CHAPTER 17

2059 Words
*Ciara * Tahimik na binabaybay ko ang pasilyo, palingalinga ako baka may makakita sa aking guwardiya tiyak na katapusan ko na. Isang linggo na ang nakalilipas ng kinurunahan ang bagong hari ng Miradona at isang linggo na rin akong hindi pa nakakaalis sa lugar na ito. Gusto ng Reyna na makilala pa raw ako ng lubusan at yun ang ayokong mangyari. Paano na lamang kung bumalik na totoong Tiara tiyak na malaking g**o ang mangyayari. Palabas na ako ng pinto ng may mapansin akong bulto ng tao kaya tumago muli ako. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito nalaman ko rin na dito pala ako unang nakita kaya kailangan ko lang makita ang talon na sinasabi ni Ervis dahil doon raw niya ako unang nakita. Nang masigurong walang ng mga guwardiyang naglilibot saka uli ipinagpatuloy sa paglalakad. Patungo ako sa library ng palasyong ito dahil magbabakasaling makahanap ako roon ng mapa ng buong kahariang ito natanong ko na dati yun sa mga katulong nila. Sabi kung wala raw sa library baka nasa kuwarto raw ng dalawang hari. Ilang araw ko ring pinag-isipan kung anong unang hakbang ang gagawin ko. Nakakakaba na nakakatakot dahil para akong kriminal na nagtatago sa dilim sa sitwasyon ko ngayon. Pero kailangan kung matapos ito dahil baka pagsisihan ko pa ito. Dahang-dahang isinara ko ang library pagkapasok sa loob nito, bigla naman akong namangha at natutula dahil hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Pero inisip ko na lang na kaya ko ito dahil kapalit nun kapag hindi ko nahanap ang lagusan, For sure I will be trap to this world at hindi ko pwedeng hayaan na lang yun. My mom's need me. Kaya bago pa ako maiyak nag-umpisa na akong maghanap dahan-dahan rin ang pagbubuklak ko dahil baka may makarinig saakin sa labas. Hating gabi pa naman masyadong tahimik sa kapaligiran lahat magiging sensitive maririnig lahat. ****************** ****************** Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng may narinig akong kalukos kung saang parte. Luminga-linga naman ako baka may taong dumating pero wala akong nakita ni anino kaya ipinapatuloy ko muli ang paghahanap. Nasa dulo ako ng library na ito, dito ko naiisipang maghanap dahil may mga nakita akong mga lumang sulat na nakarulyo. Halatang luma na rin ito dahil maraming ng mga alikabok na kasama rito. Iniisa isa ko namang binuksan ang mga laman baka sakaling isa rito ay mapa na. Pero mukhang hindi umaayon ang tadhana saakin dahil halos lahat ng mabuksan ko ay sulat or invitation kung saan. Natapos ako ng wala akong napala hindi ko alam kung anong oras na. Minabuti ko munang umupo sa sahig at mag-isip ng susunod na hakbang. Isinandal ko naman ang sarili ko sa book shelf na nasa likuran ko at ipinikit ang mata. Sa totoo lang napapagod na rin ako sa kakahanap pero kailangan ko pa ring magpatuloy. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito kung hindi ipapakasal ako kay Ervis pagkabalik niya. Yun rin ang dahilan kung bakit hindi pa ako umamalis rito dahil napagkasuduan ng pamilya na agahan na ang kasal tutal naman raw nasa wastong edad na raw kami. Like hello kung sa mundo namin yun masyadong maaga pa yun. "Anong ginagawa ng isang prinsesa sa ganitong madilim na paligid?" bigla naman akong nag-angat ng tingin ng may narinig akong nagsalita sa harap ko. Pero mas ikinagulat ko ng magtanto kung sino ang nagsalita. "Mahal na Reyna,..Ahm. Ano... Magandang gabi ho." Kinakabahang sabi ko tumayo naman ako at yumuko upang magbigay galang sakanya. "Magbalik tayo kung bakit narito ka ng ganitong oras." Malumay pa rin nitong sabi. "Hindi ho ako makatulog kaya naghahanap ho ako ng mapagkakaabalahan ko. Pasenya na po kung naistorbo pati rin ho kayo." Pagsisinungaling ko sana hindi siya makahalata. Pero kahit makalusot ako ngayon alam kong manghihinala na rin siya. Dahil isa siyang reyna at hindi siya ganun ka inutil siguro. "Kung ganun magpahinga ka na bukas mo na lamang ipagpatuloy ang iyong ginagawa ." Nanghihinalang sabi niya pero hindi niya pinahalata. "Isa nga pala kung may kailangan ka, ipag-utos mo na lamang sa mga katulong. Sabihin mo lamang kung anong gusto mo o kaya naman pagkaabalahan." "Maraming salamat po." "Palalampasin ko ang araw na ito naway huwag ng maulit muli ito napakamapanganib sa isang prinsesa gaya mo ang pumupunta sa kung saan at walang nakalalaman baka kung ano pang mangyari saiyo. Sana maintindihan mo yun. " tumango naman ako at humingi ng paumanhin. "Kung may mga bumabagabag saiyo pwede mong sabihin saakin magiging Ina mo na rin ako kaya huwag kang mahihiyang lumapit saakin." Nakangiting sabi na nito at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Pasensya na ho Mahal na reyna hindi na ho talaga mauulit." "Naiintindihan ko, Masaya ako at ikaw ang mapapangasawa ng anak ko. Marami pa akong pakukulang sakanya sanay maintindihan mo siya." "Isasaisip ko ho ang inyong mga sinabi." Pareho naman na kaming lumabas sa library. Nahihiya pa ako ng inihatid niya ako sa kwarto ko dito sa palasyo. Mapagdisisyonan kong magpahinga na rin dahil sa marami akong iniisip. Pero hindi ako titigil hangat hindi ako nakakahanap ng paraan para makalabas dito. Kinabukasan ginising ako ng mga taga silbi hindi ko alam kung bakit. Hinayaan ko naman sila kung anong pinaggagawa saakin, hindi ko lang alam kung ako lang ba ang kakapansin na aligaga sila sa mga ikinikilos nila. Pero hinayaan ko na lamang ang ginagawa nila. Hangang sa makalabas kami ay kasama ko silang lahat kaya nalilito ako sa ikinikilos nila dahil hindi naman kadalasan ganito. Para bang binabantayan akong mabuti baka tumakas ako ganun ang pakiramdam ko. Nasa likuran ko silang lahat patungo kami sa Dining Area nila kung saan hinihintay raw ako ng Hari at Reyna. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan ng walang dahilan para bang may hindi magandang mangyayari. Pagbukas nila ng pinto halong gulat ang nangibabaw saakin hindi dahil sa ako na lang hinihintay kundi sa isang tao na ayoko pang makita. Imposible! Sabi ko na lamang sa sarili ko. This is not happening. "Haring Ervis, ipahila mo nang mauupuan ang prinsesa." Rinig kong utos ng Reyna sakanya. Nakita ko namang tumayo ito at naghila ng isang upuan malapit sa tabi niya. Hindi ko na lang pinahalata ang gulat ko at umupo sa silya. Narito na ang mga magulang ni Tiara kaya mukhang alam ko na kung anong mangyayari ngayon at sana huwag ipag-utos ang agarang kasalan. "Kumain muna tayong lahat bago simulan ang preparasyon ng kasal." Sabi ng reyna at nakatingin saakin. Ngumiti naman ako at ibinalik rin nito ang ngiti. "Tikman mo prinsesa ang mga inihain at sabihin mo saakin kung anong patitipuhan mo riyan upang malaman kung anong ihahain sa ating piging sa darating na kasalan." Dagdag pa nito. Tumango na lang ako upang hindi ipahalatang ayoko sa naiisip niya. Tahimik naman kaming kumakain tanging mga kubyertos lamang ang maririnig. "Gusto ko lang malaman kung bakit napaaga ang uwi mo Haring Ervis?" Biglang putol ng katahimikan ng Ina ni Tiara. Bigla naman kaming napatingin sakanya, medyo intiresado rin ako sa balitang yun. "Maaga naming natapos ang negosasyon at pakikiisa ng mga karatig na kaharian." Seryosong sabi nito. "Mabuti naman kung ganun." Marami pa silang pinag-uusapan kaya nakikinig lamang ako. "Tulad ng napagkasunduan natin noong nakaraan, gaganapin ang pag-iisang dibdib kapag dumating ang aking anak na si Haring Ervis." Pagsisimula ng Reyna nang matapos kaming kumain. Kinabahan naman na dahil sa balitang yun. "Naway walang ng ibang pumigil sa kasalang ito." Mahinahon nitong sabi pero para bang pinapahiwatig ito. "Kailan ba magandang itapat ang kanilang kasalan?" Tanong naman ng Ama ni Tiara. "Naiisipang kong sa susunod nang Linggo ang kasal upang makapagprepara tayo dahil tiyak ito ang magiging sentro ng balita sa taong ito kaya kailangang engrande ang magaganap upang makapaghanda tayo ng mabuti." Tumango naman ang Hari't Reyna sa sinabi ng Ina ni Ervis. "Huwag kang mabahala Prinsesa Tiara kami ng bahala sa lahat, ang kailangan mo lamang ay sumipot sa araw na iyon." Makahulungang sabi nito. Ngumiti lamang ako bilang sagot pero kanakabahan pa rin ako. "Mamaya magpapadala kami ng magagaling na mananahi sa aming kaharian at susukatan ka. Habang wala pang araw na iyong kasal napagkasunduan namin ng Hari't Reyna na kailangang may sumasama saiyong mga guwardya." "Bakit kailangan pa hong may kasama ako? Hindi ho ba hinahayaan niyo na rin naman ako dati at wala namang hong mangyayaring masama saakin dahil nasa palasyo niyo naman ako." Pagtatakang sabi ko hindi kaya dahil sa insedenting iyon. "Para na rin saiyong kaligtasan kaya yun ang napagkasunduan. Respituhin mo na lamang ang kasunduan." Sabi ng ina ni Tiara. Simula ng maalala ko ang katauhan ko hindi ko siya matawag na ina dahil hindi naman talaga kami magkadugo. Pero naging mabait siya saakin mararamdaman mo kung gaano niya kamahal si Tiara pero bakit ganun kung kilala niya ang anak niya dapat alam niyang hindi talaga ako si Tiara posisble kayang sa una palang alam niya ng hindi ako si Tiara o dahil alam niyang may amnesia ako kaya yun na lang pinaniniwalaan niya. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa kasal, tinatanong naman nila ako kung anong gusto ko. Ewan ko ba at biglang nawalan ako ng gana umaandar ang pagkamaldita ko pero pinipigilan ko lang ilabas dahil respeto ko na rin sakanila pero naiinis lang ako. Kaya ipinapakita ko sakanilang wala akong interes sa kasalang yan. Kung pwede lang gusto ko ng umalis. "Hihiramin ko lang muna ng Prinsesa sandali, may mga dapat lang kaming mapag-usapan. Hindi ko namalayang nakatayo na si Ervis. Tumigil naman ang mga matatanda sa pag-uusap. "Sige, Pero kailangang ibalik mo rin siya agad dahil susukatan siya maya-maya." Sabi ng Reyna sakanya. Tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko patayo. Wala naman akong nagawa kundi sumunod dahil sa totoo lang kating-kati na akong umalis sa lugar na yun at sa lugar na ito. Hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito pero nagpatangay lang ako sakanya. "Saan mo ba ako dadalhin at Ano namang pag-uusapan natin?" walang ganang sabi ko sakanya, pumasok naman kami sa isang kuwarto na tulad ng saakin pero di hamak na mas malaki ito. Pinapaki ng silid na ito kung gaano makapangyarihan ang may-ari nito. Kaya alam kong sakanya ang silid na ito. Binitiwan naman ako nito at pumunta sa pintuan ng veranda at binuksan ito para pumasok ang sariwang hangin. "Ito lamang ang sasabihin ko sayo, huwag mong susubukan muling tumakas sa lugar na ito. Huwag kang gagawa ng paraan para makatakas lamang sa kasalang ito dahil pamilya at kahiraan niyo nakasalalay kung umatras ka." Nainis naman ako bigla sa sinabi nito. Kaya ikinuyom ko na lang ang kamay ko. "Bakit sa mundong ito, hindi ka pwede pumili ng para saiyo?" Biglang nasabi ko lang pero hindi ko binawi at bumaling sa ibang dereksyon. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko at ganun rin ako. "Dahil ipinagkasundo ka ng pamilya mo. Kaya nakalaan ka na." "At hindi mo man lang pipigilan ito? Siguro ginusto mo rin ito?" paghamon ko sakanya. "Dahil iyon ang utos at kasunduan ng pamilya natin noon." Nanggagalaiting sabi nito pero hindi ko ipinakitang natatakot ako sakanya. "Pwedeng mabago iyon, dahil may kapangyarihan ka na. Anong pang silbi mo bilang hari kung ikaw rin ang sumusunod sakanila." "Iniisip mo lang kung anong gusto mo. Hindi mo iinisip kong anong pwedeng mangyari kung susundin ang gusto mo." Seryosong sabi nito habang nakahawak sa magkabila kong braso wari sinusuri ako. "Tama ka pwede kong maitigil ang kasalang ito ano mang oras, pero isipin mo na lang ang kaharian ninyo kung sinabi kong dahil yun ang gusto mo. Maaring makaroon ng gyera mula sa magkabilaang kaharian pero matatalo lamang kayo laban saamin dahil kumpara saamin para lang kayong maliit na baryo na madaling masira." Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Tama siya pero mayroon pa ring bahagi saakin na gusto kong ipatigil niya dahil baka lalong magkagulo kung sakaling matuloy rin. Kailangan ko ng magsalita pero natatakot ako. "Mukhang tama ka, hindi ka nararapat maging reyna ko." Biglang sabi nito may bahagi saaking nasaktan ako sa sinabi niya ng hindi ko malamang dahilan. "Ngayon, napatunayan kong isa kang makasarili, iniisip mo lamang ang gusto mo." May halong dismaya ang nakita ko sa mga mata nito bago ako bitiwan at umalis. Halos matumba naman ako ng marinig kong umalis na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD