CIARA Nasa kalagitnaan ako nang ginagawa ko nang may narinig akong mahinang katok. Sinabi ko namang pumasok na ito kaya nakita kung sino ang kumatok. Tiara. Ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa ginagawa ko at hinayaan siyang magsalita. "Pwede ba kitang maabala saglit?" mahinhing tanong nito. Sa dalawang linggong nakasama ko siya marami talaga kaming pinagkaiba. Sa pananalita pa lang at talagang kapag nagsasalita siya pinipili niya ang sasabihin niya. Ako kasi minsan nawawalan ako ng kontrol sa sarili lalo na kung naiinis or galit ako hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko. "Ano yun? May maitutulong ba ako?" ginilid ko naman ang mga ginagawa ko saka ito hinarap. Nakita ko itong nakayuko kaya hindi ko alam kung nahihiya ba itong sabihin ang gusto niyang sabihin. "Gusto ko sanang mag

