Chapter 10: the day before doom *** 29 missed calls. 76 texts. Pagkasakay pa lang ng kotse ni Shin ay ang cellphone ko agad ang una kong tinignan. Hindi ko alam na sinubukan pala akong kontakin ni Hiro at base sa dami nun ay sigurado ako... Hindi maganda ang ibig sabihin nito. Sinubukan kong tawagan ang aking kambal habang inaayos ni Shin mga dala naming bag sa likod. Ngayon ay suot ko na ulit ay violet victorian dress kaya natakpan na ulit ang suot kong kwintas. Wala pang tatlong ring ay sinagot naman agad ni Hiro ang tawag. "sora! Thank God nakausap rin kita!" bigla akong kinabahan. Hindi nga maganda ng ibig sabihin nito... "pauwi ka na ba? Ayos ka lang ba? Solemn Raina sumagot ka naman!" I rolled my eyes in annoyance. Sinandal ko muna ang aking ulo at pasimpleng sinulyapan si S

