Ciara
"Pwede bang iwan niyo muna akong mag-isa?" naiiritang sambit ko sa mga kawal na kanina pa nakabuntot saakin. Mula ng ipinag-utos ng magaling na haring yun na sundan parati ako wala na akong kalayaan saan man ako magtungo. Actually mukha na nga akong preso sa kalagayan ko ngayon.
"Patawarin niyo ho kami mahal na Prinsesa pero mahigpit na ipinag-uutos ng hari na lagi ho kayong bantayan." napairap naman ako ng wala sa oras. Sa tingin ko bumabalik na rin ang tunay kung ugali. Ayaw ko sa lahat binabatayan ang bawat galaw ko. Lalo na dinikdiktahan ang lahat ng gagawin ko.
"Pwede bang kahit ngayon lang, gusto kong makapag-isip ng mag-isa." Pakiusap ko naman. Patungo sana ako sa hardin dito sa palasyo at gusto kong makasinghap ng sariwang hangin dahil feeling ko nasasakal na ako loob ng palasyo. "Hindi ba pwedeng..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may dumating na hindi ko inaasahan.
"Iwan niyo na muna kami ng prinsesa." napaharap naman ang mga kawal at yumuko bago umalis. Tumalikod naman na ako at pumasok sa hardin alam kong nakasunod lang ito kaya hinayaan ko siya. Bahala siya sa buhay niya naiinis pa rin ako.
"Ganyan mo bang tratuhin ang mga tao rito. Ang ilabas ang magaspang mong pag-uugali?" Nag pantig naman ang pandinig ko sa sinabi niyang iyon.
"Hindi mo pa ako lubusang kilala mahal na hari." Pagharap ko sakanya at lumapit. "Pero dahil yan ang pagkakilalan mo saakin may mas masahol pa diyan." inirapan ko naman ito at pumunta sa isa sa mga upuan roon. Habang tumatagal na natili ako rito lalo gusto kung umalis na sa lugar na ito.
"Tama ka, hindi pa nga kita lubusang kilala pero sa mga ipinapakita mong pag-uugali anong iisipin ng ibang tao sayo." Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong tama rin naman siya. Mahalaga talaga ang iisipin ng ibang tao tulad rin sa mundong kinalalagyan ko pero ang pinagkaiba hindi ko kailangang magpanggap para lang gumanda ang tingin nila dahil wala naman akong dinadalang malaking pangalan hindi tulad ng sakanya. Kung nasa mataas na antas ka kailangan malaki ang reputasyong pinapahalagahan mo dahil nakatingin ang mga tao sayo. "Hindi mo ba tatanungin kung bakit ipinagpaliban ko ang kasalan." Bigla naman akong naging alerto sa sinabi niyang yun. Nagtaka rin ako kung bakit niya pinospone pero ikakasal pa rin sila ni Tiara but atleast I have time to make a move again. bakit hindi magandang idea para saaking ikakasal sila, siguro dahil kilala ko ang hari at kahit hindi ko pa nakikita si Prinsesa Tiara sa mga kwento pa lang nila saakin alam kung mabait siya kaya nakakapanghinayang kung dito siya mapupunta sa hari ng kasamaan.
"May mga nga lihim talagang kahit pilit mong itago malalaman at malalaman pa rin." Makahulugan tugon nito, napatingin naman ako sakanya dahil alam kung may ibig siyang ipahiwatig rito. "alam kong alam mo ang ibig kong sabihin roon,,,Ciara." Bigla namang bumilis ang t***k nang puso ko dahil sa sinabi niya yun. Hindi ko alam kung kailan niya nalaman pero isa lang ang ibig sabihin nito. Meron ng nakakaalam ng sekreto ko.
"Mukhang nagulat ka sa natuklasan ko Prinsesa." Naka ngising sabi nito. Marami akong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko kung anong sasabihin. Hangang ngayon para ako mahihimatay na.
"Kailan?" Isang salita lang yun, pero alam kong alam niya na rin kung anong tinutukoy ko.
"Hindi na mahalaga yun. Ang malaking katanungan sa isip ko. Bakit nagpapangap ka na kapatid mo?" May nakita akong galit sa mga mata nito hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. "Hindi mo ba alam na pwedeng magkaroon ng malaking digmaan dahil sa ginagawa mo? Iniutos ba ito ng mga magulang mo para kahit hindi pa nahahanap ang kapatid mo meron namang papalit?"
"Wala silang alam." Mahinang sabit ko. Wala nga ba silang alam?
"Yun ang inaakala mo. Imposibleng walang alam ang magulang mo sa ilang taong nakasama ka nila o ni Tiara alam nila ang pagkakaiba. Sa ugali palang magkaibang magkaiba kayo ni Tiara kaya paanong hindi nila napansin iyon lalo na ang Ina mo." May halong pagkutya na sabi nito.
"Ngayong nalaman mo. Itutuloy mo pa rin ba ang binabalak mo?" Bigla naman itong natahimik kaya ako naman nangisi. Nalaman niyang hindi ako prinsesa wala na siyang makukuha saakin.
"Wala mang lumabas na Tiara sa araw kung kailan idaraos ang kasal. Wala na akong pakialam roon dahil kung sino ang nasa araw na yun siya ang pakakasalan ko. Tutal pareho naman kayong magkapatid." Ako naman ang biglang natulos dahil sa sinabi nito.
"Hindi ko kapatid si Tiara." Naiinis na sabi ko. Pero may bahagi saakin posibleng kapatid ko siya or worst twin ko siya dahil kahit saang angolo magkamukha kami expect sa birth mark ko. Nasa left shoulder ang sakanya nasa right ang akin. Buti na lang at mahaba at natatapan lahat ang mga sinisuot kong gothic.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo. Ako pa talagang ginawang inutil, hindi lang ka lang pala mapagpanggap sinungaling ka pa. Satingin mo ba maniniwala akong hindi mo siya kapatid kung magkamukhang magkamukha kayo? Anong gusto mong sabihin magkaiba kayo ng magulang?" Para bang natitimpi na lang ito sa sarili para hindi siya makasakit pero nakasakit na siya hindi pisikal pero verbal naman.
"Hindi lang kami magkaiba ng magulang pero magkaiba kami ng mundo. HINDI. AKO. TAGA. RITO." Para bang hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.
"Iisipin kong wala kang sinabing mga wala kwenta. Dahil ngayon imposssible lahat ng sinasabi mo." Nakita ko itong tumalikod upang umalis pero mabilis ko itong pinigilan. Tutal alam niya na ang sekreto ko baka matulungan niya akong makauwi at baka mahanap rin namin si Tiara. Ewan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at siya ang hihingan ko ng tulong.
"Sandali..Ervis...este Mahal na hari." Nakita ko naman ang pag-angat ng isa niyang kilay dahil sa sinabi ko. "Alam kong nahihirapan kang intindihin pero sa maniwala ka man o hindi. Hindi talaga ako taga rito iba ang mundo ko. Ang huli kong naalala ay may mga humahabol saakin at gusto nila akong saktan pagkatapos nun nahulog ako hindi ko alam kung saan basta ang naririnig ko ay agos ng tubig hangang doon lang at paggising ko nasa kaharian na ako nila Tiara." Mahabang paliwanag ko hindi ko alam kung maniniwala siya pero umaasa ako.
"Anong gusto mong mangyari?" yun lang hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na ito.
"Gusto kong tulungan mo akong makauwi sa mundo ko." Nilakasan ko naman ang loob ko kahit para kong binibenta ang kaluluwa ko kay kamatayan. Mukhang nag-isip ito.
"At anong makukuha kong kapalit?" Sabi na.
"Tutulungan kitang mahanap si Tiara at maibalik siya. Alam kong siya dapat ang pakakasalan mo hindi pwedeng ako dahil hindi ako nakatira rito."
"Tsk.. Paano mo namang naisip na hindi ka taga rito?"
"Dahil hindi naman talaga ako ipinanganak dito ni hindi ko alam na meron palang ganitong klaseng lugar. May pamilyang naghihintay saakin sa lugar kung saan talaga ako kaya nakikiusap akong tulungan mo ako. Kapalit nun tutulungan rin kita sa paghahanap kay Tiara at siya ang pakasalan mo."
"Paano ka nakasisigurong buhay pa nga si Tiara?" Napatingil naman ako, hindi ko naiisip sa posibilidad na baka wala na nga si Tiara. "Hindi ka makasagot. Ilang buwan na ang lumilipas pero walang pa ring lumilitaw na Tiara kaya paano ka pa nakasisigurong buhay pa nga siya. Paano kung magpakita siya ilang taon na ang lilipas? Hindi ako ganun kabait para maghintay. Ciara.. Kaya mag-isip kang mabuti." Iniwan naman niya akong nag-iisa at nag-iisip pa rin. Hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ito.
***************
***************
Ilang araw na rin mula ng makausap ko si Ervis hindi ko bakit hindi ko siya matawag na hari. Mukhang hindi na rin niya ako matutulungan kaya kailangan kung makaisip na ng ibang paraan pero paano naman ako makakaalis sa mga tagabantay ko?
"Mahal na prinsesa huwag ho kayong gagalaw." Turan naman nitong tagasilbi nila. Kasalukuyan akong sinusukatan dahil tinitignan kung tumataba raw ako. Para ma-adjust agad yung wedding gown pero wala naman akong pakialam doon. Ang gusto ko makaalis na rito.
"pwede ho bang isukat niyo uli ang trahe de boda niyo." Tukoy nito sa wedding gown. Labag man pero sinunod ko pa rin ilang beses ko nang isinukat itong wedding gown na ito. Masasabi kong maganda at kahit sinong pagsuotin mo nito alam kung siya ang magiging sentro ng usapan at maiingit ang sino mang makakakita. Pero para saakin hindi ito bagay saakin. Hindi nababagay ang ganitong klase na kasuotan sa tulad kong nagpapanggap lamang at labag sa kalooban na magpakasal.
"Ang ganda niyo MAhal na Prinsesa. Bagay na bagay ho sainyo. Huwag na po kayong umiyak." Napalunok naman ako dahil hindi ko namanlayang umiiyak ako sa harap nila.
"Hindi niyo ba nagustuhan? May gusto ho ba kayong mapalitan?" Lahat. Kung pwede lang sabihin. Pero sa huli umiling lang ako.
"Pwede bang iwan niyo muna ako." Tumango naman sila at yumuko bilang paggalang bago umalis. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo habang nakaharap sa malaking salamin. Nakatulala lang ako pero ng makaramdam ako ng pagkahina bigla na lang akong napaupo sa sahig at humagulgul. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Miss na miss ko na si Mommy. Yung feeling na wala kang masabihan ng problema mo kaya sarili mo lang ang kinakapitan pero unti-unti na ring sumusuko.
*******************
******************
Evrin
Tahimik na tinatahak ko ang pasilyo ng palasyo para pumunta na saaking silid pero napahinto ako ng makita ang mga taga silbi na nasa labas ng silid ni Ciara. Napakunot naman ang noo ko dahil roon bakit nasa labas ang mga ito? Wala ba silang balak pumasok at nagkukumpulan pa sila rito sa labas.
"Wala ba kayong balak pumasok?" Baritong tanong ko bigla namang nawala ang atensyon nila sa pinto ng makita nila ako. Sabay-sabay silang yumuko upang magbigay galang.
"Pasensya na ho mahal na Hari. Ipinakiusap ho kasi ng Prinsesa na dumito muna kaming lahat dahil gusto ho niyang mapag-isa." Lakas loob na sabi ng isa sakanila. Nakakunot lang noo ko habang nakikinig sa mga paliwanag nila.
"Pero nag-aalala na ho kami sa Prinsesa dahil isang oras na mula ng sinabi niyang lumabas ho kami. Naririnig ho namin siya humagagulgol sa loob. Nag-aalala ho kami baka kung mapano na po siya." Dahil doon hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok. Hinayaan naman na ako ng mga ito alam kong nakasunod rin sila saakin. Napahinto naman ako dahil nakita ko at bigla na lang akong nakarinig na mga pagsinghap gawa ng mga tagasilbi. Dahil rin siguro sa nakita nila.
"Ang prinsesa tulungan natin!" Aligagang na may halong pag-aalalang sambit nila at akmang lalapitan nila ng pinigilan ko sila kaya walang nagawa ang mga ito.
"Ako nang magbubuhat sakanya. Ayusin niyo na lamang ang mga nakakalat rito." Kahit hirap pinursigi ko pa ring buhatin ang dalaga. Natagpuan lang naman namin itong nakahiga at suot pa rin nito ang trahe de boda niya. Kung hindi ako nagkakamali ay nakatulog dahil sa pagod sa pag iyak dahil namumugto pa ang mga mata nito. Sinikap kong mabuhat ito hangang sa silid nito at ipinahiga sa kama niya. Payapa lang ito natutulog inayos ko naman ang higa nito. Tatalikod na sana ako ng bigla itong magsalita kaya napaharap ako, nakita ko itong nakapikit pa rin kaya alam kong nanaginip ito. May mga binubulong ito na hindi ko maintindihan alam kong sa lingwahe nila ang gamit nito. Maya-maya ay kumalma na ito at payapa na ulit nakatulog.
"Nakaka-awa naman ang prinsesa mukhang hindi sanay mawalay sa magulang." Rinig kong pag-uusap ng mga tagasilbi. Tumigil lang ako para marinig ang pinag-uusapan nila dahil alam kung si Ciara ang pinag-uusapan nila.
"Sinabi mo pa, gabi-gabi na lang siyang umiiyak. Mali ang pagkakakilanlan ko sakanya dahil ang usap-usapan ay palaban ito at hindi nagpapakita ng emosyon pero noong wala pa siyang maalala sabi nila mabait raw ito. Pero alam ko namang hindi nagbago yun dahil mabait pa rin naman siya pero hindi ko lang inaasahan nitong mga nakaraang araw. Parati itong nagpapakita ng kahinaan niya na."
"Nakakabahala nga, ayaw pa naman ng Mahal na hari ang mga mahihina kawawa naman ang prinsesa. Paano kung hindi na ituloy ang kasal nila."
"Nakalulungkot naman kung ganun mas gusto silang magkatuluyan. Nakita mo ba kanina yung mukha ng hari natin alalang-alala siya. Kung hindi ko lang nakita ang ganung sitwasyon ng prinsesa kikiligin ako sakanila." Narinig ko naman ang mga mahihinang tawa nila kaya napailing na lang ako at nagtuloy sa paglalakad ng makita naman nila ako bigla uli silang yumuko para bang wala silang pinag-uusapan kanina. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtuloy na lumabas at nagtungo kung saan talaga dapat ako pupunta. Bakit nga ba inaalala ko pa rin ito malaki ang naging kasalanan niya dahil naglihim ito at patuloy na naglilihim. Pero ngayon mukhang nauunawaan ko nang hindi nga nagsisinungaling. Na galing ito sa ibang mundo pero saan naman ang itong sinasabi niya mundo nito? Tutulungan ko ba siya?
"Paano kung patay na nga si Tiara at hinayaan kong makaalis na si Ciara? Sinong pakakasalan ko?"Biglang turuan ko sa sarili at umiling-iling. Nakakabaliw ang sitwasyong ito.