Dapat akong magtiwala sa kanya dahil mahal na mahal pala talaga ako ni Ram. Ako lang ang nakikita niya noong una pa lang, na bulagan lang siya ng galit at pagka-obsses sa akin kaya hindi niya na papakita sa akin. Hindi lang pala sapat na mahal mo lang ang isang tao. Kailangan mo rin ibuhos ang buong tiwala mo sa kabila ng mga nangyayari sa inyo noong mga panahong hindi niyo kayang ipaglaban ang isat-isa. Ngayon, kaya na naming itama ang kamalian namin kailangan pa rin naman ng tamang tiwala upang mas tumatag pa lalo ang samahan namin. Tama si Ram, hindi matutumbasan nino man ang mga nangyayari sa amin noon kapalit lang ng isang pangyayaring makasalanan. Kailangan mo lang makuntento sa isang tao. Kailangan buong tapang niyong haharapin ang mga pagsubok. Pinili niyong mahalin ang bawat is

