"I really missed you, Iyah!" yakap sa akin ni Mia. "I missed you too!" napangiti ako, niyakap siya pabalik. "Sali ako!" sambit naman ni Charles na nasa gilid ni Mia. Kaso ay agad nang bumitiw sa yakap si Mia. Tiningnan niya ang kambal ko. "Epal!" masungit niyang sabi. Napailing na lang ako. "Kayo talaga! Tara na nga. Pinag bake ko kayo ng cake!" aya ko sa kanila. Tumungo kami sa kusina. "It's been five year, Iyah! Ang tagal mong hindi bumalik dito. Ang dami ng nagbago sa 'yo," ngiti ni Mia habang umuupo. Tinabihan siya ni Charles. "Hindi naman! Ako pa rin ang dating Iyah. Buhok lang naman ang nagbago sa akin!" tawa ko habang inilalapag ang cake sa mesa. Kumuha ng plato si Charles para bigyan ng cake si Mia. "No. She changed. A lot." Seryoso akong tinignan ni Mia. "Really?" aniya. N

