Hindi na kami bumalik ni Miggy sa party ni Ara. Napagpasyahan namin na manatili na lang kung nasaan man kami ngayon. Ayos na rin sa akin ito dahil ayoko na ring bumalik pa doon. Gusto ko ay kami lang dalawa ni Miggy. Hanggang ngayon kasi ay paulit ulit ko pa rin naaalala ang sinabi niya na, akin na siya. Langit sa pakiramdam na maangkin ang isang Miguel Sebastian Arevalo. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwan. Dahil sa totoo lang, wala naman talaga akong balak pakawalan pa siya. Gusto ko ay habang buhay na kami. "Baby," malambing na tawag sa akin ni Miggy. Nasa labas kami ngayon. Nakahiga siya sa hood ng kanyang sasakyan habang ako naman ay nakaupo sa kanyang tabi. Ang nakabukas na headlights ang tanging nagsisilbing liwanag namin. Bumaling ako sa kanya. Nakatingin

