Chapter 93: Same

2248 Words

Nagtanong si Ben kung bakit masiyado akong natagalan sa powder room. Sinagot ko lang siya na masakit ang tiyan ko, at nag aayos ako sandali. Tinanggap niya naman ang dahilan ko. Without him knowing na may nangyaring kidnapping sa loob. Siguraduhin kong hindi makakatakas ang limang babaeng iyon. Kumain kami ni Ben sandali sa isang mamahaling restaurant pagkatapos nun hinatid niya ako pauwi ng bahay. Gabi na nang makarating kami. Nakangiti siyang nagbukas ng pintuan ng kotse. Hindi ko rin mapigilang ngumiti sa kanya. "It's nice to see you smiling in our date, Devon," sabi ni Ben. "I enjoyed our date. Thank you so much." Bumababa na ako nang tuluyan sa kotse. Pagkatingala ko sa bahay namin. Nakabukas ang lahat ng ilaw. Mukhang hindi umalis si Ram sa buong araw na wala ako sa bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD