Sora pov I am not sick. Okay lang daw ako, at least yung ang sinabi niya sa akin pagkatapos akong ipatingin sa malapit na clinic, pero bakit may mga nararamdaman akong kakaiba? Is it because of him? Dapat bang umiwas ako para mawala yun? "come." nabaling ang atensyon ko kay Shin ng hawakan niya ang aking kamay at hilahin ako. Tinignan ko iyon at parang kung may ano na naman akong naramdaman. Para akong nakuryente. Shiz! I am really sick! Agad akong bumitaw sa kaniya dahilan para huminto siya at lingunin ako. "why?" kunot noo niyang sabi. "i can walk. Di mo na ko kailangang hilahin." palusot ko. "k." mukhang naiinis na sabi niya pero di ko na iyon pinansin. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang medyo mataong lugar ng beach. Maingay ang paligid. Merong mga kumakan

