Prologue
"Naku naman Paula, bakit ka naman nagdrive mag-isa sa highway, diba pinagbawalan kana ng daddy mo, pinapahamak mo pa si mang Carlito, baka mawalan siya ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo mo". Halos mabingi siya sa mataas na boses ng yaya niya dahil nagsumbong si mang Carlito na itinakas niya ang sasakyan. Alam niyang nag histerical na naman ito , napapangiti siya, parang ina na ang turing niya dito at anak naman ang turing sa kaniya, normal sa kanilang dalawa ng sermon araw araw dahil sa katigasan ng ulo at kapilyohan niya. Ang yaya niya din ang palaging kakampi niya sa tuwing napapagalitan siya ng magulang.
"Yaya, there's nothing to worry about, wala namang nangyari sakin eh, infact andito na nga ako sa hospital , I wan't to surprise mom and dad, oh diba ang sweet kong anak".
"Ano??at pumunta kapa talaga diyan?ano na naman hanap mo?gusto mo na naman mapagalitan?,diosko naman Paula Veronica patawarin kang bata ka, huwag kang magpapakita sa mommy at daddy mo susunduin ka namin diyan."
Nakangisi siyang sumungaw sa camera ng cellphone, kita niya sa video ang nakabusangot na mukha ng yaya niya, nasa labas ito ng kanilang bahay, maaring sasalubong sana ito sa pag-aakalang kasama siyang umuwi ni mang Carlito.
"Paula nakikinig kaba sakin?" sigaw ng yaya niya kabilang linya, hindi na siya kita nito dahil nakalapag sa upuan ang cellphone niya dahil nagpapalit siya ng damit.
"I heard you clearly yaya, you don't have to shout"
"At paanong hindi na naman kita masigawan ,sinong matutuwa sa ginawang mong takasan ako, malilintikan na naman ako nito sa magulang mo,sana pala hinintay nalang kita sa eskwelahan nyo".
"Duhh, yaya I'm not a kid anymore, see I can drive, I'm on my last year in college my god,"
"Huwag mo akong artehan Paula, hindi ka nga bata pero ang kilos mo daig pang sampung taon, malapit kana magbente, magtino kana ,diosko. paano kung.... ". Naiikot niya ang mga mata sa panenermon nito.
"Paano kapag wala na ako, sino pang magtatanggol sayo sa magulang mo sa tuwing mapagalitan ka". dugtong niya sa sinasabi nito, siyang madalas na sinasabi nito sa dulo ng panenermon nito sa kaniya.
"Oh kita mo, para kang bata ginagaya mo pa ang sinasabi ko, hindi na ako nakapag-asawa kakabantay sayo ,ang tigas ng ulo mo".
"Ya, hindi ko ginagaya ang sinasabi mo nasasaulo ko lang ,10 years mo ba namang sinasabi sakin yan ,"
" pero mahal mo naman ako,Besides,ihahanap kita ng mapapangasawa ayaw mo naman, it's your choice to be single ya not mine".
"Hay naku bata ka,Huwag kanang pumasok sa loob, susunduin ka namin diyan".
"No need yaya, uuwi ako mamaya," Kinuha niya ang cellphone at nakaharap na ngayon sa kaniya ang camera. Nanlaki ang mata ng yaya niya ng makita niya.
"Hayy, sus maryosep, ano ba yang suot mo Paula kulang nalang maghubad ka, litaw na litaw ang dibdib mo,mukha kanang borless".
"Yaya, this is fashion, duhh".
"Huwag mo akong mag duhh duhh, kurutin ko singit mo e, ano bang gagawin mo diyan sa hospital, aatikihin sa puso mga pasyente diyan kapag nakita ka ,lalo nang natuluyan , maryosep."
"Maghahanap nang lalaking magpapatino sakin , okay I have to go ya, I love you, don't worry may pasalubong ako sayo later you're favorite donuts".
"Te..teka Paula Veronica , huwag..."
Pinagpatayan na niya ito ng tawag,alam niyang namumula na naman ang mukha nito sa galit pero kuhang kuha na niya ang kiliti nito., Sari saring tricks ang gagawin niya para mapaamo ulit yaya niya, mayroong dadalhan niya ito ng flowers, or di kaya ipagluluto niya, merong yayakapin niya lang or di kaya isiksik niya ang sarili sa higaaan nito pagtulog hanggang sa bati na ulit sila.
Palagi itong napapagsabihan ng magulang niya dahil nagiging spoiled daw ako dahil palagi akong pinagbibigyan ni yaya.Madalas din siyang naguguilty kapag pinapagalitan ito ng magulang dahil sa katigasan ng ulo niya.Pero wala eh ganito siya kung anong pinagbabawal siya namang gustong gusto niyang gagawin.
"Good Afternoon Mam Paula, "
Bati sa kaniya ni Eunice pagbungad niya sa information.
"Good afternoon Eunice, may pasyente si mommy at daddy?"
"Si Doc Alfred po nasa opisina niya ,may kausap, si Doctora Gladys nasa operating room may pinapaanak cesarian."
"Anong oras nagsimula operation ni mommy?"
"Kapapasok lang mam Paula ,kalahating oras na din siguro," sinipat niya ang suot na relo, kapag ganitong ceasarian nagtatagal iyon ng apat na oras.
"Salamat Eunice"
Pumihit siya kanang bahagi ng hospital para pumunta sa opisina ng ama nang pigilan siya ni Eunice salubong ang kilay na binalingan ito ng tingin.
"Why?"
"Kabilin -bilinan po kasi ni Doc Alfred, bawal siyang istorbohin mam". Alangan saad nito.
"Don't worry Eunice, wala akong gagawin,doon lang ako kay Thess habang hinihintay si daddy". nakangiti niyang sabi dito.
"Sigurado ka mam ha?"
"Oo naman"
Kininditan niya ito saka maarteng naglakad. Ramdam niyang nakasunod sa kaniya ng tingin ang mga naroon, gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaki kung makatitig ay para siyang hinuhubaran, ohh well partly yes mukha narin naman siyang nakb hubad talaga dahil sa nakalitaw na tiyan niya at nakaexposed na legs,pero wala siyang pakialam doon ,dito siya komportable, at isa pa gustong gusto din naman niya ang attention na nakukuha sa mga tao, pero ayaw naman niyang lapitan siya nang kahit na sino.
"Hi Thess" bati niya sa assistant ng daddy niya . Nanlaki ang mata nito ng mapagsino siya. Inayos niya ang suot na shades.
"Paula?? ano ba naman yang suot mo, hindi kaba papasukin ng hangin diyan?" As expected ,kagaya ng yaya niya exagerated din itong si Thess kung magreact.
"Mainit sa labas, bakit??hindi ba bagay sakin?"
"Bagay na bagay, nagmunukha ka ngang bold star diyan sa suot mo, namumula pa yang nguso mo."Bakas sa mukha nito ang pagkabanas sa kaniya.Sanay na din siya dito kay Thess, naalala niya nung bata pa siya palagi itong pagod kakatakbo para habulin siya sa tuwing naroon siya sa hospital,kaswal narin sa kanila ang mag-usap ng ganito, katulad ng yaya niya ramdam din naman niya na mahal siya nito. Ito ang palaging nagpupuyod ng buhok niya nuon, magaling kasi itong magbraid ,at yon ang gusto niyang hairstyle nung nasa grade school siya .
"Grabe ka naman Thess, ayaw mo pang sabihing sexy ako eh, anyway si dad?"
"Hay naku, wag mo nang ipilit sakin sabihin dahil obvious na naman, and.. wag mong istorbohin ang daddy mo may mahalagang tao siyang kausap"
"Tsskk, mas mahalaga paba sakin yon??"
"Paula ha??ang ulo mo, huwag mong umpisahan ang daddy mo ngayon, anyway, sino naghatid sayo dito?pinayagan ka ng yaya mong lumabas na ganyan ang suot??"
Ngumisi siya dito.
"Hehe, tumakas ako Thess, galing akong school, itinakas ko ang sasakyan, exciting diba? "Nakangiwi ito habang nagsasalita siya. Kung gaano siya kasaya para namang nakakain ito ng panis na kanin.
"Oo, exciting nga, ihanda mo na rin ang teynga mo sa sermon ng daddy mo kapag nakita ka lalo na kapag nalamang tumakas ka".
"Duhh??ang boring na kaya, bahay school, school bahay ang routine ko sa loob ng dalawang linggo, ayaw akong payagan lumabas nila dad".
"Eh eh, at sino namang magulang ang magtitiwala sayo, ang huling nangyari ay muntik kanang makasagasa,tigas talaga ng ulo mo Paula ah ah".
Iniikot niya ang mata dahil sa mga palatak nito.
ohh Lord, wala naba talaga akong makausap na matino lahat nalang sila paborito akong sermonan.. ehh bakit matino kaba?? bulong ng isip niya. Napaangat ang isa niyang kilay, pagkatapos ay pumihit papasok sa loob ng opisina ng ama, hindi niya pinansin ang pagtawag ni Thess sa pangalan niya.
"Ginagawa din ng hospital ang mga charitable program yearly, like libreng check sa mga taong nakatira far from the city,sa mga liblib na lugar like...... Thess I told you not to disturbe me as I have important.... Paula??"
Ang makapal na kilay na ama ay naging isang guhit nang mapagtantong siya ang pumasok sa opisina nito at hindi si Thess.
Patakbo siyang lumapit dito at hinalikan niya ito sa pisnge,sabay yakap.
"Daddy".
"Paula, what are you doing here"? sinipat nito ang oras.
"Your'e supposedly at home, why are you here??"
"To surprise you and mom".
"What??and what kind of clothes is that?this is hospital Paula not a beerhouse". Ngumuso siya.
"Where is Carlito, magpahatid kana sa bahay, may importante pa akong discussion with doc Jacob".
" Nasa bahay si Carlito,I drive the car going here?"
"Ano??at paanong pumayag si Carlito magdrive kang mag-isa papunta dito.??"
"Daddy nabobored na ako sa routine ko, bawal akong lumabas,dapat nga matuwa kapa kasi dito ako pumunta kesa sa kung saan saan"? Napapailing ang daddy niya sa sinabi niya..
"Okay fine, let's talk later, can you please go to Thess, wait for me outside, may importanteng discussion ako with doc Jacob." mahina ngunit madiin na saad ng ama, alam niyang nagpipigil itong magalit sa mga oras na yon.
"Tssk, sino bang doc Jacob yon at....."Napaawang ang labi niya nang pagpihit niya ng mukha ay isang matangkad at malaking katawan ng lalaki ang bumungad sa mata niya,umakyat ang tingin niya sa mukha nito na lalong nagpatigil ng mundo niya.
Oh my God, nasa heaven naba ako?? bakit ang gwapo naman nito masyado .Nakagat niya ang labi habang nakatingin sa mukha ng lalaki, seryoso ang mukha nito at malalim kung tumingin, yong uri ng tingin na parang unti unti kang binabaon sa malalim na balon.
Kahit matalim itong tumitig magaganda ang mga mata nito, siguro lalo na kapag nakangiti iyon. Mukhang masungit ang lalaki ,nagpabalik balik ang tingin nito sa legs niya at sa nakalabas niyang tiyan, pero wala siyang nababanaag na emosyon sa mukha nito.Walang effect dito ang kasexyhan niya dito?Hindi niya yata matanggap iyon.Nakatayo ito at kitang kita niya ang namimigtas na hita na bumakat suot nitong pantalon, mahahaba ang biyas ng lalaki hanggang balikat lang siya niyon sa height niyang 5'5.
Nakasuot ito ng white blazer kagaya sa daddy niya kaya hindi niya makita ang braso nito pero sigurado siyang namumutok doon ang muscles ng lalaki,bumaba ang tingin niya sa tiyan nitong hindi niya nakitaan ng taba, dahil hapit na hapit dito ang suot na fitted knits.In short isang magandang lalaki ang kausap ng daddy niya ngayon.,isang gwapong gwapong doctor.
"Kapag sinuswerte ka nga naman"
R.J. Herrera, yon ang nakalagay na name tag na nakakabit sa suot nitong blazer.
"Wow, apelyido palang ulam na,ano kaya yong R sa pangalan nito, malamang ang J Jacob yon."
Dahil nakasuot siya ng shades malakas ang loob niyang pagmasdan angbkabuuan nito.
"Paula, are your listening??".
"Yes dad ofcourse, Im listening, "sagot niya sa ama pero kay Jacob parin nakatingin.
"Teka nga, andito kana sa loob bakit nakashades kapa,?" tinanggal ng ama ang shades niya kaya nawala ang tingin niya sa lalaki, nahihiya naman siyang bumaling dito baka makasalubong niya ng tingin ito.
"Doon kana muna sa labas, iniistorbo mo ang trabaho ko,"
"No dad, Im staying here, pinagpipyestahan ako ng mga mata sa labas. "tanggi niya. umikot sa table ng ama at naupo sa swivel chair nito.
"Paano namang hindi ka pagpyestahan mukha kang babaeng nagtatrabaho sa club sa suot mo,tigas talaga ng ulo mo kahit kailan bata ka".
Umirap siya sa hangin at sumandal sa upuan, dinukot ang cellphone at nagbabrowse.
"Pasensya kana doc Jacob, matigas talaga ang ulo ng bunso kong iyan, tumatanda ako ng mabilis dahil sa katigasan ng ulo niya".
Hindi sumagot ang lalaki ,isang beses siyang sinulyapan at ibinaling ulit ang tingin sa ama.
"Anyway, lets back to our discussion"
Halos walang naintindihan si Jacob sa sinasabi ni Doc Salcedo, ang isip niya ay nasa likuran niya, sa anak na bunso ng kausap niyang doctor.Nang sumulpot ito kanina sa gitna ng pag uusap nila halos lumuwa ang mata niya sa babae, agad na bumungad sa paningin niya ang makinis at mahaba ng nitong legs,morena skin ito isa sa gusto niyang kulay ng babae. Ang iksi ng suot nitong short na halos kita na ang pisngi ng puwet nito.
shit...
Napalunok siya ng laway nang umakyat ang tingin niya at dumako sa nakalabas nitong tiyan ay nakaramdam siya ng init ng katawan. Parang gusto niyang hubarin ang blazer dahil binabanas siya. ang puti ng pusod nito at malinis, ang tiyan ay sobrang nipis, nalalapatan ba yon ng pagkain,?parang isang dangkal niya lang ang bewang nito.sarap sigurong pisil pisilin nun.. Napako naman siya sa kinatatayuan nang mapagmasdan ang mukha nito, ngayon lang siya nakakita nang ganitong mukha sa personal.Sa kabila ng makapal nitong blush on at sobrang pulang lipstick maamo parin ang mukha ng babae.,
Nakatulala naman siya nang tuluyan matanggal sa mukha ang suot nitong shades, Ang ganda ng mabilog na mga mata nito na binagayan ng malalantik at nakakurbang pilikmata, sa tingin niya natural iyon.
Mas lalo siyang namangha nang mapagmasdan ng mabuti ang kabuuan ng mukha ng babae,so totoo pala talagang naririnig niyang hindi matatawaran ang ganda ng bunsong anak ng mga Salcedo.
Ilang beses na niyang nameet ang mag-asawang Salcedo at ang tatlong anak na lalaki nito pero itong bunso anak at nag-iisang babae ay ngayon niya lang nakita.
Ang lahat ng paghangang naramdaman sa babae ay umurong dahil sa narinig na palitan na usapan ng mag-ama. So confirmed a spoiled brat woman,from rich family.
".. No ,not again Reece, not again"..