TIARA "Kilala mo ba kung sinong nagkinap sayo?" Napatingin naman ako kay Ciara na hanggang ngayon tulala pa rin at hindi makausap. "Huwag kang mag-alala ipinapahanap namin kung sino man yun." sigunda naman ni Tito Jacob "Huwag na kayong mag-aksaya pa nang oras. Hindi nga ako nakidnap nakita niyo namang nakabalik ako rito hindi ba." "Bakit hindi mo kasama si Ervis?" "Ewan ko sakanya, nagpaiwan pa doon. Kung gusto niya doon di magsama silang dalawa." gigil na sabi nito. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nito pero mukhang inis na inis ito. Hindi kaya babae ang kinaiinisan nito? "magpapahinga na ako. May pasok pa ako bukas." Hinayaan na lang namin ito. Hindi naman ito nagsasalita sa kung ano. Nagulat na lamang kami nang narito na siya. Hindi rin namin alam kung anong nangyari sakanila k

