Nandito na si Wong Ming sa loob ng malawak na field na kanina lamang ay tanaw-tanaw niya lamang at nakikinood lamang siya pero ngayon ay mukhang siya na ang papanoorin o di kaya ay pagpupustahan ng mga manonood na mga madla. Hindi alam ni Wong Ming kung bakit para saan ang gagawin niyang ito ngunit desperado na siyang malaman ang patungkol sa Flaming Sun Guild. Naniniwala siyang isa ito sa maaaring may alam patungkol sa Devil's Clock. Kung may alam nga ang nasabing guild sa pagkontrol sa oras o marunong ang mga itong gumamit ng Devil's Clock ay siguradong mangyayari ang delubyong nangyari sa Mint City o mas malala pa. "Ano binata?! Tatayo ka lang diyan?!" Sambit ng isang lalaking nasa edad tatlumpo ata kung hindi nagkakamali habang tumatakbo ito ng mabilis patungo sa kinaroroonan ni

