"Miggy..." nanginginig ang aking boses. Mariin ang titig niya sa akin. Hinila niya ako patayo. "Narinig mo ako, Aaliyah. Hindi ka kukuha ng kahit na anong number ng lalaki." Tumayo rin si Charles. Tinangka niya akong agawin kay Miggy. "Hindi naman yata tama 'yan, Miggy. Hindi sayo si Iyah!" mariin na rin ang tono ng boses niya. "Oo nga!" sang-ayon ni Mia. Tumayo na rin. Ang kaninang galit na mata ni Miggy ay mas lalong tumindi. Kinabahan ako bigla. Natatakot ako na mag away-away sila rito at wala man lang akong magagawa. "She's mine," sagot lamang ni Miggy sa dalawa. Natawa ng sarkastiko si Mia. "Sayo siya, tapos ikaw hindi naman sa kanya? Great!" ang ibang estudyante ay napatingin na sa amin. Nakahawak pa rin si Charles at Miggy sa magkabilang kamay ko. "Dahil ba masyadong inosente

