Chapter 2

951 Words
Florence Bago ako lumabas sa bahay ay huminto muna ako sa isang malaking salamin na nakalagay sa living room. Bitbit ang maliit na shoulder bag na naglalaman ng aking mga kakailanganin para sa exam ngayong araw, tiningnan ko ang aking repleksyon doon. Kung maganda ba ako? Isang malaking check! Inikot-ikot ko ang aking sarili habang nakatitig sa salamin. Sa kaliwa, at sa kanan. Walang duda! Nang masiguro kong naiayos ko na ang aking sarili ay umalis na ako ng bahay. Isang bulaklak ng yellow bell, ang una sa halamang iyon, ang bumati sa aking pagbaba sa portico ng bahay. Matagal na rin nang maitanim ko ang nag-iisang halaman ng yellow bell dito sa bahay. Ang inaabangan kong unang bulaklak ay sa wakas namukadkad na. Magalak kong nilapitan ang dilaw na bulaklak at binalak na pitasin iyon mula sa halaman. Ngunit nang akma ko nang baliin iyon mula sa pagkakakabit nito sa tangkay, nagbago ang isip ko. Ano ang dahilan at pipitasin ko ang tanging bulaklak ng yellow bell na ito? Kung wala rin lang naman ay mas mabuting hayaan na lang ang halaman na mamuhay nang matiwasay. Mas magandang tingnan ang halaman ng yellow bell kapag marami itong mga bulaklak. At saka pa, balak ko rin namang gawin ang partikular na halamang ito-- kapag lumago pa-- na parang arko sa gate ng bahay namin. Katulad ng bougainvillea na nakita ko sa bahay ng isa sa mga kaklase ko, mas maganda kapag ganoon! Mula sa kinahintuan ko ay akin nang pinagpatuloy ulit ang paglakad patungong gate. May exam pa ako sa Calculus at bawal ang ma-late. Kahit na sigurado na akong papasa sa subject na iyon, gayunpaman ay gusto kong ma-challenge sa exam ng finals namin. Mula sa bahay ay hindi nalalayo ang bus stop kung saan ako naghihintay ng masasakyan papuntang paaralan. Mga sampung minuto siguro ang ilalaan mo sa paglalakad at nandoon ka na. Nang masarado ko na ang front gate ng bahay ay nagsimula na akong maglakad papuntang bus stop. All is nice, including this. Nakaugalian ko na rin ang maglakad araw-araw patungo sa hintuan ng mga bus. Kahit na may traysikel na pwede kong bayaran para hindi na ako mapagod sa paglalakad papunta roon-- kapag sa tingin ko ay hindi pa ako huli papuntang paaralan-- mas preferred ko pa rin ang maglakad. This also helps me think straight, have a proper blood circulation for my body, and... "Good morning, Florence!" And here he is. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ay sumulpot na naman ang mayaman-ko-na-schoolmate-s***h-aking-manligaw na si Kyle Grait. Habang ako ay patuloy sa paglalakad, kanya rin akong sinusundan gamit ang kanyang Ford Explorer na bigay ng kanyang ama noong nag-18 siya. "Good morning, too, Kyle!" Hindi na ako nag-abala pa na harapin siya dahilan sa nakikita ko naman ang kanyang presensya mula sa aking peripheral vision. Habang dahan-dahan niyang minamaneho ang sasakyan, ang kanyang tingin ay nakapako lang sa akin. "We are doing this everyday, Florence. Please, hop in." "No, no, Kyle. We are not doing this everyday-- just every weekdays." "Pretty please. You haven't tried to ride this Explorer even for the first time." "I don't mind it, Kyle. Aren't you, too?" pansamantalang tumigil muna ako sa paglalakad dahilan na ihinto niya rin ang sasakyan. Hinarap ko siya dala ang antisipasyon na tinitingnan na niya ako bago pa man kami magkatitigan nang mata sa mata. "Please, Florence. I just want to give you a ride," pagsusumango niya. "But I don't want you asking for it, Kyle. Also, taking a walk at this time of the day is what I find best." "That is what you always say to me." "And yet, you keep driving a vehicle wishing me to hop in there." "I just don't want to see you struggling on your way to school." "Walking is not a struggle, Kent. I don't have disability. So please don't treat me like I have one." Mula sa pagkakatigil ko ay pinagpatuloy ko na ulit ang aking paglalakad. Ganito ba siya talaga manligaw? "Are you disappointed with me, Florence?" "A part of me is yes." "Then, I am sorry." "I didn't say that I was disappointed with you just to hear an apology, Kyle. I want you to correct your wrong perception." "So what do you want me to do?" "By tomorrow, you should figure it out by yourself," ang huli kong sabi bago lumiko sa kaliwa. Dahilan sa makitid ang daanan dito papuntang bus stop, hindi na ako nasundan pa ni Kyle. Ewan ko ba kung nakuha niya ang aking tinutukoy na dapat ay alam na niya ang gagawin para sa araw ng bukas kung gusto niya akong makasabay papuntang paaralan. Ilang minuto pa ang nalaan ko sa paglalakad at sa wakas ay narating ko na ang hintuan ng bus. Dahil masyado pa itong maaga para sa mga nag-ko-commute, ang pila ay hindi pa gaano kahaba. Nang may dumating nang bus, agad-agad ay sumakay na ako roon. Pinili ko ang upuan na pangdalawahan sa pinakalikod at umupo malapit sa bintana. Nang nagsimula na ulit tumakbo ang bus-- dahilan sa nakapasok na ang lahat ng pasahero-- na-iwan akong mag-isang nakaupo sa dakong iyon. Pinagmasdan ko ang tanawin sa labas ng bintana at nalibang ako sa aking mga nakikita. Dalawang ibon ang tila ay masayang nagkakarerahan kasabay ang bus. Mauuna ang isa, lalampasan iyon ng isa. Masayang naglalaro ang mga ito sa kalmado at preskang umagang ito. Ngunit dumaan pa ang ilang sandali ay bigla na lang nawala sa paningin ko ang dalawang munting nilalang; bagay na ipinagtaka ko naman. Saan na kaya pumunta ang mga iyon? Baka napagod dahil bus itong hinahabol nila? Patuloy na nakatingin sa bintana at nagbabakasakaling makikita ulit ang dalawang ibon na iyon, ngunit nang minsan pang huminto ang bus sa isang waiting shed, ipinagtaka ko ang pagpasok niya sa bus. Ang matalik ko na kaibigan na si Jamie Sylver, bakit niya ako tinititigan ng ganyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD