." Makahulugang sabi nito. Hindi ko alam sa mga salitang binitawan niya para bang may iba pang kahulugan iyon. "Sabihin mo saakin may......May naalala ka na ba?" Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Para bang may nalalaman na itong hindi niya sinasabi. "Baka ho ako ang dapat magtanong.. May dapat ho ba akong malalaman? May hindi ho ba kayo sinasabi saakin?" Pagkagulat naman ang nakita ko sa mga sandaling iyon pero bigla itong napalitan muli nang pag-aalala. "Ano bang sinasabi mo..Ciara?" kahit sa pangalan hindi niya rin ito masabi nang matuwid dahil alam niyang hindi ako ang anak niya. "Alam niyo hong hindi ako ang totoong anak niyo.. Sa umpisa pa lang, hindi ho ba?" "Hindi totoo yan.. Anak kita." Nag-umpisa na itong lumuha. Sa mga sandaling yun gusto ko siyang yakapin tulad nang ginagawa ko kay Ina. "Hindi po ako galit sainyo, katunayan ho niyan nagpapasalamat pa po ako dahil kinupkop niyo ako., inalagaan bilang isang anak. Kaya maraming salamat po." "No, you can't understand now. Pero nasisiguro ko na ikaw ang anak ko." Lumapit ito at niyakap ako. "I'm sorry, Sa lahat nang pagkukulang ko sayo. Patawarin mo ako anak. Balang araw ipapaintindi ko lahat-lahat sayo. Please just give me a time." Tumango naman ako kahit may pagkalito sa mga sinabi niya. "Ilang oras ho akong natulog?" pagpapalit ko nang usapan. Marami akong gustong itanong sakanya pero satingin ko siya lang ang makapagbibigay saakin nun. Marami nang pumasok sa isip ko pero gusto kong makumperma mula sakanya ang mgs yun. Siguro nga may dahilan kong bakit nandito ako ngayon. Pero ang hindi ko maintindihan kong bakit nawala rin bigla si Ciara at kung nasan siya ngayon. Alam na kaya niya ang lahat? "Tatlong araw kang tulog. Sabi nang doktor na masiyado lang napagod ang utak mo at sa tingin ko alam ko na kung anong dahilan nun. Please don't force yourself. Tiara." Sa unang pagkakataon doon ko lang uli narinig ang totoo kong pangalan. Parang gusto kong umiyak. Magtatanong sana ako pero inuhan ako nitong magsalita. "Kung itatanong kong paano ko nalaman ang totoong mong pangalan. Please huwag mo na sa ngayon. Ayokong mabigla ka sa lahat nang sasabihin ko. Ayoko pang kamuhian niyo ako. Sa ngayon gusto ko lang malaman mo na ako ang nagbigay sayo niyan" mahabang paliwanag nito. Gusto ko sanang hindi sumangayon pero nanatili na lang akong tahimik. "Tiara, may gusto rin sana akong ipakiusap sayo. Pwede bang pansamantalang magpanggap ka muna bilang si Ciara. Ayoko lang mabigla ang lahat. Huwag kang mag-alala gumagawa na ako nang paraan para mahanap siya. Gusto kong nandito na siya at sasabihin ko ang lahat. Sana maintindihan mo. If you want you can tell to your friends. They would understand." "Pero hindi ko ho nila ako totoong kaibigan. Kaibigan sila ni Ciara." "They we're already your friends Tiara. Kung nandito rin si Ciara alam kong matutuwa yun. Dahil naging kaibigan mo ang mga kaibigan niya." Kahit hindi ko pa talaga siya nakikita nang personal alam kong mabuti siyang anak. Mukha lang hindi niya ipinapakita yun. "Nasa iyo kung sino ang gusto mo munang pagsabihan. Alam kong ayaw mong naglilihim." Ngumiti ito saakin. Hindi ko alam kong paano muli niyang nalaman kong anong ang isa sa mga katangian ko. Pero nawala ang katangian kong yun. Dahil meron pala akong isang pinakatatagong lihim at yun ang makipagrelasyon. Ilang beses na nilang ipinalala saakin na hindi ako pwedeng makipagrelasyon nang ganun-ganun na lamang. Pero sinuway ko sila sa palasyo. Sinabi na nila na may itinakda saakin pero inilihim ko pa rin sa kanila iyon. "Mag pahinga ka na Tiara. Huwag ka munang mag-isip nang kung anu-ano. Ipapadala ko rito ang pagkain mo." Tumayo naman ito at hinagkan ako sa noo. "I'm thankful I already found you." "Siya nga pala. Dumadalaw rito si Trevor baka mamaya pupunta uli siya rito. Isa siya sa mas nag-alala sayo. Alam ko rin na may gusto siya sayo. Pwedeng sabihin mo muna sabihin sa kanya ang situation mo. It's up to you." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Mommy. Handa na nga ba ako sabihan siya. Paano kong magalit siya saakin? ****************************************************************************** Tama nga ang sinabi ni Mommy dahil kinagabihan nun hindi ko inaasahang dumating siya. Hindi ko alam kong anong una kong sasabihin sakanya. "Are you okay now?" tumango naman at ngumiti. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto kong sabihin lahat sakanya pero natatakot ako hindi ko alam kung handa na ako sa maririnig kong sasabihin niya. "Is there something bodering you?" "Hindi naman ganun kaimportante yun. Salamat pala sa pagtulong mo saakin." "You don't have to, it's my obligation. Akong nagsama sayo kaya obligayon kita." Tumango naman ako. "Nag-alala ako sayo akala ko mawawala ka na saakin. Hindi ko kakayanin pa. Especially now that I've felt something to you." Napayuko naman ako hindi ko alam kung anong mararamdan ko ngayon lalo pa't pareho kami ng nararamdan pero alam kung hindi pwede. Nag-alala ako paano kung lalo pang lumalim ang nararamdan ko sakanya at kailangan ko na rin siyang iwan. Para bang tinatarak ang dibdib ko sa naiisip ko na iiwan ko na balang araw. Siguro kailangan kong itigil na itong nararamdan ko masasaktan lang siya kung makakasama ko lang siya. "May gusto sana akong sabihni sayo Trevor. Pwedeng bang itigil mo yang nararamdan mo na saakin." Pakiusap ko sakanya, nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nito. "Why? Dahil ba ito sa nangyari? Patawad dahil hindi kita agad nadala sa hospital." "Hindi ito tungkol sa nangyari." Pero kalahati nun ay dahil rin doon. Gusto kong sabihin pero hindi ko alam bakit natatakot ako. Natatakot kung anong magiging reaksyon niya at sasabihin niya. Sigurado akong pagnalaman niya baka siya mismo ang lumayo na saakin. Iisipin ko pa lang nasasaktan na ako paano na lang kung mangyari na nga ang kinatatakutan ko. "Hindi mo ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin. Alam mo kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito." Makahulugang sabi nito. Napayuko na lang ako sa sinabi niya may parte saaking masaya dahil alam kong nag-aalala siya para saakin pero merong ring parti na hindi dahil hindi ko alam kung hangang saan nga lang ba ito Hiniling ko na sana hindi magbago ang tingin niya saakin kung sakaling mang malaman niya kung ano talaga ang katauhan ko. Kung ano talaga ako. ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD