"I... I need to go," ani Charles. Hinawi niya ang kamay ni Mia na nakahawak sa kanyang braso bago tumakbo palabas ng aming classroom. Tulala pa rin ako sa aking narinig. Totoo ba ang sinasabi ni Charles na kambal kami? Paano? Hindi ko maintindihan. Kailangan ko ng malinaw na sagot sa mga tanong na bumuhol sa aking isip. "Iyah..." sambit ni Mia. Humina ang kanyang boses. Napaupo ako, nanghina dahil sa nalaman. Maging ang boses ko yata ay nawala na lang bigla. Hindi ako makapagsalita. Walang kahit na ano ang lumalabas mula sa aking bibig. "Baby," dinig kong tawag naman ni Miggy. Hinawakan niya ang aking kamay. Wala akong maramdaman na kahit ano ngayon. Tulala lang ako sa sahig. Kailangan malaman ko kung paano kami naging magkapatid ni Charles. Tulala ako hanggang sumapit ang lunchbreak.

