Tiara
"Okay ka lang ba Tiara?" Rinig kong tanong ni Rhianne saakin, ngumiti naman ako sakanya para malaman niya ayos lang ako. Narito kami sa isang Tea shop walang pasok ngayon kaya sabi nila ay tumambay lang daw kami dito. Noong una ay nahihiya pa ako dahil alam naman nila ang totoo pero nagpupumilit na sumama ako sakanila. Akala ko mag-iiba ang pakikitungo nila saakin pero hindi kaya naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko sa kaharian. Kamusta na rin kaya sila? Hinahanap kaya nila ako.
"Alam mo sa maliit na panahon na kasama ka namin madali kang basahin unlike your twin sister." Nabigla naman akong napatingin sakanya. Matagal ko ng sinabi sakanilang hindi ako Ciara at naiintindihan naman nila ako. Noong umpisa hindi sila makapaniwala na may kakambal si Ciara pero sasabihin ko na sanang hindi kami tagarito pero pinigilan ako ni Mommy na huwag pa raw sabihin baka raw kasi hindi nila maiintindihan masyado na kasing moderno ang panahong ito at hindi nila maiintindihan kung sasabihing sa ibang mundo kami nakatira. Ayaw naming silang mabigla.
"Sa mukha magkahawig talaga kayo ng kapatid mo kung hindi ka talaga kilala ng isang tao iisiping wala kayong pinagkaibang dalawa. Now that we all know marami kayong pinagkaiba lalo na sa ugali." Turang naman ni Sabrina. Hindi ko rin alam pero mula ng may nalaman sila hindi pa nila masyadong nababangit ang kakambal kaya hindi ko rin kilala kung anong uri ng kaugalian ang meron sa kakambal ko. Ang alam ko lamang ay mula ng mga bata pa sila ay magkakaibigan na sila yun lamang.
"Sabrina enough, wag mo nga silang pinagkukumparang dalawa." Megan
"What! Nagsasabi lang ako ng observation ko, parang kayo hindi niyo rin yun napansin." Nakasimangot sa sabi naman ni Sab.
"Ayus lang, wala naman akong alam masyado sa kapatid ko kaya hindi ko ring lubasang kilala alam ko lamang ay magkamukha kaming dalawa." Natahimik naman sila kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita "Gusto ko rin siyang makilala kahit man lang sa kwento ninyo. Sa mga pasasama ninyo nitong mga nagdaang taon. Pwede ba akong kwentuhan tungkol sakanya?" pakiusap ko sakanila
"Well ahm.. why it's kinda ackward."- Rhianne "Si Ciara kasi kung hindi mo talaga siya lubusang kilala she like ahm snob, maldita, serious or what so ever yun tingin ng tao sakanya. Ganun siya sa iba pero kung malapit ka na sakanya she's like a sister and mother."
"Oo, sinabi mo pa mas terror pa nga siya sa mommy ko." – Shanna "Dominant rin. Para bang siya yung boss na dapat siya yung masusunod minsan ayaw niyang nagpapadikta yun sa iba. Para siyang Reyna. Actually Queen nga ang tawag sakanya ng ibang student sa school." Kwento pa nito halatang nangungulila sila sa pagkawala nito.
"But your sister amazing kahit hindi niya ipakita yung nararamdaman or emotion niya we all know that she cares especially to your mother" -Rhianne
"Hindi ko pa siya lubusang nakikilala pero sa mga sinabi niyo tungkol sakanya nararamdaman kong mabait nga ang ate ko." tumahimik naman silang lahat at maya-maya pa'y nagtawanan sila maliban saakin hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa sinabi mo.
"Yah, mabait siya pero wag mo lang gagalitin." -Megan
"Ikaw, magkwento ka naman tungkol sa naging buhay mo. ,sige na" Nagulat naman ako sa sinabi ni Shane hindi ko inaasahang sasabihin niya yun. Pero binigyan naman na ako ng babala ni mommy tungkol doon kaya alam ko ang isasagot kung sakali.
"Shane! wag mo nga pilitin." Saway naman ni Rhianne sakanya " Huwag mo ng pansinin ang sinabi niya Tiara."
"Ayos lang, Noong bata pa kasi ako nawala raw ako yun ang sabi ni mommy. Hindi sinabi ni mommy kay Ciara na may kakambal pa siya. Kaya walang alam si Ciara sa pagkabuhay ko. May nakapulot saaking babae at binigay ako sa ampunan doon na rin ako lumaki. Hanggang sa napadpad ako rito sa lungsod ninyo." napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa mga kasinungalingang sinabi ko. Hindi ako sanay na magsinungaling lalo na at naging malapit na sila saakin paano na lamang kung matuklasan nila kung ano talaga ako o kami ni Ciara.
"Wow, masasabi ko lang napakatapang mo nalagpasan mo na rin ang paghihirap mo." - Sab. "Don't worry mula ngayon hindi ka na mag-iisa dahil nandito na kami we're already your sisters too. Magiging masaya si Ciara kapag nakabalik na siya." nakokonesensya naman ako sa sinabi niya. Para bang hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan nila dahil nagsinungaling na ako sakanila.
"OMG, So all we have to do is find Ciara as soon as possible. Miss ko na rin ang babaeng yun ilang buwan na siyang nawawala. Hindi ko na maiwasang mag-isip ng mga negative na pwedeng mangyari sakanya." - Rhianne
"Me too, Paano kung inadopt siya ng mga alien at isinama sa mundo nila." mapagmalabis na sabi ni Sabrina. napairap naman ang mga kaibigan nito sakanya dahil kung hindi ako nagkakamali siya ata ang exaggerated mag-isip sabi ng mga kaibigan niya.
"Ewan ko sayo Sab, humanap ka ng kausap mo."- Megan, Pero bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Sab ng hindi ko alam. Pero paano nga kung may kumuha sakanya at isinama sa kung saang lugar. Pero yun na rin ang sinabi ng mga pulis dati kung may kumuha man sakanya tatawagan raw at magbibigay ng ramsom dahil yun naman ang kadalasang ginagawa ng mga masasamang loob.
.