Tiara "Ngayon malinaw na sayo at nakita mo naman ang nangyari, Mahal na Hari. Pwede naman sigurong magdisisyon ka nang huwag mo nang idadamay ang mga anak ko. Nakikiusap ako hayaan mo na kaming mamuhay nang payapa rito." naabutan kong masinsinang nag-usap si Mommy at Haring Ervis. Siguro tungkol ito sa nangyari. Nanatili lamang ako sa kinatataguhan at patuloy sa pakikinig. "Gustuhin ko man pero marami na kaming nilabag bago pa man kami magpunta rito. At kapag nilabag ko pa ang huling kahilingan nila. Hindi lang ang kaharian niyo kundi pati na rin ang kaharian ko ang madadamay at lahat ng iyon ako ang dapat managot." Bigla naman akong natakot. Hindi ko alam na iyon ang magiging kapalaran ng hari. Pero hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung anong dahilan niya kung bakit bumalik kami rit

