Hindi tumigil ang mga pinsan ni Miggy sa pang aasar sa aming dalawa. Halos hindi ko na nga sila kayang harapin dahil sa pamumula ng aking mukha. Samantalang si Miggy, nakikipagsabayan pa sa kanila. "Mararansan niyo rin ang matawag na baby kapag nagka boyfriend na kayo," tawa niyo sabay inom sa shot ng vodka. Umirap si Ara sa kanyang sinabi. "I don't need a boyfriend." "I need a boyfriend," panabla naman ni Nicole. Nagatawanan na lang sila, pati ako ay nakisali na. Umakbay sa akin si Miggy habang tumatawa. Natigilan ako, nilingon siya. Ang kanyang mga mata ay kumikinang dahil sa kanyang pagtawa. Hindi siguro ako magsasawang tingnan ang pagtawa niya araw-araw. Nang lumalim na ang gabi ay napagpasiyahan na nilang itigil ang inuman. Inaya ako nila Lizzy na dito na magpalipas ng gabi, nguni

