*Tiara*
"Okay, I'll call you back." Napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko. Alam kong si Mommy ang nagsalita nun. Hindi ko alam pero napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay parati itong wala sa bahay at mukhang busy. Kung tatanungin ko siya sasabihin nitong tungkol sa kompanya raw pero mukhang aligaga parati.
Parati rin itong may kausap sa telepono nito saka magmamadaling umalis ng bahay ganun parati ang ginagawa nito. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito kay Ciara pero ramdam kong meron.
"Mommy, sino ho yun?" Mukha namang nagulat ito dahil nasa likuran niya ako. Pero mabilis na naglaho rin.
"Wala.. Ahm tungkol lang sa kapatid mo." Ngayon lang siya nagsabi tungkol kay Ciara.
"May balita na ho ba sa kaso niya?" Nag-aalalang turan ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita para bang malaki na rin ang epikto niya saakin. Nakakalungkot isipin dahil mukhang may gustong kumuha sa kanya tulad ko parehong gustong saktan kami.
"Wala pa rin pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Mahahanap rin ang kapatid mo." May halong pag-asang sabi nito. Naniniwala rin ako. Alam kong ligtas siya.
"Siya nga pala. Aalis rin ako, hintayin mo na lang si Trevor dito. Mukha balak ka ulit idate nun." May halong pagtutuksong sabi nito kaya napangiti na lang ako. "Haist, Sana makita ko rin si Ciara na ganyan sayo. Mukha kasing walang balak mag-asawa yun. Pinupush ko na nga siyang magboyfriend dati pero mukhang wala sa isip niya sabi ko wag niyang abusuhin ang sarili niya dahil bata pa siya. Alam mo bang para pa siyang mas matandang umasta keysa saakin. Nakakamiss tuloy ang kakambal mo." Napangiti naman ako dahil sa sinabing iyon ni Mommy. Minsan naiingit ako dahil sila yung nagkasama ng matagal at naiwan ako. Si Ciara nakikita kong hindi naging masalimuot ang buhay niya rito dahil pwede niyang gawin ang gusto niya pero siya lamang ang pumipigil sa sarili niya samantalang ako hindi ko narasanasang maging malaya. Hindi ko naranasang na makipaglaro sa mga batang tulad ko, dahil kailangan sa murang edad ko matutunan ko na agad kung paano maging tunay na reyna.
Alam kong hindi naman nagkulang nang aruga ang itinuring kong Ina sa kaharian dahil siya ang nagpapakita ng malasakit saakin. Ang Hari(Ama ko) madalas siyang wala pero hindi rin siya nagkulang saakin ramdam kong mahal niya ako pero alam kong may kulang at yun ay si Ciara.
"Oh, mukhang nandiyan na Date mo." Rinig kong tukso uli ni Mommy kaya napailing ako. "Trevor, Huwag na kayong magpapagabi. Ingatan mo itong anak ko." Bilin nito.
"Yes, po Tita."
"Kayo rin Mommy, huwag na rin kayong magpapagabi ni Tito Jacob." Bawi ko naman rito alam kong may namamagitan sakanila ni tito at natutuwa ako para sakanya hindi ko alam kung bakit. Pero kahit alam kong naging sila ni Ama hindi ko maisip na magtatagal silang dalawa kaya isa rin sigurong dahilan kung bakit hindi na rin siya bumalik. Nakikita ko kasi kay Mommy na siya yung tipo na gustong mag-enjoy kumabaga sa lingwaheng gamit nila at mukhang nahanap niya sa lugar na ito. Sana ako rin maharanap ko rin ang kaligayahan at kalayaan ko. Pero mukhang hindi mangyayari yun dahil may naghihintay pang responsibilidad saakin. Di baleng ako na ang magsakripisyo muli kaya ngayon gusto ko munang mag-enjoy rin para kahit itong mga panahon lang naranasan ko rin ang maging malaya kahit panandalian lamang.
"Saan mo gustong pumunta naman ngayon?" Tanong ni Trevor habang nagmamaneho ito.
"Uhm.. Kung saan magandang mag-enjoy." Malapad na ngiti ko rito. Mukha namang naaliw ito sa sinabi ko at ngumiti rin ito ng malawak.
"Wow, mukhang marami ka na ring natutunan dito. That's nice."
"Syempre magaling ang mga guro ko. Lalo na ikaw ang unang naging guro ko rito."
"Psh.. Ganun guro lang ang turing mo saakin?" mukhang may pagtatampong sabi nito.
"Ano pa ba dapat ang turing ko sayo?" Inosenteng sabi ko kahit alam ko kung anong ibig nitong iparating.
"Psh,, Manhid." Mahinang banggit nito pero tama lang na narinig ko. Napangiti na lang ako at alam kong malapit na itong magtampo. Dinala naman ako nito sa tinawag niyang amusement park, hindi ko alam na may ganun palang lugar. Marami pwedeng gawin at laruin raw sinubukan naman namin halos lahat ng pwedeng sakyan kahit sa umpisa ay nakakatakot. Hindi ko alam na ito ang magiging isa sa mga hindi ko malilimutang araw na nangyari saakin. Naging masaya ang pagpunta namin sa lugar na iyon.
"Gusto kong sumakay sa malaking yun." Sabi ko tapos na kaming sumakay sa roller coaster na sinabi lang nito. Tinuro ko naman yung malaking bilog na umaandar na mahinang umiikot lang. Satingin ko naman hindi nakakatakot roon dahil mahina lang itong umandar.
"Ferrys Wheel ang tawag diyan." Tumango naman ako. "Pero mamaya muna tayo sumakay diyan hindi ka ba nagugutom? Kain muna tayo." Dahil pinaalala nito kaya nakaramdam na rin ako ng gutom. Kumain naman kami sa tinawag nitong food stall hindi ko alam kung ilang oras kaming kumain dahil ito ba namang kasama ko ay pala kwento rin kaya napatagal ang kain namin. Nagpahinga lang kami ng ilang saglit bago sumakay sa ferrys wheel.
Hindi ko namalayang na matagal na pala kaming nalagi rito, pababa na kasi ang araw. Nakatigil naman ang ferrys wheel na sinakyan namin at nasa tuktok kami kaya kita rito sa taas ang paglubog ng araw. Hinihiling ko nasa huwag ng patapos pa ito. Pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa lumubog alam kong pinagmamasdan rin ito ni Trevor hindi ko alam kung anong nasa isip nito. Nang matapos na lumubog ang araw naramdaman ko naring gumalaw ang sinasakyan namin kaya alam kung pababa na ito.
"Anong iniisip mo?" Biglang tanong nito. Napaharap naman ako sakanya at tinitigan ko ito ng matagal menimemorya ang mukha niya. Kung sana nasa ibang pagkakataon lang siguro tayo nagkakilala Trevor sa sabihin ko sayo ang nararamdaman ko.
"Iniisip ko, na sana huwag ng matapos ang araw na ito pero mukhang hindi nangyari." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya. "Ikaw?" Matagal naman ito bago makasagot uli.
"Iniisip kong...Huwag ka ng umalis." Malungkot na sabi nito. Hindi ko namang inaasahang yun ang sasabihin niya. May alam ba siya?
"Paano mo namang naisip na aalis ako?"
"Hindi ko alam. Pero nararamdaman ko." Hindi pa rin nito inalis ang tingin kaya ako na mismo ang umiwas sakanya. "Bakit kailangan mong ilihim saakin ang pagkatao mo? Ganun mo ba ako hindi pinagkakatiwalaan?" Halatang nasasaktang sabi nito.
"Hindi sa ganun..." pinigilan ko naman ng huwag ng magsalita pa. Kasunod noon ay bumama na kami sa sinakyan namin. Tahimik lang kami habang naglalakad palabas ng amusement park. Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa kamay ko, mahigpit iyon at para bang ayaw na nitong humilay.
"Alam kong napagod ka, huwag mo nang intindihin ang sinabi ko kanina." Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan kaya napatingin ako at malamang nasa harap na kami ng bahay. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. "Magpahinga ka na. Tatawagan kita kung kailan uli tayo magkikita." Hindi pa rin ako gumagalaw gusto kong sabihin ang nararamdaman ko ngayon pero maraming pumipigil saakin.
"Tulad ng sinabi ko kanina hindi sa hindi kita pinagkakatiwalaan, ayoko lang na madamay ka pa." Lakas loon ko turan sa kanya. Narinig ko naman itong bumuntong hininga.
"Sana huwag mo ring mamaliitin ang nararamdaman ko sayo. Magsabi ka lang nandito ako. Huwag mong sarilihin lahat ng problema mo." Lumapit naman ito at naramdaman kong hinagkan ako nito sa noo kaya napapikit na lang ako. Patawarin mo ako Trevor.
*******************
******************
"Saan ka pupunta?" Nagulat naman ako ng may humintong sasakyan sa gilid ko. Nakita ko naman kung sinong nagsalita roon walang iba kung si Trevor. Ilang araw na rin mulang ng makausap ko siya simula noon hindi ko na sinasagot ang mga tawag nito. Sinasanay kong wala siya tabi ko dahil hinahanda ko na rin ang pag-alis ko. "Ang sabi ko saan mo balak pumunta at mukhang nagmamadali ka."
Napabuntong hininga na lang ako ng hindi ko na makita ang kotse ni mommy dahil umalis na ito. Bigla naman akong nagkaroon ng idea kaya dali-dali akong sumakay sa kotse ni Trevor .
"Sundan mo yung kotse ni Mommy." Sabi ko habang sa daan nakatingin. Tumingin naman ako saglit sakanya at nakita ko itong umiling pero sinunod rin ang sinabi ko.
"Psh.. pag katapos mong hindi sagutin lahat ng tawag ko nitong mga nakaraang araw tapos ganito agad bubungad saakin?" Seryosong sabi nito na may halong pagkatampo.
"Sorry kung naabala kita. Kung ayaw mo dito mo na lang ako ibaba." Nakayukong sabi ko.
"Tsk.. Satingin mo ba ibaba talaga kita dito sa kalsada?" Medyo inis na sabi nito "Bakit ba gusto mong sundan ang mommy mo?" Pag-iiba naman nito ng tanong. Sasabihin ko ba sakanya ang totoo?
"Nagtataka lang kasi ako sa mga kinikilos ni Mommy nitong mga nakaraan araw." Pag-umpisa ko. Hindi naman ito nagsalita at halatang hinihintay ang sunod ko sasabihin "Sa tingin ko may kinalaman ito sa kapatid ko."
"Kung may kinalaman lang pala sa kapatid mo bakit hindi mo na lang hayaang sila na ang magresolba nun. Hintayin na lang nating dumating ang kapatid mo."
"Pero satingin ko hindi lang yun. Alam kong may tinatago pa siya saakin." Nalilitong sabi ko. Malakas ang kutob ko pero hindi ako sigurado.
"Okay, kung yan ang gusto mong mangyari, sasamahan kita."
"Salamat ng marami. Trevor."
"Tsk.. Hindi libre itong serbisyo ko sayo. Saka na kita sisingilin." Nakangising sabi nito. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Ang dugas mo talaga." Nakita ko naman itong natawa lang kaya napangiti na lang ako.
"Mukhang tama ka nga, tungkol sa kapatid mo. Gusto mo bang pumasok?" Nakarating na kami. NAkita ko namang pumasok si Mommy sa prisinto. "Ano papasok tayo?"
"Huwag na baka makita pa tayo."
"So, aalis na tayo? For sure tungkol naman sa kaso ng kapatid mo lang ang pag-uusapan nila. Ayaw ka na nilang mag-alala pa." Siguro nga. Pero bakit parang may nagsasabing hintayin ko. Haist! Baka mali lang ang iniisip ko.
"Sige, mukhang mali naman ako." Matamlay na sabi ko. Napatingin na lang ako sa bintana hangang ngayon tinitignan ko lang kung saan pumasok si Mommy kanina. Narinig kong buksan na ni Trevor ang makina upang makaalis na kami.
"Saan mo naman gustong pumunta ngayon?" rinig kong tanong nito, pero napaayos ang upo ko ng makita ko si Mommy na lumabas at may kasamang lalaki. Inaalala ko naman kung saan ko ito nakita naalala kong pumunta na pala ito noong nakaraang buwan sa bahay namin siya yung pulis na nag-iimbestiga sa kaso ng kapatid ko. Pero mula noon hindi ko na ito nakita pang pumupunta. Sumakay naman na si Mommy sa kotse nito kasama ang pulis. Bakit magkasama sila? "Lumabas na si Mommy, sundan mo uli yung kotse niya."
"Huh? Natapos agad yung usapan?"
"Hindi ko alam. Pero may kasama siya, yung pulis na nag-iimbestiga sa kaso ni Ciara. Mukhang may pupuntahan sila." Saan kaya nila balak pumunta? Bakit parang kinabahan ako? Sana mali ang kutob ko.