Pinili kong huwag na lang pansinin ang bawat galaw ni Miggy. Hindi tama. Hindi tama ang mga sinasabi at ipinapakita niya. Ako na mismo ang iiwas sa kanya. Nararamdaman ko na may ipinaparating siya sa bawat salitang sinasabi niya at ayoko nang alamin ang ito. Masaya na ako. Matagal nang tapos ang kung ano mang meron sa amin. "Iyah..." natigilan ako sa pag iisip nang tawagin ako ni Charles. Nilingin ko siya, nagtataka. "Bakit?" Naglalaro ang kanyang mga mata. Hindi ito mapirmi sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Tumikhim siya, ininom ang tasa ng kape bago magsalita. "Galit ka ba kay Mia? Nakapagusap na ba kayo?" Ngumiti ako ng tipid. "Hindi pa kami nag uusap. But it's fine, Charles. Baka talagang badtrip lang no'n si Mia kaya ganu'n ang mga nasabi niya."

