AHRON POV Nandito na kami sa ring nitong si Alfred. Nag hubad na nga kami parehas ng aming mga damit at sinuot na ng referee ang gloves sa aming mga kamay. Hindi ako makapaniwala na matatagpuan ko ang sarili ko sa ganitong klase ng sitwasyon. Masyado akong gwapo para makipag basagan ng mukha ngunit kung para ito sa ikaka tahimik ng sitwasyon namin nitong si Alfred, I am going to f*****g beat his ass. Humanda siya, sisiguraduhin ko na malala ang mga magiging pasa niya sa mukha, yung tipong magiging matagal bago mag hilom. Ganyan ang gusto ko upang may remembrance ako sa kanya. At tsaka para na rin ito doon sa pabuya ni Cong. Raul na tumataginting na fifty thousand pesos. Mukhang pera rin ako pero hindi halata. Ang sarap siguro sa pakiramdam na magkaroon ng ganitong kalaking pera. Nag

