TIARA "Salamat po at tinawagan niyo agad ako." nakangiting tuggon "Wala yun iha, alam ko kasi. Alam ko kasing ikaw rin ang makakapagpagaan nang pakiramdam niyang alaga ko. Mag-ingat ka lang dahil tuwing may sakit yan medyo masama rin ang pakikitungo niya sa iba." pinagmamasdan ko lang ang ginagawa nito habang nagsasalin ng pagkain sa mangkok. "Ikaw nang maghatid nito sa kuwarto niya. Tumawag ka lang kung may kailangan ka pa." Tumango naman ako at dadahang binuhat ang mga pagkain na nakalagay sa bandeha. Kumatok muna ako nang mahina upang sinyales na nandito na ang pinapahanda niyang pagkain pero hindi niya alam na darating ako. Alam kong itataboy niya ako kapag nalaman niyang nandito pero nakahanda na ako at kahit sa ganitong maliit na bagay matulungan ko man lang siya. Nakapikit ito na

