CIARA "What are you doing here again, Ciara?" Ngumisi lang ako sakanya at tuloy sa pagpasok sa bahay nito. Nakita ko naman itong nakasimangot. Medyo kinapalan ko talaga ang mukha ko dahil hindi naman ako ganito pero like I said before makikipagkaibigan ako sakanya. "Well, binibisita ko yung mga katulong mo dito." Sarcastic na sabi ko at umupo sa sofa. I welcomed myself here. "I'm deadly serious Ciara, what are you doing here? Isang linggo ka nang pumupunta dito. Yung totoo gusto mo ako, noh?" He teased me, kaya lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Like duh! Ang palaging expression ni Megan. "For your info. Mr. Hindi kita pag kakainteresan. Sa totoo lang chinike ko lang kung buhay ka pa ba. yun lang." "As you see I'm perfectly alive, so you may leave now." Matamlay na sabi nito.

