CIARA Naalimpungatan naman ako nang may naramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa labi ko pagbukas ko ng mga mata ko nabalot agad nang kadiliman sa kwarto ko kaya hinanap ko agad ang lampshade na nasa side table una ko iyong binuksan napatingin na rin ako sa relo na nasa tabi nito. Hindi ko namalayang gabi na naman, 11 pm. Ganun ba ako katagal natulog, wala naman akong ginawa pero para akong napagod nang buong maghapon. "Bakit parang totoong-totoo yung napanaginipan ko." Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang ramdam ko yung sakit. Napatingin ako sa pintuan imposibleng may makapasok sa kwarto ko nilock ko ito. Napatingin rin ako sa pinto ng veranda naka-awang ito ng kaunti. Pero alam kong sinara ko ito kanina pero hindi ko naman nilock. Sinara ko lang ito dahil nakabukas ang aircon

