LILY POV Pagbaba ng tawag ay halos manliit ako sa sarili ko. Ngayon ay napatitig pa ako dito kay Bea na tawa ng tawa at tinatakpan na nga niya ang mukha niya ng folder. Paano, narinig niya ang lahat ng kabastusan ng boyfriend ko kanina at ngayon ay halos grabe ang kaba na aking nararamdaman. And I also feel so ashamed as well dahil kay Ahron. Nako, yari talaga siya nito sa akin kapag nagkita kaming dalawa. I will make sure na uupakan ko siya mamaya. Kakasabi ko nga lang na kasama ko itong si Bea tapos kung ano ano na ang mga sinasagot niyang walang kahiyaan. Now, how am I supposed to with this. The damage has been done. Kahit na masasabi kong matalik na kaibigan ko itong si Bea, I still do not want her to hear something like that. Nakaka ilang, it should only between me and Ahron. Per

