"Mas pinili kong buhayin ang anak natin ng mag-isa. Mas pinili kong ilayo siya sa magpapahamak sa kanya, Joyce. Dahil takot akong, pati siya mawala sa akin. I'm sorry I didn't tell you this early." Titig na titig ako kay Ram ngayon. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako makapagsalita agad. Pinoproseso pa ng isipan ko ang mga pinagsasabi niya. Kung kanina nawawala ako sa sarili, ngayon naman halos gumuho na ang mundo ko. Ang hirap maniwala, para akong lumulutang ngayon sa ere. Naninigas ang buo kong katawan. Ang bibig ko, hindi ko maibuka. Para akong tuod sa harapan niya. Maraming katanongan sa isipan ko pero tanging lumabas sa bibig ko ang katagang... "You kidding right?" hindi makapaniwala kong sabi sabay tawa na parang na babaliw na. Walang emosyon ang mga mata ko.

