CHAPTER 19

1128 Words
*Tiara* Nakabalik na ako sa bahay tumawag si mommy saakin kanina kung nasan na raw ako. Sasagutin ko na sana ang tanong ni Trevor kanina pero pinigilan na ako nito at nagpresintang umuwi na kaya wala na akong nagawa. Tamik lamang ito ng inihatid niya ako marami pa akong gustong sabihin pero pinipigil na ako nitong magsalita. "Huwag muna ngayon, nakakatawa kung isipin pero natatakot ako kung ano man ang mga pwedeng mong sabihin. I'm sorry. Ito ang unang magkagusto ako sa isang babae kaya hindi ko pa matanggap kung hindi tayo pareho ng nararamdaman." Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito kanina. "Honey, are you okay?" bakit ba yan na lang ang naririnig kong sinasabi saakin mula kanina pa. tumango naman ako bilang pagsagot. "You look pale, nakausap ko si Trevor kanina at alam kong siya rin ang kasama mo. Patawarin mo ako dahil sinabi ko na sakanya ang totoo." "Bakit nga ba hindi mo pa rin sinabi sakanyang may naaalala ka na ikaw si Tiara your friend already knows siya hindi mo pa rin sinabi that's unfair alam kong iba ang tingin niya sayo sa umpisa palang. Noong kukunin na kita halos ayaw ka niyang bitawan but her mom stop him dahil alam ng ina niya kung gaano mawalan ng anak." Paliwanag nito. "I know you like him too. Sabihin mo saakin kung anong pumipigil sayo." "Si Ciara ang kinikilala niya at meron pa akong mga problemang haharapin hindi kami pwede sa isa't isa." pag-amin ko ng totoo. "Anong ibig mong sabihin?" nalilitung sabi ni Mommy "He already knew that your Tiara. Ano pang problema doon?" "Ano!" pero bakit kanina ilang beses niyang binangit ang pangalan ni Ciara. "Bakit? May problema ba?" "Wala ho." "Ano pa yung sinabi mong haharapin mong problema."mariin akong napapikit dahil sa mga madisisyong hindi ko pinag-isipang sabihin. "Babalik po ako sa kaharian." Maikling sabi ko nakita ko naman ang pagkagulat sakanya ng sinabi ko yun. "Babalik ka? Bakit ba hindi ko naisip na may naiwan kang buhay rin." malungkot na saad nito. Alam kung hindi na siya makakabalik pa sa kaharian dahil tinalikuran niya ang pagiging reyna. "Huwag ho kayong mag-alala, hindi pa naman ho ngayon. titiyakin kong narito na si Ciara saka ho ako aalis." umiling-iling naman ito na para bang ayaw nito ang ideyang naisip ko. "patawarin mo ako Tiara, kasalanan kung lahat ng ito. Pero sana mabago ko pa anng disisyon mo, gusto kitang manatili na lang dito saamin nng kakambal mo." pag-aalok nito hindi na lang ako nagsalita pa pero buo na nng disisyon ko hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko. Alam kung maiintindihhann rin ako ni Mommy dahil nanggaling siya doon. ************* ************ Veronica Pagkatapos lahat ng sinabi ko kay Tiara, alamm kung buo na ang disisyon niya pero hindi ko hahayaang umalis siya. Not now, kung sakaling mahanap nanamin ang kakambal niya aalis kami nang bansa ilalayo ko sila dito. Magbabagong buhay kami, makasariling disisyon ito pero hindi na ako papayag na magkalayo pa kaming muling tatlo. Sa lalim ng inisip ko nakalimutan kung tumutunog pala ang cellphone ko, hindi ko alam kung nakailang ring na ito kaya naman sinagot ko kung sino mang nasa kabilang linya. "May lead na kami kung nasaan si Ciara." nag-iisang linyang iyon saka nagmadali akong pumunta sa prinsto. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Pagkarating ko sa prisinto mukhang ako na lang ang hinihitay. Ang mga kaibigan ko ay nandito na rin, tinitiyak aming kami palang ang makakaalam wala pang alam ang mga anak tungkol dito dahil patago naming ginagawa ito kung magtatanong man sila sinasabi naming wala pang balita sa mgapulis. Pero ang totoo marami na kaming alam mula ng dumating si Tiara alam kung siya na si Tiaraat hindi siya si Ciara lalo ko pang nalaman ang totoo ng makausap ko si Trevor kung saan niya nakita si Tiara. Dahil ibang direksyon ang pinagmulan nito sa pagkawala ni Ciara. "Hindi namin nakita agad ang kotse niya noong mga nakaraang buwan dahil nakatago ito sa pinakaliblib na lugar sa isang kagubatan. Hindi rin namin na track agad ang gps niya dahil mukhang may pumatay talaga nito sa una palang mukhang tinangkang kidnappin talaga ang anak niyo pero nakatakas ito." paliwanag ng isang detective. Hindi ko alam kung saan ako sasandal dahil alam kung sa mga sandaling ito matutumba ako sa kinatatayuan ko. buti na lamang at may umalalay saakin nakita ko naman sa likuran ko si Jacob hindi na ako nakapagpasalamat sakanya dahil sa panghihina. "Nalaman naming k********g lang ang pakay sa biktima dahil walang nawala sa mga gamit nito. Ito ang mga gamit na naiwan ng biktima sa kotse niya." ibinigay naman saakin ang handbag nito. Tinignan ko naman kung may nawala talaga pero wala. Nandoon ang wallet, cellphone at iba pang gamit. "pasensya na rin ho dahil pinakialaman na rin namin ang cellphone niya dahil ito ang naging number one prof. para makita at malaman kung ano ho talaga ang nangyari ng mawala siya at malaman kung sinong nagtangkang kumuha sakanya." "Ibig bang sabihin nito nahuli niyo kung sinong nagtangkang kumuha sakanya?'' "Oho, Misis. pero hindi pa lahat." sabi naman nito. "ibig sabihin marami silang gustong kumuha sakanya?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito.. "Oo. ang tatlo sakanila ay nahuli namin.. ayaw nilang magsalita tungkol sa pinaka pinuno nila. wala kaming magawa mukhang malaki at may kapalit kung nagsalita raw sila laban sa pinuno nila." bigla naman akong nangigil para bang gusto kko sugudin ang mga nagtaka sa anak ko. "So,, hahayaan niyo nalang magkaganito." Galit na sabi koanong pang silbi kung wala ring makakalap na impormasyon kung nasan ang anak ko. "Ang sabi nila hindi nila kinuha ang anak niyo. tinangka nila pero hindi nila nakuha." "Paano naman kayo nakakasigurong wala nga sakanila ang anak ko? so nasaan anak ko ngayon?" prostrated na sabi ko. "Veronica, Calm down." mahinang sabi ni Jacob. kumalma naman ako saglit bago magsalita muli. pagdating sa mga anak ko hindi na ako nakakapagisip ng matino. I want them for the best, yung makakapagpasaya sakanila,yung alam kong tama para sakanila. "Alam ho naming nagsasabi naman sila ng totoo dahil na rin sa cooperation nila at sa mga sinabi nilang impormasyon." may mga proweba silang sinabi na hindi nga sila ang kumuha sakanya may parte saaking naniniwala pero hindi ko pa rin matanggap ay kung bakit siya gustong kidnappin. "Huwag ho kayong mag-aalala kung nakakaroon pa rin kayo ng suspetsya pwede ho namin kayong samahan kung saan huling nakita ang niyo anak?" Ang huling sinabi ng dective saamin saka na ito nagpaalamm umalis. Hindi ko alam pero sa mga huling sinabi nito masama ang naging kutob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD