bc

Saan Naroon Ang Pag-Ibig

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
family
inspirational
drama
bxg
female lead
realistic earth
first love
self discover
naive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Sa murang edad ay pasan na ni Maya ang obligasyon ng kaniyang pamilya. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng Manolo na tumutulong sa kanya para makasurvive sa bawat araw. Naging magaan ang buhay niya dahil sa nobyo ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay nabuntis siya nito. Dahilan upang sa edad na dise-nuwebe ay maging isa siyang ina. Akala ni Maya ay naranasan na niya ang lahat ng kahirapan, ngunit nagkakamali siya. Dahil muli siyang susubukin ng panahon at dito niya makikita kung gaano siya katatag bilang isang babae at ina.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay mawawala sa kanya si Manolo, napilitan ang dalaga na mag abroad para buhayin ang anak. Kagaya ng ilang libong pilipino, isa siya sa minalas na makatagpo ng malupit na amo. Ano ang gagawin ni Maya sa mga panahong wala si Manolo sa tabi niya para ipagtanggol siya? Ano ang kanyang gagawin kung ilang ulit na may nagtangka na lurayin ang pagkatao niya? Paano siya makakatakas sa malupit na amo at sa nakakatakot nitong mundo? Bumalik pa kaya sa kanya si Manolo? Maging buo pa kaya ang kanyang pamilya o mananatili siyang isang singlemom?

Saan nga ba naroon ang pag-ibig kung mundong iyong ginagalawan ay puno ng pait?

chap-preview
Free preview
01
Nanginginig ang mga kamay niya habang pinipihit ang seradura ng pintuan ng maliit nilang barong-barong. Nasa malayo pa lang kasi siya ay rinig na niya ang malakas na palahaw ng Inay at ng nakakabatang kapatid. Alam niya ang dahilan, lasing na naman ang Itay at nagwawala na naman ito. Marahil, may nakaaway na naman ito na kaibigan at naibubuntong ang galit sa kanila. "Magandang gabi po, Itay, Inay..." sabi niya nang makapasok sa loob. Napasulyap siya sa nakakabatang kapatid na si Mikay. Nakasiksik ito sa galit, tigmak ng luha ang pisngi at takot na takot. Napahugot siya ng malalim na hininga. Lumapit siya sa ama para magmano ngunit marahas lang nitong tinabig ang kamay niya. Ramdam niya ang malakas nitong hampas kaya bahagya niyang hinaplos ang pisngi ng palad. "Walang maganda sa gabi! Mabuti naman at dumating ka na, wala pa kaming makain!" singhal ng ama. Napayuko siya kasabay ng pagkagat ng ibabang labi. Kahit kailan talaga wala man lang amor sa kanya ang ama. Nasanay na siya sa matatalim nitong salita na tagos sa kanyang kaluluwa. Nakakapagtataka na wala na siyang mailuha nang gabing iyon. "Mano po, Inay..." baling niya sa ina. Iniabot nito ang maugat at makalyong kamay. Kaagad niya itong ginagap at dinala sa noo. Napansin niya ang rin ang pagsusugat ng kamay nito dala marahil ng allergy sa sabon na gamit nito. Pagkatapos ay iniabot niya rito ang isang plastic bag kung saan bumili siya ng lechon manok sa Andok's at lutong kanin. Bagong sahod siya sa pinagtatrabahuang patahian kaya dumaan siya sa tindahan para bumili ng masarap na ulam. Paborito iyon ng kapatid niyang si Mikay. Tiyak marami ang makakain nito ngayong gabi. "Mukhang bagong sahod ka, Maya. Akin na lahat kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan!" singhal ni Itay. Muli niyang napakagat-labi. Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang ilang tig isangdaan at tig bebente at inabot dito. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang Inay na akmang pipigilan siya, ngunit takot rin ito na magsalita. "Ito lang?! Nasaan na 'yung iba?!" reklamo ni Itay sa kanya. "Nakabale po kasi ako at nagkautang Itay, kaya iyan lang po ang natira sa sahod ko dahil pinambayad ko po iyung iba," nanginginig niyang sagot. "Pambihira! Kahit kailan talaga wala kang diskarte sa buhay! Nasaan na ang magaling mong nobyong si Manolo? Bakit hindi ka manghingi sa kanya para naman lumaki ang intriga mo sa akin?" "Hindi naman po nakakaalwan sa buhay si Manolo, Itay... Wala rin po siyang pera..." wika niya. "Eh di hiwalayan mo na! Aba, maghanap ka ng porendyer! Baka sakali magkamilyones ako kapag iyon ang nadale mo!" "Tama na iyan, tara na at kumain na tayo," yakag ng ina. Naipaghanda na pala nito ang daladala niya. Lumingon si Itay sa kinaroroonan ni Inay. Lumapit ito sa maliit nilang lamesa at walang pasabing hinila ang isang hita ng manok at isinubo ito. "Kayo na lang ang kumain at babalik ako sa bahay ni Pareng Ernie. Baka maibalik ko pa ang naipatalo ko kanina." Tahimik lang silang tatlo at walang lakas ng loob na sumagot. Hinintay nilang makaalis ang ama bago sila nagsimulang kumain. "Maya, bakit mo naman ibinigay lahat ng sahod mo kay Miguel, alam mo namang ipapatalo lang niya iyon sa sugal. Isa pa, malapit na ang bayaran natin sa upa, ilaw at tubig. Ano ang gagawin natin ngayon? Saang kamay ng Diyos tayo kukuha ng pambayad?" maluha-luhang wika ng Inay. Mula sa suot na sapatos ay hinugot niya ang dalawang libo at pasimpleng iniabot sa ina. "Heto po, Inay. Siguraduhin ninyo na maibabayad ito bago pa makita ng Itay. Buti nga kamo at sumahod sa paluwagan si Manolo kaya nabigyan ako ng balato." Aniya. Nakita niya na nagliwanag ang mukha ng ina. "Maraming salamat kamo, anak. Hamo't ibabayad ko kaagad ito sa kasera natin bukas na bukas din." Tumango siya at pilit na ngumiti. Isang buwan na naman siyang walang budget sa pamasahe at pagkain. Buti na lamang at may motor si Manolo at hinatid-sundo siya nito. Madalas rin siya nitong isabay sa pagkain kaya nakakalibre siya. Buti na lang at may Manolo siya dahil kung wala. Ewan niya kung saan siya pupulutin. "Mikay, masarap ba ang ulam?" tanong niya sa kapatid. Matamis itong ngumiti sa kanya at tumango. Pinaghimay niya ito hanggang sa makaramdam ito ng kabusugan. Ilang subo lang ang ginawa niya at pagkatapos ay tumigil na siya. Alam niyang gutom rin ang ina mula sa paglalabada nito sa kapitbahay nila. Hahayaan niya itong kumain hanggang sa gusto nito. Tumayo na siya mula sa kinauupuan at nagtungo sa maliit nilang banyo. Kinuha niya ang sepilyo at papaubos na toothpaste. Naglagay siya ng kaunti sa ibabaw nito at nagsepilyo. Kailangan nila iyong tipirin dahil kung hindi magsesepilyo sila na gamit ang abo o asin sa mga susunod na araw. "Ate, may baon po ba ako bukas?" tanong ni Mikay nang makabalik siya sa maliit nilang papag. "Oo naman, may natira pa akong barya sa bag ko, kunin mo na lang!" Masaya at todo ang ngiti ni Mikay na lumapit sa kanyang bag. Lahat ng bulsa niyon ay hinalungkat nito at napatalon ito ng makakuha ng apat na pirasong tag lima. "Salamat po sa baon, Ate!" masiglang sambit nito. Tumango lang siya rito at nahiga na. Kailangan na niyang magpahinga nang maaga dahil maaga rin siyang babangon para mag-igib sa poso bago siya magtrabaho. Ang buhay nilang mag-anak ay salat. Nakatira sila sa squatter area malapit sa Litex Fairview. Walang trabaho ang ama dahil natanggal ito sa pinapasukang construction site. Ang ina naman ay nagsa sideline lang sa paglalabada sa mga kapitbahay. Siya ay isa lamang mananahi sa maliit na patahian sa Commonwealth palengke. Si Mikay ay grade 5 pa lamang. Napakahirap ng kanilang buhay, sa tuwing titingnan niya ang kalagayan nila ay napapaluha siya. Hindi niya alam kung may pag asa pa ba sila na makaahon o habang buhay silang makukulong sa kahirapan. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Mikay. Kinumutan niya ito at pinikit ang mga mata. Pinilit niyang habulin ang antok at kung kailan naman nahuhuli na niya ay naulinigan niya naman ang pagtangis ng ina. Pinigilan niya ang sarili na huwag itong lingunin. Hindi niya kayang makita ang ina na lumuluha, pinanghihinaan siya nang loob. Nagtalukbong siya ng kumot at doon niya pinakawalan ang luha na kanina niya pa pinipigilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook