"Please, huwag mo kaming patayin. Parang awa mo na, Joyce! Nagbago na kami! Pinagsisihan na namin ang nagawa namin sa'yo!" pagmamakaawa ng limang babae. Hinang-hina na sila dahil pang-ilang ulit ko silang sinasampal. Nakagapos sila sa harapan ko habang may taunhan na nakasuot ng itim ng suit sa kanilang likuran. Nakatutok sa kanila ang baril kaya't nginig na nginig sila ngayon. Katabi nila ang mga kaibigan ni Ramcess. Na kanila ring mga boyfriend, silang lahat ang nakakita kung paano ako tinatraydor at binababoy ni Ramcess noon. Pero ano ang ginawa nila? Tumatawa lang? Pinapaboran ang gawain ng kanilang tinitingalang lalaki na ngayon wala ng laban pagdating sa akin. "Parang awa mo na pakawalan mo na kami!" sigaw pa nila. Kanya-kanya na sila ng rant na sana pakawalan ko na raw sila.

