"A-anong ibig mong sabihin?! Nilalang? Sa amin nagmula ang nasabing martial arts skills na ito na pagmamay-ari mismo at gawang orihinal ng aming mga ninuno!" May diing sambit ng nilalang na mula sa Aqua Clan. "Ngunit meron ako nito, at alam ko kung paano gumamit ng sinasabi mong pagmamay-ari mo. Baka inaakala mo lamang iyon." Saad ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito magpapatalo sa pakikipagtalastasan. "Tama na ang satsat binata. Ipapakita ko kung ano ang pinagkaiba nating dalawa!" Angil ng binatang nagmula sa isa sa mga aqua clans. Kita-kita ni Wong Ming kung paanong lumiwanag ang kamay ng binatang kalaban niya at tila nagkaroon ng maliit na pagyanig ng lupa habang lumiliwanag rin ng mabilis ang hawak nitong mabang staff. Skill: Wrath of River Waters! Parang mula sa kawalan

