Chapter 3

1385 Words
Jamie Inilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng bus ngunit sa aking kabiguan ay wala na akong may makita na iba pang bakanteng upuan bukod sa isa. Nandoon iyon malapit sa dulo at naghihintay sa kung sino mang tao ang uupo roon habang naghihintay na makarating sa kanyang destinasyon. Ngunit kung o-okupahin ko ang upuang iyon ay isa lang ang magiging kahulugan niyon: tatabihan ko ang aking dating kaibigan na si Florence Vixille. Ano ba ang nangyari sa aming pagkakaibigan ni Florence? Isang araw nagising na lang ako mula sa mahimbing na pagkakatulog na hindi na niya ako pinapansin. Tinanong ko siya ukol sa dahilan kung bakit ganoon na ang naging pakikitungo niya sa akin-- kung may masama ba akong ginawa sa kanya, hihingi agad ako ng tawad; kung may mali ba akong sinabi, luluhod ako sa kanyang harapan at isusumpang hindi ko na sasabihin pang muli ang pagkakamaling iyon; kung nagtatampo ba siya sa akin, walang ano man ay babawi ako-- ngunit nang naitanong ko na ang mga palaisipang iyon ay parang tipid naman siya sa kanyang mga sinasabi. Tuwing malapit ako sa kanya ay siya naman ang lumalayo. Ayaw na niyang tingnan ang aking mga asul na mata samantalang gusto niya ang mga kulay nito noon. Nagpatuloy ang kanyang malamig na pakikitungo sa akin hanggang sa dumating na nga ang araw na kinatatakutan kong mangyari: kahit ni isang salita na para sa akin na mula sa kanya ay wala na akong narinig. Parang naging estranghero na kami sa isa't isa Ano ba talaga ang nangyari? Nang makaalis na ang sasakyan mula sa pagkakatigil nito sa waiting shed kung saan ako nag-abang kanina, pinili ko na lang ang mag-standing. Kahit na may bakanteng upuan sa tabi ng childhood bestfriend ko, mas mabuti na ang ganito. Ang nakalipas ay nakalipas na. Ginusto niya ang ganitong arrangement naming dalawa: hindi kilala ang kapwa isa. Isinandal ko ang aking katawan sa gilid ng upuan habang nakahawak ang kaliwang kamay sa steel handle na nakakabit sa ceiling ng sasakyan. Parang may itinatagong sikreto ang aking dating kaibigan sa akin. Ngayon na hindi na kami nag-uusap ay mukhang hindi ko na iyon malalaman pa. Malaki ang hinala ko na ang sikretong iyon ang pangunahing dahilan kung bakit siya lumalayo sa akin, kung bakit ayaw na niyang tingnan ang aking mga asul na mata, at kung bakit tipid siya sa kanyang mga binibitawang salita kapag kami ay nag-uusap. Ang aking kaibigan sa hindi kalayuan na nakaupong mag-isa, tama ba ang hinala kong may inililihim sa akin? Mula sa kailaliman ng aking pag-iisip ay bigla akong napabalik sa aking kasalukuyang kalagayan nang nilingon ako ni Florence. Pansamantala akong nanigas dahilan sa kanyang ginawang pagharap sa akin. Ang buong akala ko ay hindi na niya ako haharapin. Ngunit ngayon na hinarap na niya ako, paano na ito? Kahit na may gulat na nakaukit sa kanyang mukha nang makita niya akong tinitingnan siya bago niya pa malaman, gayunpaman ay ngumiti siya sa akin bago nag-wave. Ilan taon na ba ang nakalipas nang huli kong makita ang magiliw na ngiting iyan? Siguro ay matagal na panahon na nga. Kung akin ngang matatandaan ay tatlong taon na kaming hindi nag-uusap. Kahit nga sulat o text man lang ay wala akong natanggap nang siya ay nag-ibang bansa dalawang taon na ang nakakaraan bago ko malaman na bumalik na siya rito sa Pilipinas dalawang buwan lang ang nakakalipas. Habang ako ay nanatiling nakasandal sa gilid ng upuan na may umuupong matanda-- at ang kaliwa kong kamay ay nakahawak sa steel handle-- binalik ko ang kanyang pag-wave sa akin sa pamamagitan ng pagwagayway rin ng aking kanang kamay sa kanya. Siyempre, ngumiti rin ako. Nagtagal ang aming pagtinginang dalawa hanggang sa mapansin namin na nakaka-awkward na ang aming ginagawa. Kapwa ay napatawa kami sa sitwasyon. "Jamie, tabi ka rito," sa pagitan ng pagtatawanan namin ay tinawag ako ni Florence at sinabihan na umupo katabi niya. Nagulat sa kanyang sinabi, gayunpaman ay sinunod ko ang kanyang utos. Ganito talaga kami sa isa't isa noong bata pa kami. Mga masayahing bata. "Salamat," tanging sabi ko nang makaupo na ako katabi ni Florence. Simula nang magkatinginan kami hanggang sa pag-okupa ko ng bakanteng upuan ay hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. Siguro ay nagugustuhan na naman niya ulit ang aking mga asul na mata. "Matagal na tayong hindi nagkita, Jamie. Kamusta ka na?" tanong niya sa akin nang may magalak na tono. "Ito at buhay pa rin. Ikaw, matagal na ngang hindi tayo nagkita, kamusta ka na rin?" pagbalik ko ng tanong sa kanya. "Ito at buhay rin." Patuloy niya pa ring tinititigan ang aking mga mata. "Kamusta ang America?" America ang lugar kung saan siya ay namalagi sa loob ng dalawang taon na iyon. "Ayon, maraming mga kano. Lahat ay pogi!" "Ay, talaga ba?" tanging tugon na lumabas sa aking bibig. "Ayaw mong maniwala? Pakikitaan kita ng mga naging kaibigan ko roon." Kaibigan: isang salita na nagpabalik-tanaw sa akin sa nakaraan. Sa aming dalawa ay si Florence itong mabilis magkaroon ng kaibigan. Habang ako ay ang tahimik na tipo ng bata, siya naman itong mahilig makipagsalamuha sa ibang mga tao. Parati akong nasa likod niya, parang buntot nga kung maihalintulad dahil sunod nang sunod sa kanya. Siya lang talaga ang itinuturing ko na matalik na kaibigan noon-- hanggang sa nangyari na nga ang nangyari: iniiwasan na ako ng aking dating kaibigan na katabi ko ngayon ng upuan. "Ayaw ko." Ipinikit ko ang aking mga mata bilang pagtanggi sa kanyang alok na tingnan ang mukha ng mga kano na naging kaibigan niya roon sa ibayong dagat. "Awsus. Nagseselos ka ba?" "Selos? Para saan naman?" tanong ko habang nananatiling nakapikit. "Kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan na hindi mo kaibigan?" "Inggit iyon at hindi selos, Florence. At kung iyon nga ang iyong tinutukoy-- ay hindi. Hindi ako naiingit!" "Okay, hindi ka na nagseselos, o naiinggit. But the way of how you speak tells me that you are angry." Mula sa aking pagkakapikit ay minulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang isang salita na hindi ako tiyak kung nasa posisyon ba ako para makaramdam ng isa. Galit. Tama ba siya? Galit ba ako? Malamang ay oo, nasa posisyon ako para magalit. Bilang kaibigan niya ay may karapatan akong malaman kung ano nga talaga ang nangyari at hindi na niya ako kinakausap noon; kung bakit hindi na siya makatingin nang diretsahan sa akin; at kung bakit lumalayo siya sa akin sa tuwing malapit ako. Ngunit nang binalak ko na na isumbat lahat ng kanyang pinaranas sa akin na dinaramdam ko pa rin hanggang ngayon ay ikinagulat ko ang mga sunod na pangyayari. "Sorry, Jamie," tanging sabi ni Florence at niyakap ako nang mahigpit. Samantalang siya itong palakaibigan sa aming dalawa, siya rin itong madaling umiyak. Kaya nga kapag nakikita ko siyang tumatangis ay mabilis ko na inaalam kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Ipinaglalaban at ipinagtatanggol ko siya noon sa kabila ng aming mga musmos na edad. Ngunit ngayon na ako na ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay ewan ko kung ano ang gagawin. Humihingi siya sa akin ng tawad at hindi ko alam ang isasagot. "Alam ko, Jamie. Galit ka sa akin. Dagdag ko rin itong selfish ko na pag-asta napatungkol sa mga kano ko na naging kaibigan doon sa America." Tama siya, hindi niya dapat sinabi ang katagang iyon. Kahit na may kinikimkim akong sama ng loob na pwede ko nang ilabas ano mang sandali ko gustuhin, wala akong sinabi, nanatili lang akong nakikinig. "You know your impact to me, Jamie. We are bestfriend ever since. You still haven't changed and so as I..." "Ngunit bakit ka lumayo?" Mula sa pagkakayakap ay bumitaw si Florence sa akin. Kahit na may bakas na ng luha ang kanyang mukha ay hinayaan ko lang siyang pahiran iyon gamit ang kanyang mga daliri. Ang panyo ko ay naibigay ko na sa babaeng nasagi ko kanina. Pagkatapos na maiayos ni Florence ang kanyang mukha ay hinarap niya ako nang may sincere na approach. "Gusto mo talagang malaman ang totoong dahilan, Jamie?" "Ikaw ba na hindi kinakausap, ayaw man lang na tingnan sa mata, lumalayo kapag malapit ako ay oo, Florence, gusto kong malaman ang iyong dahilan." "I guess I made you wait for this moment." "Tatlong taon." "Tatlong taon." Pansamantala siyang tumigil bago nagpatuloy, "Jamie, naalala mo bang may nakikita akong isang husky sa kakahuyang malapit sa atin tuwing bilog ang buwan?" "Oo. Naaalala ko pa iyon. Ngunit tila ikaw lang naman ang nakakakita ng iyon..." "Hindi iyon isang ordinaryong husky lang, Jamie. Isa iyong werewolf."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD