Masiyadong awkward ang pagkain namin ni Ram sa hapag kainan. Tanging pagsubo lang naming dalawa ang narinig sa lamesa. Hindi mo siya magawang tingnan, hirap na hirap ako sa sarili kong pakisamahan siya sa lamesa. Para akong sinasakal sa bawat nakaw tingin naming dalawa. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin nang ilang beses ngunit mas binilisan ko pa ang pagsubo ko nang sa ganoon matapos na ako sa pagkain. Hindi ko na siya pinansin kahit alam kong may gusto siyang sabihin. My mind is occupied by the kiss. Those hot lips he has, those mysterious eyes on him. It gives shivers on my spine kahit iniisip ko pa lang. Hindi ako mapakali lalo na't masiyado pang sariwa ang nangyaring halikan naming dalawa kanina lang. After we kissed torridly na hindi ko inaasahang tutugunan ko, agad kong nar

