"Ano itong nababalitaan ko, Iyah?" bungad sa akin ni Mia pagpasok ko pa lang ng aming classroom kinabukasan. "Ilang araw lang akong nawala, ang dami ko ng nababalitaan tungkol sa 'yo." "Wala lang yun," nag iwas ako ng tingin sa kanya at umupo na sa aking pwesto. Halos matawa siya sa aking sagot. "Anong wala? Nabalitaan ko na inaway ka raw ni Bea dahil lang kay Miggy." "Hindi... hindi niya ako inaway." "Don't lie to me, Iyah. I know you so well. Masyado kang mabait! Pati ba naman ang pang aaway sa 'yo ni Bea ay pinapalampas ko? Dapat ay lumaban ka!" lumakas ng kaonti ang kanyang boses. Hinawakan ko ang kanyang braso para pakalmahin siya. "Ayos lang ako, Mia." Napailing na lang siya sa sinabi ko. Inilagay na pa niya ang kanyang palad sa kanyang noo, tila hindi alam ang gagawin. "Hindi

